Chapter 27

886 73 2
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Nakaligo na ako habang si Luna ay kumakain na at balik na naman siya gaya ng dati,kaninang kinulit ko siya na sabihin ang problema niya ay inilingan niya lang ako.

Nag iinit padin ang katawan ko lalo na ang ulo ko pero hindi naman masama ang pakiramdam ko.

Uminom ako ng gamot at nakita ito ni Luna,tinatanong niya kung ano ang sakit ko eh ako nga mismo ay hindi alam.

Psh!Badtrip na umaga.

Nagsalubong ang kilay ko ng sinuot ko kaagad ang sapatos gayong hindi pa ako nakaka suot ng medyas,inis kong itinapon ang sapatos sa pader na siyang gumawa ng ingay kung kaya't nagtatakang napalingon sakin si Luna.

Makakalimutin na nga ako,ang init pa ng ulo ko.

"Problema mo?"tanong ni Luna pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Hoy Xyra Collin Bascko!Kanina ko pa napapansin na mainit yang ulo mo ha!Dapat diyan ka nalang nagluto ng itlog!"sambit niya pa at talaga namang may kung ano sa sistema ko ngayon na nag papainit ng dugo ko.

"Hoy!Baka galit ka kasi hindi ko sinabi problema ko sayo?Kahit mag wala ka pa,hindi ko talaga sasabihin sayo pwe!"

Nairita ako sa matinis na sigaw ni Luna at naririndi ang tenga ko kung kaya't hinablot ko ang bag niya at ihinagis sa kanya.

"Aray!Ano bang problema mo?!"reklamo niya at sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka kinuha ang bag ko.

"H-hoy Xyra!Hindi ka pa kumakain!Sa cafeteria ka ba?Wait lang!"hindi ko siya pinakinggan.

Habang naglalakad sa hallway ay napapatingin sa akin ang karamihan at ang iba ay napapaatras.

Mabibigat ang hininga ko ngayon at nag iinit ang ulo ko,pati ang isang ibon na kumakanta sa puno ay sinamaan ko ng tingin na isa pang kanta niya,pipiratin ko na siya.

Pumasok ako sa cafeteria at umorder ng isang tinapay,ito nalang ang kakainin ko.

Kinain ko ito habang papalapit sa classroom at pagkapasok ko ay ang sama nanaman ng tingin sakin ng Mystical Girls, sinamaan ko din sila ng tingin na ikinagulat nilang lima.

Ayokong makinig sa mga sinasabi nilang walang kwenta katulad nila,wala ako sa mood.

Pabagsak kong nilagay ang mga notebook nila sa kanilang table at laglag panga silang nakatingin sakin, maging ang iba kong kaklase ay nasa akin ang atensyon.Biglang tumayo si Yulla,leader ng Mystical Girls,ang jejemon niyang grupo.

Hindi ko siya pinansin at akmang lalagpasan ng bigla niyang hatakin ang braso ko,nasaktan ako ng bumaon ang kanyang kuko sa braso ko pero nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon