Chapter 18

1.3K 31 0
                                    

KENZIE'S POV

"Ate Kenshie! I'm glad that you're here to shelebrate my birthday!" Masayang salubong sa akin ni Rossie pagdating ko.

Headmistress Olivia called me at sabi niya birthday daw ngayon ni Rossie at gusto niya daw ako makita. Since wala naman akong ginagawa sa bahay pumunta na lang ako.

"Happy birthday little one." Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. She cutely giggled.

Tuwang-tuwa si Rossie habang hinihila papunta sa gitna kung saan nagaganap ang mga games. Iniwan ako ni Rossie sa gitna at tumakbo siya palapit kay Pierce. I didn't notice that he's here.

"Kuya Piersh! Let's play. Ate Kenshie is here!" Hinila-hila ni Rossie si Pierce na tumayo. Tumingin muna sa akin si Pierce, like he's asking me if it's okay.

"Come on Kuya!" Walang pasensya na sigaw ni Rossie. Pero nanatili pa din ang tingin ni Pierce sa akin. Mukhang naghihintay siya ng pahintulot mula sa akin.

So what now? Ako pa ba ang magdedesisyon?

"Come and play with us, Pierce." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Sa una ay nagulat siya sa sagot ko pero sa huli ngumiti siya at nagpahila na siya kay Rossie. Kung hindi lang ito para kay Rossie, hindi ko ito gagawin.

"Yehey!" Masayang sabi ni Rossie.

Tumabi sa akin si Pierce. Nagpalitan kaming dalawa ng ngiti. Napipilitang ngiti yung binigay ko sa kaniya.

"Shall we continue the game?" Tumingin kami kay Headmistress na nagsalita sa mic. Nagsigawan ang mga bata bilang pahiwatig na handa na sila.

"Okay! The boat is sinking! Group yourselves into 5!" Sabi ni Headmistress Olivia. Nagtataka naman akong tumingin sa mga bata na nagtatakbuhan at bumubuo ng grupo.

Anong laro ito? Instructions please.

Naramdaman ko na hinawakan ni Pierce ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa isang grupo kasama ang mga bata.

"Alam ko na hindi mo pa alam ang larong to." Natatawang sabi ni Pierce. Sumimangot lang ako.

"Huwag kang mag-alala. Dumikit ka lang sa akin." Dagdag niya pa.

"Oh, sorry, Jed. But you're out." Sabi ni Headmistress sa batang walang kasamang grupo. Kawawa naman.

Humiwalay na kaming lahat mula sa paghawak sa isa't isa. Tuloy pa din sa pagsasalita si Headmistress. Pero ako naman ay sunod ng sunod kay Pierce para hindi ako matalo. Hindi ko nga napapansin na magkahawak ang kamau naming dalawa. Agad ko naman ito tinanggal mula sa kanya. Ngayon, tatlo na lamang kami ang naiwan.

"I'm gonna give this win to the both of you." Bulong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sang-ayon. Baka kasi magtampo ang bata kung kami ang nanalo.

Sa huli, kaming dalawa ng batang babae ang nanalo tuwang tuwa naman ang bata at binigyan siya nito ng prize. Binigyan din nila ako. Pagkatapos kong makuha yun pumunta ako sa tabi ni Pierce.

"Damot mo. Hindi mo ba ibibigay sa mga bata yan? Malaki ka na kaya." Pang-asar niya sa akin.

"Binigay ito sa akin. Bakit ko pa ipamimigay sa iba? Atsaka, imported ang mga candies dito no." Sabi ko at tinago ko ang premyong candies sa loob ng bag.

"You're unbelievable." Naiiling niyang sabi habang natatawa.

"Well, that's me." Sabi ko.

"I know." Sabi niya at tumayo siya. "Gusto mo ng cupcake?"

"Yes please." Sabi ko sa kanya. Umalis na siya para kumuha ng cupcake. Pagbalik niya inabot niya sa akin ang strawberry flavor na cupcake tapos yung sa kanya ay chocolate.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now