Kiss 18

33 2 1
                                    


Pag alis na pag alis ni Kier sa loob ng kaniyang silid ay bigla na lamang syang napa upo at bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong pag taksilan sya. Itinuring nya itong higit sa Protector nya kaya hindi niya inaakala na magagawa ito ng binata.

Nakita nya si Kier na nag lalakad papunta sa silid nya, tatawagin nya dapat ang binata ngunit may kung anong nag tutulak sa kaniya para sundan ito. Narinig nya ang lahat ng sinabi nito sa kaniyang kabiyak. 

Hanggang ngayon hindi nya maintindihan kung anong dahilan ni Kier para pag taksilan sya nito. Hindi nya naman ito tinuring na iba, ginawa nya rin ang lahat para protektahan ito ngunit bakit sya nito pinag kalulo sa council. 

Samantalang si Zero ay nakatitig lang sa dalaga, kitang kita nya na sasaktan ito sa nangyari. Kahit galit sya sa dalaga sa ginawa nitong pag papainom ng dugo sa kaniya at nilapitan nya padin ito ay niyakap. 

Niyakap nya lang ng mahigpit ng dalaga, rinig na rinig nya ang pag hagulgol nito. Alam nya ang sakit ng mapag taksilan kaya naiintindihan nya ang pinag dadaanan nito. Hinayaan nya lang umiyak ang dalaga hanggang sa maiiyak na nito ang lahat ng sakit na nararamdaman. 

Ilang saglit pa ay naramdaman nito ang pag bagal ng paghinga nito at nang tingnan nya ang dalaga ay nakatulog na ito sa kakaya iyak. Binuhat nya ang dalaga at inihiga ito sa higaan nito. Tiningnan nya ang dalaga at humihikbi padin ito sa pag tulog ay patuloy padin ang pag agos ng mga luha nito. Parang may kung anong humaplos sa kaniyang damdamin.

Pinunasan nya ang luha sa mga mata nito gamit ang kaniyang mga kamay. Nakaramdam sya muli ng isang emosyon na akala nya ay hindi na nya uli mararamdaman pa simula ng mamatay ang kaniyang magulang. Nasasaktan sya. 

Kinumutan nya ang dalaga saka ito hinalikan sa noo bago nilisan ang silid nito. 

Pag uwi nya sa kanilang bahay ay sinalubong sya ng kaniyang kapatid "Kuya! Akala ko hindi kana babalik" pag yakap sa kaniya ng kaniyang nakababatang kapatid. 

Agad nyang ginantihan ang yakap nito at ilang saglit pa ay naramdaman nya ang pag tulo ng mga luha nito. Agad nyang hinarap ang mukha ng kaniyang kapatid sa kaniya at tinitigan ito, naka titig sya sa kulay aboy mata nito na ngayon  ay puno na ng luha.

"Walang Hunter na umiiyak" mahinahong sabi nya rito habang pinupunasan ang mga luha nito. 

"Akala ko Kuya iniwan mo na rin ako katulad nila mama at papa" humihikbing saad nito habang naka titig sa kaniya.  May kung anong dumaan na emosyon sa kaniyang mga mata na naging dahilan upang hagkan nya ang kaniyang nakababatang kapatid "Tandaan mo Zenon, kahit anong mangyari hinding hindi ka iiwanan ni Kuya" 


- - - 


Nagising si Serenity na mag isa sa kaniyang silid, sa buong buhay nya ngayon lamang nya nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Akala nya ay hindi na muli sya makakaramdam ng ganitong sakit.  

Tumayo sya sa kaniyang kama at tumapat sa salamin, nakita nya ang kaniyang mga mata na walang kahit anong emosyon. Kinapa nya ang kaniyang bulsa para kuhanin ang kuwintas ng kaniyang protector. Pagak syang napatawa ng makita ito. 

Vampire KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon