Chapter 21

1K 64 7
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA


Papapikit na ako at nakayuko na ang ulo ko dahil sa antok,unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata at sinusubukan na akong lamunin ng kadiliman.

"Hoy!!"

"Ahhh!!"

Napasigaw ako dahil biglang sumigaw si Raven sa mismong tainga ko,nang dahil sa pagkataranta ay mabilis kong sinagutan ang huling question at agarang tumayo at malakas na sinampal ang kanan kong pisngi.

Lumagapak ito at tuluyan na nga akong nagising,tinignan ko ang itsura ni Raven na nawiwirduhang nakatingin sakin.

"Did you just slapped your face?"

"Yeah...",mabagal kong sabi at nag iwas ng tingin dahil sa kahihiyan,kinuha ko ang mga notebook niya at iniabot sa kanya.Feeling ko hindi lang ang kanang pisngi ang namumula ngayon dahil buong mukha ko ang nag iinit dahil sa kahihiyan.

Jusko,sino naman ang hindi mawiwirduhan kung makita mo ang isang tao na malakas na sinampal ang sariling pagmumukha.

"What a weirdo,pft."amused siya saking nakatingin habang tumatawa ng mahina, kinuha na niya ang mga notebook na nasa kamay ko.

Biglang nag init ang ulo ko at inirapan siya,kakainis siya na nga itong ginawan ng homework tapos nang iinis pa.

"By the way,you look stupid in this picture."nagtaka ako sa sinabi niya kaya nilingon ko ang kanyang cellphone na nakaharap sakin,ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko, napahawak pa ako sa bibig ko ng makita ko sa cellphone niya ang picture ko na pinipigilan ang pagtulog.Para akong shunga sa pic na 'yun.

Mas lalong lumaki ang inis ko kay Raven ng makita ko siyang humahalakhak para mas asarin akong lalo.Mabilis kong hinablot ang cellphone sa kanya pero mas mabilis siya dahil naitaas niya ito agad.

"Akin na!Burahin mo yan!"sigaw ko pero umiling iling lang siya habang naka ngising aso.Alam kong pangit ako pero marunong padin naman akong mahiya 'no,lalo ng alam ko na araw-araw tatawanan at lalaitin ni Raven ang litrato ko.

Tumalon ako at pilit kong inaabot ang cellphone niya pero walang hirap niya lang itong itinaas,sa aming tatlo nila Luna at Nikee ay ako ang pinakamaliit,lagi nga nila akong ping tri-tripan eh,kainis.

"Akin na kasi!Wala ka namang mapapala diyan sa picture ko eh,crush mo ko 'no?"inaasar ko siya sa pag asang kakagat siya pero matalino ata ang lokong 'to,na para bang alam ang pinaplano ko.

"Crush?Nagpapatawa ka ba?Ise-save ko 'to sa phone ko para may pagtawanan ako,bakit kasi ang pangit mo?"sabi niya at tumawa pa.Wow ha,nilait pa ako ng kumag,napipikon na ako kaya naman tumigil ako sa pagtalon dahil bukod sa ang lapit ng katawan ko kay Raven,napapagod nadin ako.

Bloody University Where stories live. Discover now