Chapter 45

805 57 0
                                    

XYRA/AMBER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

XYRA/AMBER

Noong kami na ang magpapakuha ng litrato ay agad kaming tumayo,may pa remembrance pa pala bago kami mamatay.Nice.

Umupo ako sa sofa habang ang iba ay busy sa kani-kanilang ginagawa,pinagkrus ko ang aking hita at humalukipkip at prenteng umupo sa kulay pulang sofa na nag match sa kulay ng dulo ng buhok ko.Samantalang naupo naman sa kanang gilid ng sofa si Luna at sa kaliwa ay si Nikee.Si Gelly naman at Reni ay kapwang nakatayo sa likuran.

Napataas ang kilay ko ng makitang hanggang ngayon ay malalim parin ang iniisip ni Raven,kasabay nun ay ang pagkislap ng lente ng kamera.

Tumayo na kami at lumapit kay Miss Rheo na ngayon ay nakatitig sa aming litrato habang bahagyang nakaawang ang labi.Lumingon siya samin at inabot ang litrato.

"Tignan niyo muna bago maidikit sa board,you all look so intimidating in this picture."naiiling na sabi niya,kinuha ko nalang ang litrato at siya naman ay bumalik na sa pag aasikaso sa ibang estudyante.

Tinignan naming lima ang litrato at saris saring kumonte ang lumabas sa mga bibig nila.

"Hala grabe,ang seryoso ko naman diyan."sambit ni Nikee,tinignan ko ang kuha niya sa picture at mapapagkamalan siyang masungit dahil napaka seryoso ng mukha at hindi man lang ngumingiti.

"Parehas tayo."natatawang sabi ni Reni at parehas nga silang dalawa ni Nikee.

"Para ka namang nanghahamon ng away diyan Luna."naiiling na sabi ni Gelly at tama nga siya,iba kung makatingin si Luna eh,natawa nalang kami.

"Tignan mo nga yang sayo Gelly,ang creepy ng ngiti mo oh."duro ni Luna sa picture ni Gelly na naka evil smirk.

"Hala,hindi ko alam na nakangisi pala ako ng ganyan kanina,my gash,pati ba naman pag ngiti ko na polluted na ng paaralang 'to."nakasimangot niyang sabi.

"Tignan niyo naman si Xyra,madam na madam ang peg."natatawang sabi ni Nikee at natuon ang atensyon namin sa gitna kung saan makikita ako na naka cross legs habang ang dalawang braso ay naka krus din sa isa't isa,nakataas ang kilay ko at hindi man lang ngumingiti habang nakatingin sa lente ng kamera pero sa totoo lang ay kay Raven ako nakatingin niya.

"Oh ha!Pak na pak!May pataas pa ng kilay ang lola niyo."

"Taray naman this gurl."

Nagtawanan kaming lima at nag asaran tungkol sa mga pagmumukha namin sa litrato na akala mo ay matapang at mataray,natahimik lang kami ng kuhanin ni Miss Rheo ang litrato upang idikit ang mga ito sa board.

Pinagsabihan niya rin kami na wag kaming maingay dahil isang sagradong lugar daw ito,gusto kong matawa ng malakas dahil sa sinabi niyang iyon pero hindi ko nalang ginawa.

Sagrado?Sinong niloko niya.

Napatingin ako sa mga bungo na nakasalansan  ng maayos at hilera sa isang istante at ang mga ito ay nahaharangan ng malinaw na salamin.Sa gilid ng istante ay may nakalagay na isang bote ng wine na hindi ko alam kung saan gagamitin.

Bloody University Where stories live. Discover now