Kiss 6

1.4K 77 0
                                    

"Sino ang kausap mo kanina Zenon" pangatlong beses na tanong ng lalaki sa kanyang nakababatang kapatid matapos maka alis ni Serenity sa lugar.

"Huwag kana muling makikipag usap sa hindi mo kilala" billin ng lalaki sa kapatid ng maramdaman nya na wala itong balak mag salita tungkol sa babaeng kausap nito kanina na biglang na lamang nag laho.

Tumango naman ang bata.

•••

Hindi mapakali ang lalaki pag uwi nila sa mansion. Hindi sya puwedeng mag kamali sa nakaharap ng kaniyang kapatid.

Isa itong bampira, hindi nya alam kung anong meron sa babaeng kausap ng kaniyang kapatid kung bakit hindi nya ito nagawang patayin o saktan man lang ngayun na sila ay pinalaki para ubusin ang mga katulad nito.

Mariin nyang hinawakan ang kuwintas na krus na naka sabit sa kaniyang leeg.

"Hindi ko alam kung bakit hindi kita pinatay kanina. Ngunit sisiguraduhin ko nasasusunod nating pag kikita ay hindi nako mag dadalawang isip na patayin ka"

Mariin na bulong ng binata bago tuluyang nilisan ang kuwarto ng kaniyang kapatid na mahimbing na natutulog.

•••

Humahangos na nariting ni Serenity ang bahay ni Kier, tila ba nakalimutan nyang may kakayahan siyang tumakbo na parang kidlat sa sobrang kabang namumutawi sa kaniyang dibdib.

Bago paman mabuksan ni Serenity ang pinto ng bahay ni Kier ay naunahan na syang pag buksan ni Dr.Yoo

"Kamusta ang lagay ni Kier?" bungad niyang tanong "Hindi maganda ang kaniyang lagay, kailangan nyang mag pahinga. Kung hindi ay baka bumigay ang katawan nya"

Mabilis na tinakbo ni Serenity ang kinaroroonan ni Kier at dali dali itong nilapitan.

Nanginginig niyang hinawakan ang kamay ni Kier, naramdaman nya malamig na kamay ni Kier ng idikit nya ang mga palad nito sa kaniyang pisngi.

Hindi nya mapigilan na hindi tumulo ang kaniyang mga luha ng maalala nya ang sinabi sakaniya ni Dr. Yoo

"Hindi natin sya katulad. Sana huwag mong kalimutan na kalahati lamang siyang bampira. At maaari syang mawala ng tuluyan sayo sa oras na ipag patuloy mo ang ginagawa mong yan sa kanya"

Naramdaman ni Serenity ang pag haplos ng kamay ni Kier sa kaniyang mukha "Huwag kayong umiyak master"

Mahinang bulong nito na mas lalong nakapag patulo ng luha niya.

"Simula bukas, hindi kana maaring lumapit sakin"

Saka ito yumuko para halikan sa noo si Kier na naging dahilan ng muli nito pag tulog.

Unti unting tinanggal ni Serenity ang kuwintas ni Kier na nag papatunay na siya ang nag mamayari dito.

"Simula ngayon, malaya kana"

Ang huling katagang sinabi ni Serenity bago lisanin ang silid ni Kier.

Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon