Chapter 26

991 69 1
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA


Nagsiksikan kaming lima dito sa loob ng dorm ko,pinahiram ko muna ng damit sila Serenity at Gelly dahil halos punit punit na ang kasuotan nila.

Mga manyak,sino kaya ang nag utos na gawin sa kanila yun?Baka kung hindi pa napansin ni Nikee ay may nangyari na sa kanilang masama.

Nagpapasalamat nga ako dahil kahit na inawat namin ni Luna si Nikee ay nagpumilit padin siya,paano nalang kung nag paawat si Nikee?Edi baka napagsamantalahan na sila Gelly at Reni,my gash I feel bad.

"Ano bang ginagawa niyo doon sa loob ng gubat?"panimula ni Nikee habang ginagamot namin ang mga galos at sugat nila,habang si Luna ay nakaupo lang sa isang sulok.

"S-sabi kasi nila Weina na magkita kami doon dahil may mahalaga daw silang sasabihin sakin...tapos....t-tapos pagdating ko doon wala n-naman sila."nanginginig ang labi ni Gelly at pagkatapos niyang sabihin iyon ay umiyak nanaman siya.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Nikee at Luna.Sigurado akong may kinalaman ang grupo ni Weina dito.

"Tss,ang boba mo naman,hindi mo ba naisip na sa dinami dami ng lugar ay doon pa talaga sa gubat?Malamang pinlano na nung Weina na yun na tapusin ang buhay n—"binato ko ng unan si Luna dahil kung ano ano ang lumalabas sa bibig,lumakas tuloy ang ngawa ni Gelly.

"Sa tingin mo?Anong rason kung bakit ginawa sayo yun ni Weina?"tanong ko.

"H-hindi niya yun magagawa,mag kaibigan kami eh."umiiling niyang sabi kaya napatitig nalang ako sa kanya.

Sa lahat ng tao,tinuring niya talagang kaibigan ang taong ginagamit lang naman siya.

Weina talagang yun!

"Eh ginawa niya na nga."banat ni Luna.

"Bakit parang pamilyar ang pangalan mo?At anong relasyon mo doon sa Weina?"nagtataka kong tanong dahil kanina pa kating kati ang dila kong malaman 'to.

Tinignan niya ako gamit ang mamasa-masa niyang mata at panandalian na tumigil sa pag iyak.

"Ikaw yung sinugod nila Weina noon diba?Nakalimutan mo na?"at doon lang ako nalinawan,siya ang babaeng takot na takot noon pero sinubukan niya ding pigilan si Weina sa balak nitong gawin sakin.

Nalinawan ako kung bakit ginawa sa kanya ni Weina iyon.

"Salamat sa pag tatanggol mo sakin noon ha?Teka,kasama ka pa ba sa grupo ni Weina?"tanong ko at umiling naman siya at umiyak ulit.

Inalo naman ni Reni si Gelly at nakita kong nakakunot na ang noo ni Luna marahil ay sa pagkairita sa pag iyak ni Gelly.

"Tumigil ka nga sa pag—"

Bloody University Where stories live. Discover now