Kiss 15

29 2 2
                                    


Nakatayo si Serenity sa bubong ng pinakamataas ng gusali sa loob ng Hellion Academy. Kitang kita nya ang mortal at immortal sa baba. Nakikita nya kung paano mag bigay galang ang mga mortal sa kapwa nya immortal. At ayaw nya man aminin sa sasarili nya ngunit hinahanap nya ang binata. She's looking for his mate. 

Ilang oras naba syang nasa taas? simula ng alas dose nang hating gabi at anong oras na ngayon alas tres ng hapon. Naka tayo lang sya sa taas habang nag mamasid. 

Hanggang ngayon ay nag sisisi sya sa ginawa nya sa kaniyang kabiyak. Aminado sya sa sarili nya na hindi nya sinasadyang saktan ito. Alam ng goddess na kahit kailan ay hinding hindi nya magagawang saktan ito. Sadyang nasaktang lang sya sa sinabi ng binata. 

Sadyang mas masakit pala talaga na marinig ang mga ganoong salita mula sa kabiyak mo, sa taong naka takda upang mahalin at protektahan ka habang buhay. Ngunit ano nga ba naman ang magagawa nya, nasaktan nya ito. Ngayon hindi nya alam kung paano pa papatunayan sa binata na hindi sa katulad ng ibang immortal. 

Habang nililibot nya ang tingin nya ay napansin nya ang ang tatlong batang immortal ay  may kinukuyog na mortal. Hindi nya alam kung bakit ngunit naka ramdam sya ng kaba na kailangan nyang protektahan ang mortal na iyon. 

Dali dali syang bumaba at nag punta sa kinaroroonan ng mga bata. "Mahal na prinsesa" rinig nyang gulat na sabi ng tatlong immortal sa kanya "Umalis na kayo kung hindi ay isusumbong ko kayo kay Leana" mabilis na tumango ang tatlong bata at tumakbo palayo. 

Naiwan silang dalawa ng immortal at tiningnan nya kung sino ang batang ito. Sinalubong sya nito ng isang matamis na ngiti na nakapag patitig sa kaniya. Ito ang kapatid ng kaniyang mate. May kulay abong mata rin ito, ngunit ang pinag tataka nya rito ay nararamdaman nya ang enerhiya nito hindi katulad ng kanyang kabiyak. 

Agad nyang napansin na may hawak hawak na kwintas ang bata. "Halika dito at isusuot ko sayo ang kwintas mo" sabi nya sa bata ngunit tinitigan sya nito na para bang nag dadalawang isip kung ibibigay ito sa kanya o hindi ngunit sa huli ay nag pasya ang bata ng ibigay ito sa kanya. Pero bago paman nito iabot sa kanya ang kwintas ay may narinig syang nag salita "Lumapit ka sakin Zenon" 

Hindi sya pwedeng mag kamali ito ang lalaking kanina nya pang hinahanap, ang lalaking kaniyang sinaktan. Mabalis na lumapit ang batang lalaki sa pinang galingan ng boses sa likod nya. Dahan dahan nya itong sinunandan ng tingin at ngayon mas nakita nya ng malinaw ang mukha ng binata. Doon nya napansin na mas maputi ito sa kapatid nya, ngunit hindi kasing puti ng mga immortal.

 Napansin nyang inabot ng bata ang kwintas nya sa binata, kinuha naman ito ng binata at isinuot sa kapatid nito at laking gulat nya ng makita kung ano ang kwintas na ito. 

"Hunter..." mahina nyang bulong, ngunit napansin nya ang pag tingin sa kaniya ng mate nya. Nakatitig ito sa kanya ng walang ekspresyo sa mukha. 

Gulong gulo sya, hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang gawin o sabihin sa nalaman nya. Hindi nya na pansin na nakapag teleport na pala sya paalis sa lugar na iyon. 

Tulala sya, habang naka tingin sa kawalan. Gusto nyang sumigaw, gusto nyang umiyak, gusto nyang magalit. Ngunit ni isa sa mga emosyon nayon ay walang gustong lumabas. Hindi sya makapaniwala na ang mate nya ay isang hunter. Isang tao na naka atas para patayin ang lahi nila, lalo nya. 

"Anong kasalanan ko..." mahina nyang bulong at nagulat sya ng umiiyak na pala sya. Tuloy tuloy ang pag agos ng kaniyang mga luha. Kahit anong punas nya ay hindi ito mawala, kahit ipikit nya ang kaniyang mga mata tuloy tuloy padin ang pag agos nito. 

Ngunit laking gulat nya ng may naramdaman syang dumampi sa mga labi nya, isang pamilyar na halik na hindi nya pwedeng makalimutan. At hindi nga sya nag kamali pag dilat nya ng kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang kulay abong mga mata. Naka titig ito sa kanya habang hinahalikan sya muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata bago sya nag pakalunod sa mga halik nito.

She kiss him like there's no tomorrow. 

- - -

"Saan ka pupunta Kier" napa tigil si Kier sa pag lalakad ng marinig nya ang boses ni Leana kung kayat nilingon nya ito "Hahanapin ko si Serenity kanina ko pa sya hindi nakikita" sagot nya naman. 

"Huwag mona syang hanapin Kier, nakita kong sinundan sya ni Zero sa may burol sa likod ng school" salita naman ni Leana "Kung ganon mas kailangan ko syang sundan, dahil baka saktan sya ng lalaking iyon" mariin na sabi nito saka nag madaling mag lakad si Kier papunta sa burol 

"Kier tumigil ka! Hindi papatayin ni Zero si Serenity dahil kabiyak nya ito!" sigaw ni Leana ng hablotin nyo ang braso nya upang pigilan itong mag lakad "Baka nakakalimutan mo Leana na hunter ang lalaking yon!" sigaw nya dito saka mabilis na tumakbo papuntang burol. 

Hindi nya alam kung ilang estuyante naba ang nabunggo nya kakamadali para makapunta sa burol at ang hindi nya pag pansin sa pag tawag ni Leana sa kanya. 

Nakaramdam sya ng matinding kaba habang papalapit sya sa burol. Hindi nya alam kung bakit ngunit parang unti unti ay bumabagal sya sa pag lakad. Para bang may kung anong pumipigil sa kaniya na huwag lumapit doon. 

Ngunit huli na ang lahat, nakarating na sya sa may buro inilibot nya ang kaniyang tingin at akmang  isisigaw na nya ang pangalan ni Serenity ngunit hindi na nya nagawa, naistatwa na sya sa kaniyang nakita. 

Nakita nya si Serenity at Zero na mag kahalikan. Gusto nyang lumapit at hablutin si Serenity sa kamay ng lalaking yon ngunit hindi nya magawa, wala sayang karapatan. Hindi nya alam kung martir ba sya o ano ngunit patuloy nyang pinanood ang dalawa.

"Ako dapat yon..." mahina nyang sambit habang patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha, habang pinapanood ang mga ito. 

"Tara na Kier" rinig nyang sabi ni Leana saka nito hinawakan ang kamay nya at hinila sya paalis sa burol. Pakiramdam nya ay kung di pa sya hinila ni Leana doon ay hindi sya makakaalis sa lugar na iyon. Ubos na ubos na sya, pati ang lakas nya.

Mas masakit palang makita ang babaeng mahal mo na may kahalikan iba at wala kang magawa dahil alam mong nabuhay kalang upang pag silbihan ito. 

"Tumahan kana Kier" rinig nyang sabi ni Leana, nag iwas lang sya ng tingin dito at tumingin sa taas. Nag babakasakali sya na baka tumigil sa pag tulo ang mga luha nya. "Ang sakit sakit" tanging nyang sambit naramdaman nya ang pag yakap ni Leana sa kanya at doon bumuhos lalo ang kaniyang mga luha. 


Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon