Kiss 4

1.7K 81 0
                                    

"Saan kana naman pupunta Serenity" tanong ni Leana ng mapansin nito ang pag iiba nito ng daan patungo sa kanilang silid. "Mag papalamig lang" sagot naman nito habang nag lalakad "Kier, sumunod ka kay Serenity" tawag nito sa katabi niya, tumango naman ito bilang tugon "Huwag kang mag kakamaling sundan ako Kier" matalim na bilin nito bago mabilis na nilisan ang lugar.

"Hindi ko na talaga maintindihan ang ng yayari sa master mo. Habang tumatagal e mas lalong gumagaspang ang ugali" iiling iling na sabi ni Leana habang tinitingnan ang lugar na dinaanan ni Serenity.

"Sanay na ako sa ugali nya" sagot naman ni Kier dito.

Napahinto naman sa pag takbo si Serenity ng may naamoy siyang dugo ng isang mortal. Agad niyang nilibot ang kaniyang tingin sa buong hardin ng kanilang eskuwelahan.

Natanaw nya ang isang batang lalaki na naka upo sa gilid ng fountain. Dahan dahan ang hakbang ni Serenity papunta sa kinaroroonan ng bata para tingnan kung ano ang ginagawa nito.

Nakita nito ang pag kagiliw ng bata habang minamasdan nito ang sariling repleksyon sa tubig galing sa maliwanag na buwan.

"Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras" Napa tigil naman ang bata sa pag lalaro ng marinig nito ang tinig ni Serenity "Hindi mo ba alam na masamang mag pagabi rito ang mga tulad mong bata"

"Parehas kayo ni kuya mag salita" na ngusong sabi nito na ikinatawa ni Serenity. Umupo naman ito sa tabi ng bata.

"Dito kaba nag aaral?" Tanong nito, tumango naman ang bata "Bakit nandito kapa? Kanina pa tapos ang klase nyo. Wala kabang sundo?" Tanong nito

"Tinakasan ko po ang kuya ko dahil ayaw niya akong payagang mag laro dito" napa iling naman si Serenity sa sagot ng bata "Alam mo ba kung anong oras na? Tiyak na hinahanap kana ng kuya mo. Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Zenon po" kabasay ng pag sagot ng bata ang pang hihina na naranmdaman ni Serenity na naging dahilan para takpan nya ang kaniyang ilong "Ayos lang po kayo?"

Tanong ni ni Zenon saka nito hinawakan ang kamay ni Serenity

"Zenon.." Isang tinig na nakapag pa bitiw sa pag kakahawak ni Zenon sa kamay ni Serenity. Na naging dahilan ng lalo nitong panghihina.

'Kailangan ko ng maka alis sa lugar na ito' ito lamang ang laman ng isip ni Serenity ng mga oras na iyon.

"Kuya!" Masiglang tawag ng bata sa isang lalaki ng kulay itim ang kasuotan.

Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon