Chapter 43

1.4K 31 4
                                    

KENZIE'S POV

Nagising ako na suot ko pa din ang dress na sinuot ko kagabi. Dahil siguro sa sobrang pagod hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko. Meron pa akong isa't kalahating oras bago sa first subject ko. Bumangon ako at dumeretso ako sa banyo para maghanda. Pagharap ko sa salamin muntik na akong mapamura.

Shit! Mukha akong baliw na binabalewala lang sa kalye. Magulo yung buhok ko tapos yung mata ko namumugto pa dahil sa pag-iyak ko. Yung lipstick ko naman lumalampas na sa mga labi ko. This is so not me! Gross.

Naligo na lamang ako at inayos ko ang sarili ko para magmukha akong presentable. Naglagay na din ako ng concealer at light make up sa mukha ko para hindi halatang umiyak ako kagabi.

Pagkarating ko sa dining area nakita ko si Dad na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Kelsie is also present and she's busy on her phone. Hindi pa nila napapansin ang presensya ko.

Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Xia kagabi tungkol sa papa ko. He knew about what happened to me in California and he agreed to Pierce's proposal of marriage. I'm so pissed because he kept it from me. Nagmukha tuloy akong tanga habang tinatakpan ko ang pagkita namin ni Pierce sa California.

Lumakad ako papaunta sa upuan ko at agad akong umupo ng hindi bumabati sa kanila. My eyes is just fixed at Dad's then I smiled sarcastically.  "It seems you're good in prentending, Dad."

Nakuha ko naman ang atensiyon ng ama ko at binaba niya ang tasa ng kape. "What are you talking about, my dear?"

"Cut the crap, Dad." Kinunutan ko siya ng noo.

"What the hell, Kenz. Bakit ganiyan ka magsalita kay Dad?" Kelsie interupted.

"Shut up, Kels. This is none of your business. I'm going to talk to my father who is so great in pretending." I acted like a spoiled girl that has no respect but I don't care. I am so fucking pissed with all this surprises. Binaba niya ang hawak niya na dyaryo at pinagsiklop niya ang kaniyang mga kamay.

"I don't understand what you're talking about." Sabi pa niya. Damn, he's really good at this huh. Ano ba ang pinakain sa kaniya ni Pierce at hindi niya kayang aminin ang totoo.

"You knew about what happened to me in California. Alam mo na nagkaroon kami ng relasyon ni Pierce doon and you knew that I stayed in his house. But yet, you acted like you know nothing!"

Hindi makapagsalita si Dad. Mukhang hindi niya inaasahan na malaman ko ang tinatago nila ni Pierce. Ito ba ang pinag-uusapan nila nung nahuli ko siyang seryosong nakikipag-usap kay Pierce sa telepono?

"At hindi lang yun. Pinayagan mo si Pierce sa alok niyang pagpapakasal sa akin! What the heck Dad?!" I slammed the table making a loud noise from our utensils.

Bumuntong hininga siya bago niya ako hinarap at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Kenz, Pierce introduced himself to me as your boyfriend and he also asked me if he can have your hand in marriage. Ofcourse I refused at first dahil hindi ko naman siya kilala but he was very persuasive that time hanggang sa nalaman ko na isa siyang Gallegos. They're family is a big name when it come to business. So I agreed to him. Sinabihan ko siya na payag lang ako sa pagpapakasal niyong dalawa kung gusto mo din na magpakasal sa kaniya. Pero nag-iba ang lahat nung umuwi ka dito ay bumalik si Pierce sa California."

"W-what happened?"

Umiwas ng siya ng tingin sa akin at nagdadalawang isip pa siyang sagutin ang tanong ko. "The company is having a problem at pagkatapos ng ilang araw ng pag-uwi mo dito, Pierce made a move and had a deal with me. Hindi ko alam nun na hiwalay na kayo kaya akala ko nagmamahalan pa rin kayo kahit wala kang ikinuwento tungkol sa kaniya. He said if I let you marry him, his parent's company and my company will merge." What the fuck? Pierce outsmarted us there. Talagang dinamay niya pa ang kompanya!

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now