Chapter 28

924 55 0
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA


"What have you done,Xyra?You almost killed the whole class!"hindi makapaniwalang sabi sakin ni Nikee,nakapalibot sa akin silang apat at nandito kami ngayon sa dorm.

Na cancel ang klase namin dahil sino namang mga kaklase ko ang papasok gayong bulagta sila?Kaming dalawa lang ni Nikee,for sure.Natauhan nadin ako at nanatiling nakatulala dahil pati ako ay hindi makapaniwala sa nagawa.

A-ako ba talaga ang may gawa 'non?

Humalakhak si Luna sa tabi ko kaya nasa kanya ang atensyon naming lahat.

Napatingin din kami kay Reni ng tumawa ito at nakipag apir pa kay Luna.Kumunot ang noo namin sa pagtataka.

"What's funny?"nalilitong tanong ni Gelly habang pinaglalaruan ang maikli niyang buhok.

"Haha!W-wala,ibang klase talaga 'tong si Xyra!Kaninang umaga binato pa ako ng bag sa mukha tapos ngayon binato naman ng lamesa at upuan ang mga kaklase niyo."naiiling na sabi ni Luna.

"My gash!Tama lang sa kanila yun!Tama lang yung ginawa ni Xyra!"sambit ni Reni at napasuntok pa sa hangin,napahilot nalang sa ulo si Nikee dahil sa perwisyo.

Napalingon ako kay Gelly na kanina pa tahimik,natakot ko ba siya?

"Gelly, natakot ba kita?Sorry,talagang hindi ko lang na kontrol ang sarili ko kanina,hindi ko inaasahan na magagawa ko yun,hindi ko nga din alam kung bakit mainit ang ulo—"pinutol ni Gelly ang sinasabi ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at malakas na ngumawa.

Gulat kaming nagkatinginan lahat,napansin ko lang din na si Gelly ang pinaka iyakin samin at madamdamin.

"B-bakit ka umiiyak?"tanong ko at niyakap din siya pabalik.

"Nag alala kami sayo!Akala namin mamamatay ka na doon nung sinugod ka nilang lahat tapos ikaw pa pala ang makakapatay sa kanila!"sigaw niya kaya napangiwi nalang ako dahil ang lapit ng bunganga niya sa tenga ko.

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Gelly at hinila naman ni Nikee si Gelly na daig pa ang linta kung makayakap sakin.

"Asus!Chansing pa ang manyak girl!"tumatawang sambit ni Nikee at pati si Gelly ay tumawa din.

"Anong chansing?"taka kong tanong at nagtawanan naman silang apat na para bang may pare-parehas na alam tungkol kay Gelly.

"Naku!Kung alam mo lang Xyra!Kahit na iyakin at mukhang inosente itong si Gelly,nagmana din ng kamanyakan kay Luna!"natatawang sabi ni Reni at sinamaan naman siya ng tingin ni Luna.

"Hep!Anong nagmana sakin?Di ako manyak 'no!"pagtanggi pa ni Luna.

"Hoy hindi kami manyak ni Luna!Pano mo naman nasabi Reni?"panghahamon ni Gelly at ang kaninang ngumangawa niyang mukha ay naghahamon na ng suntukan.

Bloody University Where stories live. Discover now