Chapter 2

1.6K 97 3
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon galing sa siwang ng aking bintana.

Lumabas na ako sa aking bulok bulok na kwarto at pumunta sa kusina na nalanghap agad ang masarap na ulam na niluluto ni tita nancy.

Nakita ko naman si Max na masayang nag t-text at halatang kinikilig kilig pa,tsk ang bata bata pa napakaharot na.

Tiningnan ko naman si Papa na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo at humihigop ng kape.

Umupo na lang ako sa upuan na gawa sa kahoy at hinintay si tita Nancy na matapos.

Mayamaya pa ay dumating na si tita Nancy na may dala dalang piniritong tuyo,nilagang itlog,at sinangag na agad na nagpakulo sa sikmura ko.

Kaya ng mailapag ang pagkain ay sabay sabay kaming nanalangin tsaka ko nilantakan ang pagkain hehe.

Sa sobrang bilis kong kumain ay ganon rin ako kabilis nabulunan kaya agad kong kinuha ang baso at sinalinan ng tubig galing sa pitsel at tsaka nilagok.

"Dadalok dalok kasi tsk tsk."bulong ni Max na ako lang naman ang nakarinig dahil bukod sa mahina ay katabi ko sya.

Grabe naman to makadalok eh kung gutom ang tao eh tsk,sya nga dyan kaharot harot kala mo naman may pera na maigagastos sa boylet nya hmp.

Natapos na akong kumain este kami pala at ang magaling na Max ay iniuutos pa sakin ang paghuhugas ng pinggan tch.

"Ikaw na kasi ang maghugas..."pagmamaktol niya

"Eh tapos na ako at ikaw naman na ang turn tsaka mag iimpake pa ako."

"Max ikaw na ang mag hugas ng pinggan dahil aalis na ang ate mo mamaya at kakailanganin niya pang mag impake hija."sagot naman ni papa.

Hayyyy salamat naman at nakaranas rin ako na maipagtanggol sa babaitang ito.

"Sige na nga hmp..."pagmamaktol ni max at nilagpasan ako pero pasimple pa akong kinurot sa tagiliran tss....

Ng makaalis na ang bruha ay tinignan ko naman si papa.

"Sige pa,mag iimpake muna ako."

"Sige anak at maliligo muna ako."

Yun lang at pumunta na ako sa kwarto ko na bulok bulok haistt.

Isang bag pack lang ang inilabas ko at syempre yung bago na pasalubong sakin ni papa na kulay red.

Inimpake ko lang ang mga bagong pasalubong sakin ni papa na mga damit at pantalon.

Nang matapos na ako ay napagpasyahan ko nang maligo at mag tooth brush.

Mayamaya lang ay natapos na ako at nagbihis na...bago lumabas at kunin ang aking bag.

"Eeewww ang nerd mo talaga yuck."saad ni Max na umaktong nandidiri at tsaka ako inirapan at nag martsa palayo.

Hmp kung wala lang talaga sila tita Nancy at papa dito baka pinaglalamayan ka na ngayon tsk.

Pumunta na ako sa labas at nakita ko na inaayos na ni papa ang motor nya.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Oh anak mag paalam ka na kila mama at sa kapatid mo."

Tinanguan ko lang sya at pumunta kila tita at max na nakatayo sa gilid ng pinto

"Uhm Max,aalis na ako.."

"Paki ko?"

Gusto ko nang umirap pramis pero pinipigilan ko lang baka patayin ako ng nanay niya,hehe mahirap na.

"Uhh I just want to say na mag iingat kayo dito nila tita Nancy lalo na at iskwater area 'to tsaka tulungan mo rin sila papa at tita rito sa mga gawaing bahay at wag kang maging pasaway.."

"Duhhhh..hindi ako aso na katulad mo para utusan ng isang katulad mo noh.."

Ang gulo niya talaga at ang taas taas ng pride,magsasalita na sana ako ng unahan niya na ako.

"And just to remind you gurl... Hindi ka na rin naman makakabalik dito unless you survived pero malabo atang mangyari yon coz your weak!"saad nito at once again na magsasalita ako kaso tumalikod na sya at pumasok na sa loob. Ewan ko ang gulo gulo niya at di ako maka relate sa mga pinagsasabi niya.

Hanu daw yon?di na ako makakabalik?unless if I survived?malabong mangyari?weak?

Teka kung ano ano na ang pinagsasabi ni max ahhh pero konti na lang talaga iisipin kong nag sha shabu na talaga sya.

Lumingon naman ako kay tita na poker face lang as usual.

"Tita aalis na po ako."

"Umalis ka lang dahil wala akong pakialam sayo."

Mag INA nga talaga sila tsk tsk.

"Gusto ko lang po sabihin na mag iingat kayo at kumain ng malulusog na pagkain tsaka wag po kayong ma stress masyado dahil wala na po ako na tutulong sa inyo sa gawaing bahay...pero wag po kayong mag alala dahil pagbalik ko dito ay ilalabas ko na kayo sa lugar na'to at ililipat sa magandang tirahan."

"Hahaha!nagpapatawa ka talaga..akala mo naman makakabalik ka pa ng buhay dito,tsaka di ako aasa sa katulad mo na magkakaroon ng malaking trabaho,at ang laki ng pangarap mo na mailalabas mo kami dito?teh masyadong lumalawak ata ang imahinasyon mo dahil mababalitaan na lang naming na bangkay ka na sa paaralang iyon!"

Nanindig balahibo ako dahil sa mga sinabi niya at hindi ko namalayan na umalis na pala sya.

Ano bang meron sa paaralang iyon?ako mamamatay sa paaralang iyon?bakit sobrang lala na ba ng pang bu bully don?di sya nagtitiwala sakin?eh top 1 nga ako hanggang elementary at ngayon eh...hah!!lelang nyang panot hmp.

Pumunta na ako sa harapan ni papa na tapos ng mag ayos ng motor niya.

"Tapos ka na bang mag paalam?"

I just nodded at sumakay na sa motor niya.

Okay this is it pancit pupunta na ako sa school na yon.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon