Chapter 48

727 46 0
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Tahimik akong nakalabas ng building pero bago yun ay chineck ko muna ang loob ng dorm ng Black Blood pero wala akong kakaiba na nakita,mukhang siya lang mag isa ang naiwan doon pero bago pa man ako makaalis ng tuluyan ay nakita ko sa isang tabi na nakasandal doon ang isang mahaba at malaking baril na isang uri ng sniper gun,kinuha ko ito at isinabit sa balikat bago nagmamadaling lumabas.

May pumapasok na na masamang ideya sa aking isipan,siguro ay kaya nandoon ang lalake upang kunin niya ito dahil nakalimutan niya.

At ang ibig sabihin nun ay may mga hawak ding ganito ang kanyang mga kasamahan at papunta na sila ngayon sa aming dorm o kaya baka nandoon na sila.

Mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo na para bang hinahabol ako ni kamatayan.

Malamig na sumasalubong sa akin ang hangin at ang buhok ko ay malayang lumilipad sa ere kasabay ng aking mabilis na pagtakbo.

Napapaatras ang taga ibang grupo na nakakasalubong ko dahil nakita nila ang baril na nakasabit sa aking likuran pero hindi ko na sila pinansin pa ata agad na tumakbo ng mabilis.

Hinihingal ako at paulit ulit na sinasabi s aking isipan na san ay hindi pa napapahamak sila Gelly,Nikee at Luna.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng building ay agad kong nakita si Luna na pahikab-hikab pang lumabas ng building.Iniwan niya sila Nikee at Gelly sa loob!Sht.

Agad kong pinuntahan si Luna at ng makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya dahil ang malinis kong itsura at damit ng umalis ay may bahid na ng dugo at may nakasabit pang sniper gun sa likod ko.

"Luna,bakit mo iniwan ang dalawa sa loob?"hinihingal kong sabi at napahawak sa kanyang balikat.

"Sa tingin ko ay hindi naman pupunta doon ang mga Black Blood dahil habang nagbabantay sa labas ng pintuan ay walang nangyayaring kakaiba kaya naisipan kong sa labas nalang mag bantay.Teka saan mo nakuha ang baril na yan?Bakit may dugo ka sa mukha?May napatay ka na?"

Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman niyang itinaas sa ere ang dalawa niyang kamay.

"Hindi ka dapat umalis doon, pinatay ko na ang isa sa kanila at sinabi ng lalakeng iyon na pupunta sila dito,hindi ko alak kung apat ba silang pupunta dito or what.Bumalik ka na sa dorm!"aligaga kong sabi at magsasalita pa sana si Nikee ng biglang may nagpaulan sa amin ng bala.

Agad kaming umiwas dito pero hindi kami nakaligtas ni Luna sa ilan dahil sobrang dami ng mga bala na nagpaulan sa amin,sa tingin ko ay hindi lang isa ang sniper na nandito.

Tumakbo kami paalis ng building at agad na tumungo sa kakahuyan at doon lang tumigil ang pagbaril sa amin dahil hindi na nila kami maabutan at makita ng dahil sa dilim na humaharang sa amin kasama ang mga punong malalago.

Napasinghap ako ng maramdaman ang kirot sa aking hita ng matamaan ako dito,si Luna naman ay sa braso natamaan at ng makita namin ang isa't isa na parehas na nakangiwi ay napatawa nalang kami na para bang hindi nalagay ang buhay namin kanina.Siguro ay na miss namin ang ganitong nangyayari katulad noon pero iba na ngayon dahil magkasundo na kaming dalaw,nababaliw na nga ata kami.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon