Kiss 8

1.4K 73 3
                                    


Balisang napa upo si Sereniy matapos ng pag haharap nila ni Kier. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang dilim ng mukha ni Kier habang naka tingin sa kaniyang marka na nasa leeg.

"Anong problema Sen?"

Tanong ni Leana sa kaibigan ng makita nya si Serenity na nakatingin sa malayo sa loob ng kaniyang silid. Tiningnan lamang sya ni Serenity bilang tugon.


"Your eyes"


Marahan naman na tumango si Serenity bilang tugon, agad naman syang nilapitan ni Leana upang yakapin ng mahigpit.


"Everything will be fine" 

Mahinang bulong ni Leana kay Serenity habang yakap yakap nya ito.

Kumalas naman sa pag kakayakap si Serenity kay Leana.


"Kailangan ko nang umuwi"

Wala magawa si Serenity kung hindi tumango sa kaibigan.


Mariing pinikit ni Serrenity ang kaniyang mga mata bago sya lumabas sa silid ni Leana, na naging dahilan para bumalik sa dati ang kulay ng kaniyang mga mata.


Nakakaramdam sya ng matinding lakas na bumabalot sa kaniyang katawan, ngunit hindi nya ito ginamit upang mapabilis ang kaniyang pag uwi. Sa halip ay tinahak nya ang madilim na daan at nag lakad mag isa.


Habang tinatahak nya ang daan pauwi ay nadaanan niya ang bahay ni Kier. Hindi nya alam ngunit kusa syang napa hinto at pinag masdan ang madilim na bahay ni Kier.


Tila ba may malalim syang iniisip habang naka titig sa bahay na madilim.


- - - 

"Kuya bakit gaanon mo pakitunguhan si Ate?"


Napa hinto naman sa pag babasa ang binata at napa tingin sa kaniyang nakababatang kapatid.


"Mabait sya, hindi siya katulad ng ibang babaeng nakikita kong lumalapit sayo"

Sinenyasan nya naman ang nakababata nyang kapatid na lumapit sa kanya.


Dali dali naman itong bumaba sa kama at lumapit sa kaniyang nakakatandang kapatid.


"Kaya mabait ang tao dahil may kailangan sila sayo, lagi mong tatandaan iyan"

Saka nya kinuha ang silver knife na nasa study table nya kung saan sya nag babasa kanina at pinakita ito sa nakababata nyang kapatid.


"You're a hunter, not ordinary human. Trust no one"


- - -

Patay ang ilaw sa buong bahay ni Kier.

Taimtim na naka tingin ang binata sa kaniyang repleksyon sa loob ng kaniyang silid. 


Kitang kita ang matinding lungkot na bumabalot sa mga mata ng binata  kahit na nasa loob sya ng madilim na silid .


"She's really especial to you"

Napatingin naman si Kier sa nag salita at nakita niya si Zink. Binigyan nya naman ito ng blankong tingin. 


"Too bad you can't be together"

Saka sya nito binigyan ng tawang mapang asar


"Protect her, she still needs you" seryosong sabi ni Zink kay Kier


"Im not her protector anymore" sagot naman ni Kier


"She's The Princess, everyone needs to protect her including me and of course you"

Saad nito bago ito biglang nag laho na parang bula


"Yea, She's a Princess and Im just one of her protector"

Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon