Chapter 4

1.4K 90 6
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA

Ibinigay ko na sa lalake ang papel at hindi makapaniwalang tinignan sya dahil sa pambihirang katanungan sa number 6 and 7.

Duhhh?kriminal ba ako tsaka sa mukhang 'to sa tingin nyo kriminal
ako-----ayyy nakalimutan kong mukha pala akong kriminal hehe.

Tsaka teka bakit naman may tanong na ganon pa!?kailangan pa ba yon?tsaka yung mga katanungan naman ay napakawalang kwenta.

This is so weird,what the f ha.

Pero nakaka loka yung tanong na number 7, grabe!anong akala nya sakin mamamatay tao?eh mukang patay na nga 'tong mukha ko eh.

Peste na yan!

"You will understand Ms.Bascko once you enter in this school."saad ng lalake tsaka sinenyasan ang isa pang lalake na pumunta sa harapan ko.

"Bitawan mo ang bag mo."matikas na sabi ng lalakeng nakatayo sa harapan ko.

Wala na akong nagawa pa kundi ang bitawan iyon dahil sa nakakatakot yung boses at awra nya huhu.

Sinimulan nyang ini-scan ang aking bag at ng hindi maging pula ang green na ilaw ay ako naman ang binalingan niya at sinunod na inis-scan.

Ng banda sa bulsa na ng mahaba kong palda ay biglang naging pula ang ilaw nito.

Hala sya!!

Kinuha ko ang cp ko na nasa bulsa ng palda ko na agad namang hinablot ng lalaki tsaka hinagis sa semento at inapak apakan.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawa.

Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong samaan ng tingin kaya sunod sunod akong napalunok.

Ibinigay nya na sa akin ang bag na agad ko namang kinuha.

Ano bang problema nila?nang aasar ba sila?nakakainis!grrrrrrrr.

Itinuro ng lalakeng nakaupo sa swivel chair ang isang bakal na pintuan.

Tumungo naman ako doon at bago makalabas ay tinignan ko ang lalakeng nakaupo sa swivel chair.

"I'm Mr.Loony by the way."saad niya ngunit hindi pa rin matanggal ang mapaglarong ngiti nito sa labi.

Napaismid na lang ako bago buksan ang pinto at pasukin ito.

W-wala na ako sa tunnel at tumambad naman sakin ang kabuuan ng University na ito sa likod ng mga nagkakapalang gusali.

Grabe mas maganda at mas malaki pa itong school na ito kaysa sa dati kong pinapasukan.

Wow ang ganda dito at sigurado akong mayaman ang nagmamay ari nito,ang ganda ganda na nga ng school libre pa ang lahat.

Napatalon ako ng may nagsalita sa tabi ko na agad ko namang nilingon.

"Ako ang mag a-assist sayo papunta sa dorm mo"saad ng babaeng may maikling buhok at naka salamin na tama lang ang laki sa kanyang mga singkit na mata.

Tumango naman ako at nagsimula na syang maglakad sa harapan ko.

Pinagmasdan ko and kanyang kabuuan habang naka talikod.

Naka suot sya ng long sleeve na turtle neck na kulay puti at fitted rin ito kaya humubog pa ang hugis ng kanyang katawan,naka palda naman sya ng pang opisina na kulay kayumanggi at naka suot sya ng heels na napaka taas.

Nakalugay ang kanyang itim na buhok na bumagay sa kanyang maputing balat,singkit din ang kanyang mga mata at kulay rosas naman ang kanyang labi.

At base kanina nung nakaharap siya sa akin ay nakita ko sa right chest ng damit nya ang logo ng paaralan na ito.

Masasabi kong maganda ang babaeng ito kahit medyo may edad na.

Pinagmasdan ko naman ang field na sobrang lawak at kakaunti na lang ang mga estudyante dahil pa gabi na rin.

May mga bleachers din sa gilid ng soccer field.

Maya maya pa ay pumasok na kami sa isang building at
sumakay na yung babae sa elevator at ganon din ako.

Wow di ko akalain na may elevator pala dito...nakakamangha.

"Nasa third floor ang dorm mo."saad ng babae na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"O-opo"maikli kong tugon.

*ting

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami dito .

Wala ng tao sa hallway at naka sarado na ang mga pintuan ng bawat isang dorm.

Sa bawat dorm ay may tig iisang bintana sa harapan na gawa sa glass.

Kulay black lahat ang kulay ng mga pintuan samantalang ang kulay naman ng dingding ay kulay puti.

Ang sahig ay gawa sa marmol kaya dinig ang bawat hakbang namin sa paligid.

Huminto na ang babae sa harap ng pinto kaya huminto din ako.

Humarap siya sakin."Eto na ang magiging dorm mo at eto na ang iyong susi."inabot ko na ang susi na nasa kamay nya,"Eto rin ang libro kung saan naka sulat ang mga rules and regulations ng paaralang ito."Sabay abot sa akin ng libro kaya agad ko itong kinuha.

"Aalis na ako,by the way I'm Ms.Rheo."at iniwan niya na akong mag isa sa harap ng pintuan na may nakaukit na numerong 345.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang seradura ng pinto bago pinihit.

Pumasok na ako sa loob at kinandado na ang pinto.

"Wow.....haha"saad ko dahil sa pagkamangha at di ko na namalayan na naibagsak ko na pala ang bag at libro ko.

Kung pagmamasdan ay maganda ang kwarto na ito at simple.

May kama sa gilid na pinapatungan ng white na comforter at tama lang din ang laki nito para sa isang tao at may dalawang unan na kulay puti na halatang malambot ang nakalagay dito at nakapatong doon ang puting kumot.

Sa kabilang gilid ay may wardrobe na gawa sa kahoy pero magara rin ang disenyo.

Sa gilid ng wardrobe ay may salamin na malaki at lamesa na katerno nito at ang nakaagaw ng pansin ko ay ang set ng napakaraming make up at kung ano-ano pa,may upuan rin dito na nakaharap sa salamin.

Kita rin ang mini kitchen at mini refrigerator at ang pintuan na patungo sa cr.

Woahhhh dito na talaga ako titira hihi,ang ganda ganda at kumpleto na ang pangangailangan mo.

Pumunta na ako sa wardrobe at bitbit ko ang bag ko papunta doon para ayusin ang mga damit ko ng pagbukas ko ng wardrobe......"I WAS LIKE O MY GOSH LIKE O TO THE M TO THE G LIKE OMG"

Bloody University Where stories live. Discover now