CHAPTER 37: Confession

Start from the beginning
                                    

"Sana yung kwarto ni Nicanor ang pinasok ninyo. Malamang mas maraming ibidensya tayong makukuha dun."suhestyon ko.

Natawa si Jack.

"Hindi na namin naisip. Isa pa, ayon sa nakuha naming info sa pasikot-sikot ng mansyon. Nasa third floor ang kwarto ni Nicanor at mahirap puntahan dahil maraming bantay."sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng inis. Balak ko pa namang pasukin ang kwarto ni Nicanor. Kaso mukhang mahihirapan ako.

Pero may ideyang pumasok sa isip ko.

Naalala ko si Gualtiero.Tama. Pwede akong matulungan ng isang yun.

"Ngayong malinaw na sila Flavian ang mga soldatong hinahanap natin. Itutuloy pa ba rin ang balak nating hulihin sila?"pag iiba ko na ng usapan.

Sumeryoso ang mukha ni Craig at dumekwatro ng upo.

"Oo pero naka-depende yun sa sitwasyon."

Kumunot ang noo ko.

"Depende sa sitwasyon?"

Nakita ko ang pagtawa ni Markus at Vander. Habang si Jack panay ang hikab.

"Pasensya na. Pero hindi na lingid sa amin ang tunay na dahilan kung bakit ka na sa poder ng mga Morpeheous."sabi ni Craig.

Napahimas ako sa aking batok. Sa kaniyang sinabi ay mukhang alam na nila ang tungkol sa misyon ko.

"Sino nagsabi sa inyo? Si Gagliardi ba?"

Tumango siya bilang tugon.

"Hindi ipinaliwanag ni Boss kung paano niya nalaman. Basta ipina-intindi niya lamang sa amin kung bakit nagtungo ka mag isa sa poder ng mga kalaban."paliwanag ni Craig.

Napangiwi ako sabay tango.

"Kailangan kong gawin yun para mahanap ang isang tao. Hindi ko naman expected na poder na pala yun ng kalaban."pag aamin ko.

"Kung ganun, anong magiging plano mo?"biglang tanong ni Markus.

Pansin kong magkasalubong ang kaniyang mga kilay na tila aburido sa akin.

"Malakas ang kutob ko na si Red Queen ang hinahanap ko. Pero hindi pa yun 100%. Sa ngayon ay naghihintay pa ako ng updates sa mga tauhan ko. Kapag sigurado na ay pilit kong isasama si Red Queen paalis ng Morpeheous sa ayaw at gusto niya."

Iyon na ang nasa isip ko nitong nakaraan. Hindi ko man makausap ng matino ang apo ni Don Buenza na mapapayag ito. Isasama ko siya ng sapilitan.

"Ang tungkol naman sa Supremo ng Scorpion Onźe ay hindi ko makakalimutan. Sa tulong ninyo at sa tulong mga tauhan ko. Pababagsakin natin silang lahat."dagdag ko pa.

Natahimik sila at napatitig lang sa akin.

"Pero paano kung si Red Queen ang Supremo ng Scorpion Onźe?"tanong ni Vander na hindi ko na ikinagulat.

Ang ganitong posibilidad ay naisip ko na at napag usapan na namin ni Acel at Claud.

"Hindi ko siyang pwedeng patayin. Siya lang ang makakatulong sa akin na maayos ang gusot ko sa aming angkan."

Napailing si Craig sa narinig sa akin.

"Okay. Maiintindihan namin. Gaya nga ng sabi ko nung una. Nandito kami para maging back up mo."pag uulit niyang litanya.

"Pero kahit hindi ko man siya papatayin. Maari ko siyang gantihan sa ibang paraan. Yung pagganti na habang buhay niyang malalasap. Isa pa, kasama nga sa plano ang pagpapabagsak ng kanilang grupo."

Iyon ang balak ko.

Hindi ko naman pwedeng palampasin ang mga nagawa niya sa akin noon.

"Eh paano kung hindi man si Red Queen ang Supremo. Pero isa kay Black, Green, Gray o Blue. Pwede naman na siguro silang patayin?"tanong ni Jack.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now