Chapter 51

703 45 1
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Pinagbuksan ko ng bintana si Raven upang makapasok siya sa loob ng makapasok na siya ay agad ko din itong isinara dahil sa malamig na hangin na pumasok,imbes na yakapin ang sarili ay si Raven ang yumakap sa akin.

Kumalma ako sa mainit niyang bisig pati narin sa kanyang mabangong amoy na sa tingin ko ay hindi ko pagsasawaan.Sinuklian ko din siya ng yakap na mahigpit.

"Hindi mo dapat ginawa yun."sambit niya na ipinagtaka ko,inangat ko ang aking ulo at nagtataka siyang tinignan dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya na dapat ay hindi ko ginawa.

"Huh?Anong dapat hindi ko ginawa?"tanong ko sa kanya.Seryoso niya akong tinignan.

"Hindi ka na dapat pa sumunod kila Cristoff at Anneliese kanina,paano nalang kung nakita ka nila?"tanong niya pa at nagulat ako dahil alam niya ang tungkol sa bagay na iyon.

"N-nandoon ka din ba kanina?Narinig mo rin ba ang pinag uusapan nila?"tanong ko at tanging tango lang ang sinagot niya.

"I'm sorry,hindi ko lang talaga mapigilan ang curiosity ko."

"It's okay,but don't do it again,hayaan mong ako na ang gumawa ng paraan."hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako.

"About the laboratory...alam mo ba kung nasaan ang location niya?"tanong ko,humugot siya ng malalim na pag hinga bago nagsalita.

"Yeah...And I sneak in so you don't have to."napasinghap ako sa sinabi niya at agad na humiwalay sa kanyang yakap at sinamaan siya ng tingin.

"Pumunta ka ng mag isa?Paano nalang kung nahuli ka?Wag mo nading ulitin yun at paano ka naman nakapunta doon?"sunod-sunod kong tanong.

"Nope,hindi naman ako mag isa actually,kasama ko ang grupo ko for back up and fortunately ay hindi kami nahuli,nasa loob ng principal office ang pintuan na patungo sa secret laboratory at na tsambahan lang namin na makapasok doon pero kapag sa susunod na may nagtangkang pumasok ulit,baka mahuli na ito."paliwanag niya at kinuha ang kanyang cellphone.

Hindi man nagagamit ang mga gadgets dito for signal,mabuti nalang at nakakakuha pa ito ng litrato.Pinakita niya sakin ang mga kinuhaan niya at matiim ko naman itong tinignan.

Nakagat ko ang labi ko at kahit na aminadong masama ang pagkatao ko, nakaramdam parin ako ng awa at galit lalo na ng makita ko ang ilang eatudyante na lantay na lantay ang katawan na nakahiga sa isang dentist bed, pumunta ako sa CR at agad na sumuka dahil nakita ko ang ginagawa ng mga taong nakasuot ng laboratory gown sa ibang estudyante.

Ang mga ngipin ng mga estudyante ay tinatanggal nila isa isa at pinapalitan ng mga matutulis na bakal,hindi ko kayang panoorin ito lalo na ng makita kong halos magwala sa sakit at kasisigaw ang mga estudyanteng kinakawawa ng mga taong nakaputi.

May namataan din akong tinanggal nila ang kuko ng isang estudyante gamit ang pliers at palitan ng matulis at bakal na kuko.

Sumakit ang ulo ko at nakailang suka dahil sa pandidiri at naisipan ni Raven na itago ang cellphone niya dahil sa naging reaksyon ko.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon