Epilogue

1.4K 41 5
                                    

PIERCE’S POV

We’re married for two years now. Sinadya namin na huwag agad magkaanak dahil gusto pa namin maranasan muna ang buhay mag-asawa.

Meron na din kaming mga trabaho. My wife is an author now. She inspires every young people by her books. We traveled to every country we want to go. I suggested it to my wife para mas lalo siya ma-inspire na magsulat. I took over the company of my parents as expected.

Everything is almost perfect. Malapit na. Hihintayin na lang namin na lumabas ang unang baby naming sa tiyan ni Laura.

Being a husband is tiring lalo na pag naglilihi yung asawa mo. Naku, kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng to.

“Bakit puro strawberries ang pagkain dito sa bahay?! I want mangoes! Give me some mangoes, Pierce!” She threw one strawberry at me. Buti na lang nasalo ko ito ng kamay ko.

“D-diba paborito mo ang strawberries?”

“Kailan ko sinabi yun?!” Pagtataray niya sa akin. What the heck?! Kasama ba ang pagkalimot pag buntis ang isang babae?

“Give me my mangoes!! The ripe ones!”

Napabuntong hininga na lang ako at tinawagan ko si Jorge para bilhan ang asawa ko ng manga. Kailangan ko muna magtiis para sa asawa ko. Kahit minsan naiisip ko na na isa akong battered husband. Minsan binabatukbatukan niya pa ako at kusa na lang ito titigil atsaka iiyak. Katulad ng ginagawa niya ngayon.

“I hate you! I hate you! Sabi ko sayo mangoes eh. Nakakainis ka Pierce!” Pinaghahampas niya ako gamit ang kamay niya at hinaharangan ko naman ang sarili ko gamit ang braso ko.

“Aray, Kisses. Nasasaktan ako.” Pagdaing ko nang nakalmot nito ang mukha ko. Kusa naman itong tumigil nung nakita niya ang nagdudugo kong mukha dahil sa kalmot niya.

My heart hammered when she stepped back and her lips are trembling. Oh no, not again. Not this side of her.

“I-I’m sorry. I’m sorry. Pierce sorry! Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. N-nasugatan pa k-kita.” She covered her face and she started to cry hard. Damn! She doesn’t need to cry like this. Alam niya naman na kahinaan ko ang pag-iyak niya.

“Shhh, shhh. Kisses, it’s fine. Huwag ka nang umiyak.” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko yung mukha niya para mapaharap sa akin. Pinapatahan ko siya pero patuloy lang siya sa paghagulhol.

“Wala lang ang sugat na to. It’s just a little scratch. Mawawala din agad to. Shhh, kisses, please don’t cry.” Tinanggal na nito yung palad niyang nakatakip sa mukha niya. Ako na mismo yung nagpunas ng mg luha niya sa kaniyang pisngi.

“Sorry talaga. Hindi ko naman alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Hindi ko ginusto yun Pierce.”

“I understand. Buntis ka kaya ka nagkakaganiyan. Wala lang yun sa sa akin, kisses. Now, please stop crying. I don’t want to see my wife crying.” I kissed the tip of her nose at pinatahan ko na siya.

I never left her side habang nagbubuntis ito. I asked Jorge to temporarily take over the company habang nagbubuntis pa ang asawa ko. Lumalapit lang ito sa akin pag may importanteng pepermahan na papeles at emergency sa kompanya.

Dumating ang araw ng panganganak ng asawa ko. Damn! Buti na lang talaga nagkataon na dumalaw si Xia sa bahay namin when my wife’s water broke.

“Aaaahh!!!! Manganganak na ako!!! Fuck you talaga Pierce!!!” My wife cried while she’s holding the bump on her belly as she sat on the sofa.

“Kukunin ko ang gamit nila! Pierce you take her to the car.” Utos sa akin ni Xia. Pero hindi agad ako kumilos.

I’m still stunned and in panic kung ano ba ang gagawin ko.Tangina! Pinag-aralan ko ang dapat ko gawin pag nangyari ang sitwasyon na to. Pero name-mental block ako ngayon dahil sa ekspresyon ng asawa ko. Damn it! Nasasaktan siya.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now