Chapter 14

1K 67 12
                                    

XYRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


XYRA


Napapikit ako ng mariin ng kalabitin niya ang gatilyo.Isang matinis na ingay ang pumailanlang dulot ng pagpaputok niya ng baril.

Ilang sandali pa ng pakiramdaman ko ang aking sarili pero wala ni isang sakit ang naramdaman ko sa aking katawan.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako dahil wala ng tao ang nakatayo sa aking harapan.

Nilingon ko ang paligid pero ni isang anino o bulto ng tao ay wala akong makita kahit na ba nakasuot ako ng night vision glasses.

Tinignan ko ang glass na bintana at dito pala tumama ang bala dahilan para makagawa ng malaking crack.

Napapalakpak ako sa tuwa,omg hulog ng langit ang lalaking iyon,pero kailangan pa ba talaga akong takutin?hindi ba pwedeng sabihin niya nalang na "Miss beautiful tulungan na kita".

Asus nahiya pa ang loko, pero nakakakilig ah,hihi.

Sino kaya yung mystery guy na iyon?Iniling ko nalang ang ulo ko bago sinipa ang salamin.

Lumikha ito ng ingay sa tahimik na kapaligiran,tinanggal ko na ang jacket na nakatali sa magkabilaan kong kamay at inilagay ito sa bintanang basag para matabunan ang ilang bubog at hindi ako masugatan.

Ng matapos ay maingat akong lumusot doon,maliit lang naman kasi ang katawan ko,mas matangkad pa nga sakin si Nikee eh.

Ng makapasok ng matiwasay at walang natatamong bubog sa katawan ay nagmamadali kong hinalungkat ang bawat lalagyan.Kinuha ko na ang mga dapat kong kuhanin at inilagay ito sa eco bag na nakita ko rin dito sa loob.

Binilisan ko nalang ang kilos ko,ayos nga kasi kumpleto ang mga gamit dito at kung maayos lang ang lagay ng dalawa kong kamay, maaring maganda pa lalo ang kalabasan ng aking ido-drawing,pero sisiguraduhin ko naman na maayos talaga ang kalalabasan dahil kung hindi,naku patay na talaga ako sa Raven na iyon.

Tumatakbo na ako papalayo sa lugar na iyon na para bang expert na magnanakaw.Alam ko na dahil sa ingay na nagawa ko kanina ay baka maka attract ako ng mga kaaway at maabutan ako don.

Nasa second floor na ako ng sumalubong sa akin ang lalaki kanina na sinipa ko sa anes.Paika-ika padin ito sa paglalakad at ng makita ako ay para bang galit na leon na sumugod.

Inayos ko ang maskara ko at nataranta,palinga linga ako sa paligid at hindi ko alam kung saan ako pupunta.Waahh!Ayan na siya!

At dahil sa sobrang pagkataranta ay malakas ko siyang hineadbutt dahilan para lumagapak siya sa sahig at nawalan ng malay.

Para akong lasing na tumatakbo ngayon dahil sa pagkahilo,hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid  dahil umiikot ito.Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at binigyan pa ng headbutt ang lalaking iyon,ang sakit ng ulo ko.

Bloody University Where stories live. Discover now