Chapter 6

1.2K 74 4
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA

Matapos ng pangyayari kanina patungkol sa mga nakakainis na mga lalakeng iyon ay dumiretso ako ng dorm ko at doon ibinunton lahat ng galit.

Kanina pa ako nagwawala dito sa kama ko habang nanggigigil na kinakagat ang unan at pinaghahampas sa kung saan saan.

Para akong baliw na takas sa mental.

At ng matapos ang mala gyera kong pagsabak sa mga unan ay kumalma nadin ako.

Tsk,mga echoserong yon,tumakbo nalang ako dito sa loob ng dorm ko dahil halata naman na wala akong kalaban laban sa kanila.

Pero paano na yung mga gamit ko?Haysstt!

Pag tyagaan ko nalang nga ang natirang isang notebook at ballpen ko dito,at sisiguraduhin ko talaga na hindi na mawawala sakin to.

Kinuha ko ang bag na kulay black sa loob ng wardrobe,buti na nga lang at may extra.

Hindi na ako nag ayos ng sarili ko dahil wala namang maayos,basta labas nalang ng dorm at gora na.

Hala sige!Takbo doon at takbo dito,di ko alam ang pupuntahan ko.

Napatigil nalang ako sa pagtakbo ng may makita akong grupo ng mga babae.

Tatlo sila at parang pinagsasampal ng pintura ang pagmumukha dahil sa kapal ng make-up.

Tinignan ko kung ano ba ang pinag kaka abalahan nila at nakita ko ang isang babae na naka upo lamang sa sulok habang takot na takot.

Napatakip nalang ako ng bibig ng makita ang kalagayan niya.Para siyang basang sisiw dahil tinapunan ang buhok niya ng malansang itlog at napangiwi nalang ako ng sumasabit pa sa buhok niya ang flour.

Nagtago nalang ako sa likod ng pader at bahagya silang sinilip,nagtatawanan ang mga babae habang binubuhusan ng oil ang kawawang babae.

Hindi ko mapigilang maawa dun sa babae na halos mawalan na ng malay dahil iyak siya ng iyak at meron din siyang mga pasa at sugat.

Pero ganunpaman ay sadyang duwag talaga ang lola niyo dahil ayokong makita ng power puff girls at baka ako naman ang mapagbuntunan ng sama ng loob.

Grabe,iba talaga sila kung maglabas ng galit,ano?para sakin tamang banyo lang swak na!Gets niyo?

Napailing nalang ako dahil sa kabaliwan na iniisip ko,pero naiinis talaga ako sa sarili ko dahil ang hina hina ko.

"Sa susunod kasi wag ka ng makialam pa,ikaw tuloy ang nahihirapan ngayon,at nasaan ang tinulungan mo noon?wala diba,iniwan ka lang!"sambit ng nasa gitna na may kulay kahel na buhok at may malaking ribbon na red sa ulo.

Nagtawanan pa sila at patuloy na kinukutya ang babae.

"Haha!Ang tapang tapang nung una,iyakin din pala!Naku,pag nagkataon na lumabas ka ng dorm mo mamayang gabi,di ka na talaga sisikatan ng araw."naiiling na sambit ng babaeng may kulay itim na buhok na hanggang leeg lang ang haba at sinipa sa sikmura ang kawawang babae.

Gusto ko siyang tulungan sa totoo lang pero natatakot ako sa sinabi nila,paano kung tinulungan ko siya tapos naging ganyan din ako katulad sa kanya?Nakakatakot,ang hirap mag take ng risks.

"Hala!Ma le-late na kami dahil sayo,mamaya nalang ha?wag nyo pong kakalimutan na gawin ang pinapagawa namin sayo mamaya.Bye po."sambit ng babaeng may dilaw na buhok na parehong naka ipit into pig tails.Medyo bastos na magalang.

Tama nga ang hinala ko na mga power puff girls ang mga echoserang yan.

Hindi sumagot ang babae sa sinabi ng yellow ang buhok na ikinagigil nilang tatlo.Marahas na hinawakan ng babaeng may kulay orange na buhok ang baba ng kawawang babae at walang awa itong sinampal ng malakas na talaga namang um-echo dito sa corridor.

Napa atras nalang ako dahil sa takot pero iniwasan ko na makagawa ng ingay.

"Sagot!"sigaw nila.

"O-oo,g-gagawin ko."nauutal at nahihirapang sambit ng babae.

"Mabuti kung ganon,dyan ka na nga,di pa tayo tapos mamaya."banta nila at nakita ko na paparating sila mula sa kinatatayuan ko kaya hindi ko maiwasang mag panic.

Omg!What to do? What to do?

Wahhh!!

Walang pag aalinlangan na pumasok ako sa kalapit na pintuan,agad ko iyong sinarado habang humihingal,mga ilang segundo pa ng naisipan ko na sumilip sa maliit na siwang.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko na malayo na ang narating ng power puff girls,marahil ay nagmamadali sila sa pagpunta sa classroom dahil baka ma late sila.

Lalabas na sana ako ng pinagtataguan ko upang puntahan ang babae ng makalanghap ako ng masangsang at hindi kanais-nais na amoy.

Napatakip nalang ako sa ilong ko dahil dinaig pa ang perfume ko.

Ang baho naman!Peste na yan.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong maaninag dahil napakadilim.

Kinapa kapa ko ang dingding pero wala akong mahanap na switch ng ilaw.

At dahil don ay naisipan ko na lumabas nalang  sa silid,hindi ko alam kung bakit pero naisipan ko na lakihan ang bukas ng pinto at dahil dun ay pumasok ang sinag ng ilaw papunta sa madilim na silid.

Ng sinilip ko kung ano ang nasa loob ay parang bumaligtad nalang bigla ang sikmura ko at hindi ko na napigilang masuka.

Napatakip ako sa bibig ko at napaatras,hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil sa nakita ko,halo halong emosyon ang nakapalibot sa dibdib ko.

Putspa naman oh!Pinagloloko ba ako ng paaralan na 'to?

Ng dahil sa takot ay dali dali kong isinara ang pintuan at tumakbo papunta sa kawawang babae kanina.

Hihingi ako ng tulong!Pero kung mamalasin ka nga naman,wala na siyang malay.

Bakit ba kasi may bangkay sa loob ng silid na iyon?!

Nanginginig ako sa takot dahil sa nakita, tingin ko ay matagal na iyong nandoon dahil naaagnas na ang balat nito at inuuod.

Hindi ko alam kung makakayanan ko yon,sino ba naman ang hindi mag haharumentado kung makakakita ka man ng ganong kalunos lunos na kalagayan?!

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong klase ng mga estudyante ang nakapalibot sakin.

Maisip ko palang ang nakita ko ay kinikilabutan na ako,paano nalang kung mangyari sakin yon?Paano nalang kung may serial killer dito sa loob ng ekwelahan?

Mababaliw na ako!Kailangan ko itong sabihin sa mga kaguruan para tumawag sila ng pulis,ayoko na dito!

Pero bago muna yon ay tinignan ko ang babae na kaawa awa ang kalagayan.

Kahit na mabigat siya ay inalalayan ko padin siya at tinahak ko ang daan papunta sa dorm ko.

***

Vote and Comment!
Thanks!
Godbless.^_^

Bloody University Where stories live. Discover now