Kiss 14

137 1 0
                                    

"Zero... " napahinto sa pag lalakad ang binata at napatingin sa nag salita, nakita nito ang dalaga na papalapit sa kanya.

"Anong kailangan mo Perfect" walang emosyon na tanong nito sa dalaga pag kalapit nito sa kanya "Maaari ba kitang kausapin" tanong ng dalaga dito "hindi paba tayo nag uusap sa lagay na ito" malamig na tanong ng binata "Sumunod ka saakin" ayun na lamang ang naging tugon ng dalaga bago ito nag simulang mag lakad.

Pinakiramdaman ng dalaga ang inerhiya ng kaniyang kausap kanina ngunit wala syang maramdaman na naging dahilan ng pag hinto nito sa pag lalakad at ang pag tingin nito sa likuran upang tingnan kung nakasunod pa sa kaniya ang binata. Ngunit laking gulat nya ng makita nya ang binata sa kaniyang likuran.

Hindi sya makapaniwala na isa itong mortal, dahil may kakayahan itong itago ang kaniyang enerhiya na hindi basta basta nagagawa ng isang mortal na kagaya nito.

Nakarating sila sa pribadong silid ni Leana sa loob ng eskwelahan, ito ang opisina ng Perfect.

Sinenyasan nyang maupo ang binata ngunit hindi ito sumunod at tumayo lamang ito sa kaniyang harapan. Pinasadahan nya ng tingin ang binata at napansin nito na may nakasabit sa leeg nito. Malungkot na napa iling si Leana, dahil nakita nya ang krus na kwintas, na nag papatunay na isa nga itong hunter.

"Siguro naman alam mo na ang aking pakay" panimula ni Leana

"Tungkol ito sa tulad mo ding immortal" sagot naman nito "Sa kabiyak mo, sa mate mo" pag tatama ni Leana sa binata.

"Ginawa kona ang dapat kong gawin, binigyan kona sya ng katahimikan at sinalba ko nadin ang mga kapwa ko mortal sa kamay nyong mga imortal" bakas sa boses ng binata ang pagkadiskuso sa mga imortal na naging dahilan ng pagak na pag tawa ni Leana.

"Tulad mong mortal?" salita ni Leana na nakapag pakunot ng noo ng binata "Mortal ka nga ba talaga?" may diin na tanong ni Leana sa binata ngunit sinuklian lamang sya nito ng blangkong tingin.

"Nag dududa ako sayo Zero, hindi ko kayang kumbinsihin ang sarili ko na isa kang mortal" salita ni Leana rito "Hindi lamang ako isang mortal Perfect" naka ngising sagot ng binata dito na ikinatitig ng dalaga sa kulay abong mata nito na walang emosyon.

"Isa akong hunter, isa ako sa taong naka atas upang ubusin ang lahi nyong mga imortal sa mundo namin" may diin na sabi nito "Mundo natin" muling pag tatama ni Leana sa binata

"Natin?" sarkastikong tanong ng binata dito "Mabuti hindi nyo pa inangkin ng buo ang mundong ito" dugtong pa nito "Ang pagiging kabiyak mo kay Serenity ang nag papatunay na ang mundong ito ay hindi lamang para sainyong mortal, kundi para saamin ding imortal" sagot naman ni Leana dito.

"Baka nakakalimutan mo na kahit pag balibaliktarin mo ang mundong ito, isa padin akong hunter. Isa padin akong mortal na nakatakdang ubusin ang lahi nyong mga imortal" pabalik na tugon ng binata dito bago nito talikuran ang dalaga.

Akmang bubuksan na nito ang pinto ng muling mag salita si Leana "Hindi mo naman papatayin si Serenity hindi ba?" tanong nito sa nakatalikod na binata.

"Hindi ko tatalikuran ang tungkulin ko para sa katulad nyo" sagot nito bago tuluyang lumabas ng pinto na naging dahilan ng panlalabot ni Leana.

Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon