Chapter 44

1K 23 2
                                    

KENZIE'S POV

"What are you thinking?" Tanong sa akin ni James. Napansin niya siguro na ang tahimik ko ngayon mula pa kanina sa sasakyan niya.

"Huh? Ah wala. Iniisip ko lang kung ano ang magandang model ng phone.” Pagpalusot ko. Actually iniisip ko pa rin ang pinag-usapan namin kanina ni Pierce.

“Knowing you, bibilhin mo ang Iphone 11. You always choose the best.” Sabi nito habang may ngiti sa labi nito. Sabagay tama siya. I always choose the best.

“Then Iphone 11 it is. Halika na.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa I-store.

Pagpasok ko, bigla akong may nabanggang babae kaya nalaglag ang mga shopping bag na dala niya. Sa porma niya palang mukha na siyang mataray. She’s wearing black shades and a Dalmatian colored fur coat.

Muntik ko na nga siyang mapagkamalan na si Cruela De Vil. She partnered it up with a blue tank top and a denim skinny jeans. She’s also wearing a stilletos which made her taller than me.

“Hey, watch it!” Mataray nitong singhal.

“I’m sorry.” Paghingi ko ng paumanhin dito. Si James na ang yumuko para kunin ang mga nalaglag na mga gamit ng babae.

“You should watch where you’re going. Hindi yung inuuna mo pa ang paglalandi sa lalaki mo.” Sita nito sa akin. Woah, down girl! Problema nito? Her lines sounded familiar.

How dare she dictate me! At sinabihan pa akong malandi. Kumukulo ang dugo ko sa babaeng to ha.

“I already apologized to you. Ikaw rin naman ah hindi tumitingin sa dinadaanan mo. May pa sunglasses ka pang nalalaman eh nandito ka naman sa loob ng mall. You don’t have to insult me and for your information miss, hindi ako lumalandi. Hindi mo ako kilala para pagsabihan ako ng ganiyan.” Sabat ko sa kaniya with my other eyebrow raising at her. Ngumisi siya at nag cross arms pa siya sa harap ko. Mukhang hindi pa siya magpapatalo ha.

“Kenz, relax. Ang daming tao dito.” Sabi sa akin ni James. Tumingin naman ako sa paligid at doon ko napagtanto na nakatingin na ang mga customers at staff sa amin.

Wala naman akong balak gumawa ng eksena. Hindi ko naman papatulan to kung hindi lang siya ang nanguna.

“Wow, you’re feisty. No wonder he’s interested in you.” She said. Kumunot naman ang noo ko at naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

Humakbang siya palapit sa akin at bahagya niyang binaba ang shades niya, showing me her eyes. I have seen these kind of eyes before. “You better clear your path, my dear. Hindi magugustuhan ng hari pag may sagabal ang daan mo.”

Ano yun? Riddle?

“Kilala mo ba ako?” Tanong ko sa kaniya. The way she spoke to me, I know that she knows something about me.

“I just know you from his stories. Anyways…” Kinuha nito ang mga gamit niya sa kay James at ngumiti ito ng pagkatamis. “…Thank you, handsome. And until we meet again, Kenzie, which we will.”

Nilagpasan niya na kami at lumabas na siya sa store. That woman is familiar to me. Parang nakita ko na siya noon.

“James, kilala mo ba ang babaeng yun?” Tanong ko kay James.

“Nope. Dapat nga sayo ako magtatanong niyan eh. It looks like she knows you.”

“That’s odd. I don’t know her but she’s familiar though.”  Sabi ko habang nakatingin pa rin sa babae na naglalakad palayo sa amin. I’m sure that I’ve seen her somewhere. Even her eyes are familiar.

“Baka nakita mo sa mga bar.” Sabi ni James. I shrugged my shoulders and let the thought about that woman go off. “Bahala na nga siya.”

Bumili na kami ni James ng bago kong cellphone at nagpalitan na kami ng mga number namin. Inaya pa ako ni James na mag dinner kasama siya pero tinanggihan ko iyon. Wala akong ganang kumain at kailangan ko rin umuwi ng maaga para makapag review ako. Ihahatid niya na lang daw ako sa bahay.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now