Kiss 11

1.6K 59 9
                                    


Alas tres ng hapon ng buksan ng mga bantay ang Gate ng Night Class na naging dahilan para mag kagulo ang mga istudyante ng Day Class. Dahil kapansin pansin ang nag gwagwapuhan at nag gagandahan mga taga Night Class, mas lalo din ang pagiging mapuputi ng mga ito. Tulad ng palagi nilang nakikita tuwing sasapit ang alasais ng gabi bago isara ang gate ng Day Class at buksan ang gate ng Night Class ay ang mga walang emosyon mga mata ng mga ito ang kapansin pansin.

Mabilis ang naging kilos ni Serenity upang makadating nang agaran sa Hellion Academy ngunit huli na ang lahat bago pa man siya makarating nag kalat na ang mga taga Night Class kasama ang Day Class. Tanging kulay lamang ng uniporme nag kakaiba ang taga Night at Day class ngayong araw.

Hindi niya gusto ang nang yayari, dahil nararamdaman niya na mag papalit na naman ng kulay ang kaniyang mga mata dahil sa halimuyak ng dugo ng mga mortal.

Delikado ang mga mortal sa kaniya.

'Senior to College lang ang makakasama ng mga taga Night Class, eksaktong alas dos ng hapon ay pinapauwi ang lahat ng nasa edad 6 hanggang 17 na taong gulang' rinig na sabi ni Serenity sa isip nya ng makita niya si Leana na nag roround sa hallway.

Mabilis niyang nilisan ang hallway at nag lakad papunta sa rooftop ng dating building ng Hellion.

Hinang hina na siya at alam niya sa mga oras na ito na iba na ang kulay ng kaniyang mga mata.

Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil sa unti unting pag labo ng kaniyang mga mata, alam niyang hindi lamang siya mag isa sa lugar na ito dahil sa pabago bagong kulay ng kaniyang mga mata.

Ngunit bago paman siya bumuwal ay may dalawang bisig ang yumakap sa kaniya para siya ay huwag tuluyang matumba.

'ang amoy na ito' sa isip ni Serenity

Naramdaman ni Serenity ang pag angat ng kaniyang katawan ngunit wala na siyang lakas para tingnan ang inyura ng bumuhat sa kaniya bago paman siya tuluyang mawalan ng malay sa bisig nito.

Pero isa lang ang sigurado siya. It is his mate.

- - -

Nagising si Serenity sa isang hindi pamilyar na kuwarto ngunit hindi siya nakaramdam ng kaba kahit na madalim ng paligid ng buong silid.

"Kailangan mo ang dugo ko hindi ba"

Mabilis na nilingon ni Serenity ang pinang galingan ng boses, nakita niya ang isang pigura ng lalaking naka suot ng uniporme ng mga taga Day Class ngunit natatakpan ng kadiliman ng silid ang mukha nito habang naka harap sa kaniya.

Bakas sa mukha ni Serenity ang pag kagulat, dahil hindi niya naramdaman ang inerhiya ng lalaki na sa tingin niya ay kanina niya pa kasama sa silid.

"Kapag hindi ko binigay ang dugo ko sayo, manganganib lahat ng mortal sa loob ng paaralang ito"

"Alam mo..." mahinang tugon niya

"Oo alam ko na ako ang kabiyak ng nag iisang pure blooded vampire ang kanilang nag iisang prinsesa" walang emosyon na tugon nito

"Paano mon nalaman ang lahat ng iyan?" matigas na tanongi ni Serenity dito

"Hahayaan kitang markahan ako" sagot nito na ikinatitig ng dalaga sa binata

"At bakit mo naman gagawin iyan?"

"Tumalikod ka"

Maotoridad na sabi ng binata, hindi alam ni Serenity kung bakit hindi niya magawang singhalan ang binata sa mga hindi nito pag sagot sa kaniyang katanungan at ang pag utos nito sa kaniya. Bagkus ay tumalikod siya at sumunod rito.

Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang mainit na kamay ng binata na dumampi sa kaniyang balat at ang isang malamig na tela na tumakip sa kaniyang mga mata.

Unti unti siyang inalalayan ng binata paharap rito at naramdaman niya ang maiinit na kamay ng binata na humawak sa kaniyang kamay at inilagay ito sa leeg ng binata.

"Markahan mona ako" bulong ng binata bago nito bitawan ang kaniyang kamay

Dahan dahan tinaas ni Serenity ang kaniyang isang kamay upang hawakan ang kabilang balikat nito at unti unti siyang tumingkayad upang kagatin ang leeg ng binata.

Unti unti niyang nalasahan ang matamis na dugo ng binata. Nang maramdaman niya na unti unti nang nag babago ang kulay ng kaniyang mga mata ay mabilis siyang huminto sa pag sipsip sa dugo ng binata.

Ilang saglit lang ay naka rinig siya ng pag sara ng pinto, na hudyat ng pag alis nito.

Dahan dahan niyang tinanggal ang piring na naka takip sa kaniyang mga mata, napansin niya rin na may ilaw na ang silid. At agad niyang napansin ang bagong kulay ng mata niya, ito ay kulay asul na nag papatunay na siya ay isa nang fully mated.

She's mated pero hindi nya man lang alam kung sino ito, maging ang pangalan at ityura ng kaniyang kabiyak.

Ang kakaibang lakas nito at ang kagalingan nito sa pag tatago ng inerhiya at ang kaalaman nito tungkol sa kanila. Ang mga tanong na gumugulo sa isipan ni Serenity.

Sino nga ba ang mate? At talaga bang isang mortal ito?

Mabilis niyang ipinikit ang kaniyang mga mata upang ibalik ang sa normal na kulay ang kaniyang mga mata.

Nilisan niya ang silid at laking gulat niya ng makita niya kung sino ang taong naka tayo pag bukas niya ng pinto ng lumang building.

"Kier..."

"Leana told me that you need me as your protector so the council wont know that you are already mated. Don't worry I wont force you to make me your protector again but let me help you, Princess"

Nakatitig na sabi nito sa kaniya na puno ng pag aalala at lungkot.

Mabilis niya itong nilapitan at niyakap.



Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon