Chapter 9

1.1K 82 4
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

XYRA

Naghiwalay na kami ni Nikee ng direksyon dahil sa ibang floor ang kanyang dorm.

Hindi ko lubos maisip na nakagawa ako ng ka shungahan kanina sa cafeteria at hindi malabong matulad din ako kay Nikee,but I can't stand watching her like that!

Nakarating na ako sa dorm at hinanap ko na sa aking black bag ang susi,isang notebook at ballpen lang naman ang nakalagay sa bag ko pero bakit hindi ko mahanap ang susi?!Nasaan na yun?!

Inalog-alog ko pa ang bag ko pero wala talaga,at doon na ako ginapangan ng kaba.

Posible kayang kinuha iyon ng mga nakaaway ko?ang sabi sa book ay kasama sa rule na wag lalabas ng gabi sa dorm!Ayokong mapunta sa Punishment Room.

Nilibot ko ang aking paningin sa bawat taong nandito sa floor na ito at lahat sila ay pumapasok na sa kani-kanilang dorm at nila-lock na ito,pati ang kurtina ng mga bintana nila ay inaayos na nila.

Kinakagat kagat ko na pala ang kuko ko dahil sa aking kaba habang nakatingin ako sa bintana kung saan ang araw ay palubog na.

Halos mapatalon ako at atakihin sa puso ng may marinig akong magsalita mula sa aking likuran na agad ko namang nilingon.

"Eto ba ang hinahanap mo?"nakangisi niyang sambit habang ihinahagis at sinasambot sa ere ang susi ng aking dorm.
Halos mawalan nga lang ako ng pag asa ng makita ko kung sino ang may hawak non,siya yung sumunog ng bag ko!

"A-akin na yan."sambit ko at inilahad ang aking kamay as if naman na ibibigay niya.

Natatawa niya lang na pinagmasdan ang aking kamay at umiling iling pa.Hindi ko inaasahan ang ginawa niya at halos manlaki ang aking mga mata ng makita kong ihinagis niya mula sa bintana ang aking susi.

Agad kong pinuntahan ang bintana at nilingon ko ang baba ngunit wala akong makita na susi dahil sa lawak nito, tinapunan ko ulit ng tingin ang lalake ng muli itong magsalita.

"Good luck finding your key,I hope you don't get killed."may kung ano sa boses niya na nagbigay sa akin ng nakakatakot na pakiramdam.

At hindi ko lubos na matanggap na sa kanya pala ang katabi kong dorm.Pagkatapos ng eksena ng bwiset na lalakeng yun ay agad akong kumaripas ng takbo pababa sa hagdanan.

Halos wala na akong nakakasalubong na estudyante at sa tingin ko ay mag isa nalang ako dito sa labas kaya naman nataranta na ako.

Ng makababa na ako ng tuluyan ay pinagmasdan ko ang araw na papalubog na.Luminga linga ako sa paligid at nagtatatakbo dahil sa pagkataranta.Halos sumubsob na ako sa lupa kakahanap ng susi,masyado ng padilim ng padilim at bukod don ay malabo ang mga mata ko at tanging salamin lang ang gumagabay sakin.

Bloody University Where stories live. Discover now