Chapter 19

1.4K 36 0
                                    

KENZIE'S POV

Heto na naman kami. Hindi na naman kami nag-uusap. Parang gabi-gabi na itong away namin ah. Nakakainis lang kasi yung asal niya tungkol sa pagpunta ko sa orphanage. Kung magalit siya parang boyfriend ko siya. Pasalamat siya dahil tinutulungan niya ako kaya mahaba ang pasensya ko sa kanya.

"Yes Ella! At hindi ko din alam kung ano ang ikinasasabog ng butsi niya. Kung makapagsalita siya! Eh siya nga hindi pa din nakaka move on sa ex niya." Sabi ko sa taong nasa kabilang linya. Nilabas ko na lang ang sama ng loob ko kay Ella.

"Ohmy! Kenzie, I think he's jealous!" Excited na sabi ni Ella.

Jealous? Si Gallegos magseselos? Imposible naman. He's still in love with that angelic girl. I rolled my eyes when I remembered that girl's face and those pictures na magkasama sila ni Gallegos at sobrang sweet nilang tingnan. Tss, showbiz.

"No way. He's too in love with that girl para magselos siya." Sabi ko.

"But what if he's starting to forget his feelings for Xia at nade-develop na ang feelings niya sayo?" Ella is talking nonsense again.

I think the word LOVE is imposible to the both of us. Hindi kami nagkakasundo sa lahat ng bagay. He dislikes my other side and I also dislike his. Kaya malabong magkakaroon ng spark sa aming dalawa.

Hindi pa kami matagal na nagkakilala at isa pa, ang layo ko kaya sa mga babaeng natitipuhan niya. Like that girl..... uggghh! Why do I keep on calling his ex that girl? Ang bitter kong pakinggan kahit wala naman akong dapat ika-bitteran. Uggghh! Like Xia, kahit hindi ko siya kilala nakikita ko na mabait siya. While I'm not.

Teka nga! Bakit ko ba kino-compare ang sarili ko sa ex ni Gallegos? It's so gross! Mas maganda ako doon.

"You're talking nonsense, Ella." I rolled my eyes kahit hindi niya iyon nakikita.

"I'm just saying what I am thinking Kenz--- Ella? Is that Kenzie?! Can I talk to her? --- Oh shit!" Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko sa kabilang linya. It's James' voice.

Shit talaga! Ako na mismo ang bumaba ng tawag. I can't talk to James siguradong hindi ako titigilan nun sa kakatanong. Humiga na lamang ako sa kama ko.

I'm starving. 9 pm na at hindi pa din ako kumakain ng dinner. It's all because of that jerk! Ni hindi niya man lang ako dinalhan ng pagkain dito sa kwarto ko. Gusto niya bang mamatay ako sa gutom dito?

Naghintay pa ako ng 30 minutes bago ko napag-isipan na lumabas na lang para kumuha ng pagkain. I'm sure nasa kwarto niya siya dahil may pasok pa siya bukas.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. I scanned my eyes outside at napangiti ako dahil patay na ang mga ilaw. I knew it. Tulog na si Gallegos.

I stepped out of my room. Hindi pa ako nakalimang hakbang nung narinig ko ang splash ng tubig mula sa pool. Tumingin ako sa labas ng glass wall. Nakita ko siyang lumalangoy.

Ang gabi na tapos may balak pa siyang lumangoy ha. Ang lamig pa naman ng panahon dahil ber months ngayon.

Napalunok ako habang pinapanuod siyang lumangoy. Gumagawa siya ng pang-olympic na langoy. Nakikita ko kung paano mag-flex ang muscles niya sa kanyang braso. Geeez, bakit biglang nag-init dito sa loob ng bahay?

Nung umahon na siya sa pool iniling niya ang kanyang ulo para matanggal ang tubig sa kanyang buhok. Kinuha niya ang kanyang tuwalya at pinahid niya iyon sa katawan niya.

Napanganga ako habang sinusundan ng mga mata ko ang ritmo ng pagpahid niya ng tuwalya sa kanyang katawan. Shit ang abs! Ang sarap! Ang hot naman ng nilalang na to. Nawala ang gutom ko dahil busog na busog na ako ngayon.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now