Chapter 39

1.5K 42 11
                                    

KENZIE'S POV

"Reservation from George Olivers." Sabi niya sa isang waiter. Tumango naman ang waiter at inakay niya kami papunta sa isang VIP room.

"George Olivers? Siya ba yung lalaking inutusan mo noon na magbantay sa akin?" Tanong ko kay Pierce.

"Yes. I can't use my name for this reservation. Baka may lumabas na issue. Kahit na gusto kong makilala ka na ng lahat, alam ko pa rin na hindi ka pa handa doon." Sabi niya. Hindi ko makita ang mata niya dahil nakasuot pa rin siya ng shades at cap para hindi siya makilala ng mga tao.

Maliit lamang yung VIP room nila. Pero kita ang tanawin ng dagat mula sa glass wall. We both sat on the chair. Nakatingin pa rin ako sa labas dahil ang ganda talaga ng tanawin. I wish I have brought my DSLR.

"Magseselos na talaga ako sa dagat. Mas maganda naman ako tingnan kesa diyan eh." Humarap ako kay Pierce pagkasabi niya nun. Tinanggal niya na ang kaniyang shades na ginamit niya para hindi siya mapansin ng mga tao sa labas kanina.

Iniling ko ang ulo ko at ngumisi ako. "Ang yabang mo."

"Hindi ako nagyayabang nagsasabi lang ako ng totoo." Ang yabang talaga. Hindi pa rin siya nagbabago. May natitira pa ring hangin sa loob ng utak niya.

"Whatever sige na mag-order ka na. Alam mo naman na allergic ako sa mga seafoods pero dito mo pa rin ako dinala."

"You're allergic to crabs, lobsters, and shrimps, but you're not allergic to fish and oysters. I already ordered our food. Hindi ako tanga na kalimutan ang mga pagkain na bawal sayo."

"That's good to know." Ngumiti ako sa kanya. Buti naman at hindi niya nakalimutan ang mga pagkain na bawal sa akin.

Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin. Nagulat pa nga ang waiter pagkakita niya kay Pierce pero binigyan lang siya ng shhh-sign ni Pierce. Buti naman at naintindihan ng waiter kaya tumango ito. Pero bago siya umalis nagpa-picture muna siya kay dito.

"Idol po kayo ng girlfriend ko. Ipapakita ko lang sana ito sa kanya. Pero hindi ko po sasabihin sa kanya na may ka-date po kayo ngayon." Sabi niya pa.

"Just keep this a secret okay?" Sabi ni Pierce sa kanya.

"Sige po. Pero matanong ko lang po, wala na po bang pag-asa na magkabalikan kayo ni Xiana Lopez? Sayang po bagay na bagay po kayong dalawa at fan po ang girlfriend ko sa loveteam niyo." I furrowed my eyebrows because of what the waiter said. Ang chismoso naman nito. Hndi niya ba nakikita na kasama ni Pierce ngayon ang ka-date niya? How rude!

Oh... wait... did I just admit that this is a date?

"Can you stop asking question and show some respect to my girl?" Pekeng ngumiti si Pierce sa waiter at tinuro niya ako gamit ang mga mata niya.

Lumipat naman ang tingin ng waiter sa akin. "Naku, sorry po Ma'am. Sige po aalis na po ako. Pasensya po talaga." Ngumiti lamang ako sa kanya at lumakad na ito palabas ng kwarto.

"You sounded rude to him. Biktima lang naman siya ng pagpapakilig niyo ni Xiana." I tried to not sound bitter on my last sentence which I failed dahil mukhang na-amuse pa si Pierce sa sinabi ko.

"Ang bitter mo naman. Nagseselos ka ba, Kisses?" Puno ng excitement ang mukha niya.

"In your dreams." I rolled my eyes at him at nagsimula na akong kumain.

"But what he said was true." Umangat ako ng tingin pagsalita niya.

"Sa dami ng sinabi niya asan ang totoo doon?" I asked him.

He shrugged his shoulders "Na wala na kaming pag-asa ni Xia." Balewala niyang sabi.

"I don't understand. Diba kayo ni Xia? Don't tell me naghiwalay na naman kayo?"

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now