Chapter 25

981 80 6
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Ewan ba kung bakit sumama ang loob ko kay Raven,tsk,ang sarap niyang itapon sa labas ng bintana eh.

Habang nakapikit at yakap yakap ang unan,nalanghap ko ang isang mabangong amoy na nanggagaling sa isang uri ng pagkain.

Napansin ko din na hindi na ako nakakakita ng mga weird na eksena sa isipan ko,epekto siguro ng gamot na iniinom ko, everything's back to normal again,wala ng sobrang sakit ng ulo,at mga alaalang nagpapakita na hindi ko alam kung akin ba.

Napatayo ako bigla ng kumalam ang sikmura ko,pumunta ako sa kusina,umupo sa silya at nangalumbaba sa mesa habang pinapanood si Raven kung paano mag luto ng sinigang.

Napangisi siya ng makita akong nanonood sa kanya.

"Watch how cool I am when it comes to cooking."nagmamayabang niyang sabi at napangiwi nalang ako dahil sa kahambugan niya.

Pinanood ko siyang gayatin ng mabilisan ang mga sangkap na gulay,may pabato bato pa sa ere ng mga sangkap at elegante niyang hiniwa ang bawat piraso ng karne.

Napatunganga ako sa kanya dahil may ikakabog din pala ang lalakeng 'to pagdating sa pagluluto,napapalakpak ako ng matapos siya,ginawa ko na atang entertainment ang pagluluto niya.

Mayabang niya lang akong nginisian at nagsandok ng sinigang upang ilagay sa bowl at kanin.

Dumiretso siya sakin at inilapag ito sa harapan ko,ang kaninang walang ganang sikmura kong gutom ay bigla nalang ginanahan dahil sa nakakatakam na samyo.

"Waah!Ang galing mo palang magluto."puri ko sa kanya,aba siyempre kailangan muna nating bolahin 'no,baka mamaya di pa ako bigyan eh.

Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng mainit na sabaw pero agad ko itong nabitawan dahil sa panginginig ng kamay ko at panghihina.

Nayukot ang mukha ko dahil sa sakit ng may dumamping mainit na sabaw sa kamay ko.

"Shit."sambit ni Raven at agad na kinuha ang kamay ko at dinala ito sa lababo,ang kaninang masakit na paso ay biglang nawala ng ilagay ni Raven ang kamay ko sa bunganga ng faucet na naglalabas ng tubig,nawala din ang sakit sa tulong ng dahan dahang paghimas ni Raven sa kamay ko.

"Bakit ba ang lamya mo?"inis niyang sabi at hindi ko alam kung bakit siya sakin naiinis,ito nanaman yung pakiramdam na para bang may nagawa akong mali,ito nanaman ang mabigat na pakiramdam.Napabuntong hininga nalang ako.

"H-hindi ko naman alam na sobrang hina ng katawan ko eh."pagdadahilan ko.Narinig ko siyang bumuntong hininga at sinara na ang gripo,kumuha siya ng tuwalya at hindi parin binibitawan ang kamay ko.

Nakatitig lang ako sa kamay naming magkahawak at may kung anong paro paro ang naglalaro sa tyan ko,maging ang puso ko ay gusto nading kumawala.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon