Chapter 22

1K 62 6
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA


Gumising ako ng maaga ngayong araw na ito,as in maaga talaga dahil madaling araw palang.Nagpalit ako ng tee shirt na white at jogging pants.

Napansin ko lang kasi na nag improve na ako sa boxing kaya ang sunod ko dapat na pa improvin ay ang pagtakbo ko sa oval dahil lagi nalang akong nahuhuli samantalang sila Luna at Nikee ay nagkakasabayan na.

Tahimik ang labas at napakalamig,napayakap ako sa sarili ko habang naglalakad patungo sa oval na tanaw tanaw ko na.

Tumatagos ang lamig sa aking suot na jacket.Ang ulap ay malamlam pa.Perpektong araw para matulog.

Humikab ako at tila tinamad biglang tumakbo,parang anytime ay gusto ko nalang na humiga sa oval dahil sa ganda ng panahon pero hindi ko maaaring gawin yun dahil kailangan kong palakasin ang aking cardio,kailangan ay makasabay ako sa pagtakbo nila Luna at Nikee.

Nagsimula akong mag stretching ng binti,inunat unat ko ito upang hindi mabigla sa pagtakbo.Nagsimula na ako sa  pag jogging sa oval.

Jogging muna ang gagawin ko at mamaya ay tatakbo na talaga ako sa buong oval.

Easy nalang ang pag jogging ko sa buong oval dahil mas masahol pa kapag nag tre training kaming tatlo dahil paunahan talaga kami sa pagtakbo paikot ng oval,may experience naman na ako.

Dahil sa malawak at mahamog ang oval ay nagulat ako dahil may nakasabay akong nag jo-jogging din sa aking gilid.

Nilingon ko siya at naaninag ko ito kung sino.Gulat ang ekspresyon niya,gulat siguro dahil hindi makapaniwalang may nakasabay siyang dyosa sa pagtakbo,char mga teh.

"Good morning Shin."pagbati ko sa kanya at nginitian siya.Tipid niya lang akong tinanguan.

"I never thought a lazy ass like you would go here for a jog."sabi niya sakin habang nakatulala padin ng diretso.Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya ako matignan eh.Ganon ba talaga ako kapangit?

"Tss,hindi kasi ako makasabay sa tuwing tumatakbo sila Nikee at Luna kaya naman naisipan ko na pagtuonan ng pansin ang pagpapabilis ng pagtakbo ko."sagot ko sa kanya,grabe kasi siya maka lazy ass eh,hindi kaya ako tamad.

"Oh,then let me help you,I'm sure that you don't want to be a burden to your friends,right?"

Hindi ko mapigilang matuwa at ngumiti ng pagkalapad lapad dahil sa sinabi niya.

Si Shin tutulungan daw ako?Totoo ba 'to?Anong nakain niya at ang bait ata sakin ngayon?

"Wahh!Thank you!Pero teka!"sambit ko ng mapagtanto na hindi dapat muna ako magsaya.Biglang pumasok sa isipan ko si Raven.Nung inalok niya ako ng tulong ay may kapalit.

Bloody University Where stories live. Discover now