Chapter 7

1.2K 78 4
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA

Nadala ko ng matiwasay ang babae sa loob ng dorm ko,kung mamalasin nga naman talaga ang unang araw ko dito dahil hindi ako makaka attend ngayon sa klase.

Paano nalang ang grades ko?Ang attendance?Ang lesson? Hayyssttt.

Pero mas mahalaga pa ang buhay kesa dyan.

Kinuha ko ang first aid kit na nakalagay sa maliit na cabinet na nakadikit dito sa wall.

Hiniga ko muna siya sa kama ko at lumagok muna ako ng tubig dahil na stress talaga ako sa pagbuhat sa kanya pati nadin sa nakita ko.

Hindi ko maiwasang matakot dahil don.Nakakaiyak.

Nalinisan ko na si ate kanina gamit ang basang bimpo bago siya ilagay sa kama ko,grabe ang lagkit at ang sangsang ng amoy.

Kinilabutan ulit ako ng maalala kung gaano kasangsang ang amoy ng bangkay kanina na nakasama ko sa loob ng iisang silid.

Ginagambala talaga ako non pero inaalis ko nalang sa isipan ko dahil takot na takot na ako.

Umupo ako sa tabi ng babae at sinimulang gamutin ang mga sugat at pasa niya.

Oo,binubully ako sa dati kong paaralan na pinapasukan pero hindi naman ganito kalala.

Kung baga tamang tulak at kalmot lang ng mean girls at pagbabato sakin ng masasama at masasakit na salita,pero wapakels lang ako at gora na.

Kotang kota na sila saking lahat pero hindi ko sila nilalabanan,ano nga ba ang laban ko?mayayaman ang mga yon,samantalang ako ay scholar lang at dukha.

Para akong mantsa sa puting kasuotan nila.

Iniligpit ko na ang mga gamit ng matapos ko ng gamutin ang mga sugat niya.

Kakaiba ang paaralang ito?Bakit nasa gitna ng kagubatan? Bakit sinira ang cellphone ko?Bakit may bangkay?Bakit ganito ang buhay ko?

Ang hilig ko talagang mag overthink,tsk.

Kinuha ko nalang ang libro na ibinigay sakin ni Ms.Rheo at tsaka ito binuklat.

Ang cover ng libro na ito ay kulay itim lang at walang sulat.

Nagsimula na akong magbasa ng mga rules and regulations nila pero kakaiba talaga dahil ang weird o sadya namang ako lang talaga ang weirdo dito?


Bloody University Rules:

*Stay indoors at night.

*Sleep at exactly 8:00pm

*Always attend your class

*Always be present when it comes to Breakfast in Cafeteria at exactly 6:00am-7:00am in the morning,as well in Lunch time at exactly 11:00am-12:00pm in the noon,when it comes at night just eat your dinner inside your dorm and don't go outside.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon