Kiss 17

32 3 1
                                    


Hating gabi na at hindi alam ni Serenity kung bakit hindi sya makatulog. Hindi sya mapakali, kanina pa nya sinusubukan na matulog pero ayaw syang patulugin ng kaniyang diwa. Hindi nya alam para bang may nag sasabi sa kaniya na kailangan nyang umalis ng bahay. 

Nag pasya syang bumangon na sa kaniyang higaan at natungo sya sa balkonahe ng kaniyang kwarto kitang kita nya ang bilog na bilog ang buwan na para bang naka tingin ito sa kaniya na para bang kinakausap sya nito.

Naramdaman nya na tinutulak sya ng hangin na papunta sa isang direksyon na hindi nya alam ngunit sinasabi ng isip nya na mag patangay sya sa hangin na ito. Kung kayat hinayaan nya na tangayin sya ng hangin at dinala sya sa gitna ng kagubatan. 

Napansin nya kung gaano katahimik sa loob ng gubat tangin kaluskos lang ng mga dahon ang iyong maririnig ngunit patuloy itong lumalakas. Sinundan nya ang pinang gagalingan ng ingay at laking gulat nya ng makita kung saan nang gagaling ang mga ingay na ito. 

Nakita nya ang mga Knights ang tauhan ng mga council na may nilalabanan na isang lalaki na duguan natatakapan ang mukha nito ng mahaba nito buhok at dugo ngunit naka ramdam sya ng matinding kaba ata takot habang tinitingnan nya ito. Kasalukuyan itong napapalibutan ng walong Knights habang ang lalaki ay na tayo at may hawak itong espada na puro dugo. Napansin nya din na sira sira na ang damit ng lalaki at puro sugat iyon. Napansin nya din ang malalim nitong sugat sa tagiliran, nilibot nya ang kaniyang tingin sa paligid at nakita nya na may apat ng Knights na naka handusay at sa tingin nya ay patay na ito.  

Ngunit mas lalo syang nagulat nang biglang sumugod ang lalaki upang labanan ang Knights tinangay ng hangin ang ang buhok na nag tatakip sa mata nito at sumambulat sa kaniya ang isang pares ng kulay abong mga mata. 

Agad agad syang bumaba at sinugod ang tatlong Knights na nasa likod ng lalaki na nag babadyang saksakin ito. Mabilis ang kaniyang naging pag kilos, nilabanan nya ang mga Knights.  Nakita nya ang panghihina ng kaniyang kabiyak dahil napa upo ito habang naka tukod ang kamay sa espadang hawak nito. Nakita nyang muling susugurin ito ng mga Knights kaya't wala syang magawa kundi paputukan sa dibdib ang dalawang Knights na naging dahilan upang mamatay ito. 

Ito ang unang pag kakataon na pumatay sya ng mga Knights alam nyang hindi ito magugustuhan ng mga council ngunit kailangan nyang protektahan ang kaniyang kabiyak. Saka nya nalang iisipin ang mga ito kapag nasigurado na syang ligtas ang kaniyang kabiyak.

Inangat nya ang kaniyang tingin, alam nya sa sarili nya nag bago na ang kulay ng kaniyang mga mata. Biglang napatigil ang mga Knights ng makilala sya nito. "Leave or I kill you all" malamig nyang sabi sa mga ito. Tango lang ang naging sagot nito sa kaniya bago nag laho ang mga ito sa kanilang harapan.  

Agad nyang sinalo ang binata ng akmang tatayo ito ngunit natumbal ito. Nakita nyang malalalim ang sugat nito at namumutla narin ito at kung hindi ito magagamot ay tiyak na mamamatay ito. Ilang saglit pa ay nawalan na ito ng malay na naging dahilan upang balutin sya ng kaba. Agad nyang hinawakan ang pulsuhan nito at pinakariramdaman ang tibok ng puso nito na unti unti nang humihina. 

Alam nyang kakamuhian sya ng binata sa gagawin nya pero wala syang magagawa ito na lamang ang para na naiisip nya para mailigtas ito sa bingit ng kamatayan. Kinuha nya ang kutsilyo sa kaniyang bulsa saka nya sinugatan ang kaniyang palad at saka nya itinutok sa bibig ng binata ang pag tulo ng kaniyang dugo rito. Ilang saglit pa ay naramdaman nya ang pag hila nito ng kamay nya at ang pag sipsip nito sa palad nya. 

Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon