Chapter 40

1.3K 23 1
                                    

KENZIE'S POV

Dinala ako ni Pierce sa pier kung nasaan ang kaniyang yacht. Malapit lamang ito sa restaurant na kinainan namin.

"Is this your yacht?" I asked while I am roaming my eyes aroud the yacht. Ang gara nitong tingnan. It's similar to those luxurious yacht na napapanood ko sa TV.

"Actually this is Zeke's. Pero pinapagamit niya ito sa aming mga Phoenix." Sabi niya at sumakay na siya sa yate. He offered his hand to me and I took it. Inalalayan niya ako sa aking pag-akyat.

A friend of his' owns a yacht? What's with this group? Bakit ang yayaman nila? Tss, hindi nga kami pinagbibili ni Dad ng yate dahil masyadong mahal ito.

"Who will sail this yacht?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na kaming dalawa lang ang nandito.

"Me." Sagot niya.

"What?! Ikaw? Marunong ka?" He's only an 18 year old boy, it's hard to believe that he can sail this thing.

"Ofcourse. Zeke taught us." He simply said then he started the engine of the boat. 

Muntik pa akong madapa dahil sa bigla niyang pag-andar. Good thing I was fast to grab on the railing. Habang siya naman ay napatawa sa reaksiyon ko kanina. "Stupid." Sabi niya.

Tiningnan ko naman siya ng matalim. "Hindi ka man lang kasi nagpaalam na papaandarin mo na."

Nung nahanap ko na ang balanse ko, sumandal ako sa railing at hinayaan kong humampas sa akin ang masarap na simoy ng hangin. Sinasabayan pa nito ng magandang tinig mg hampas ng alon.

Nadadala ng hangin ang skirt ng dress ko kaya hinawakan ko ito gamit ang kaliwang kamay ko. Sana naman hinayaan niya muna ako magpalit bago niya ako dinala dito.

"You want to ride her?" Tanong niya sa akin. Mabilis naman akong tumango at tuwang-tuwa akong lumapit ako sa kaniya. I don't have any idea how to maneuver a  yacht kaya excited akong tutunan ito.

"Her?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Every ship is a she. Now, come here, kisses. I'll guide you." I blushed because he called me Kisses again. He took a step back at ako ang pumalit sa kanya.

"Hold the steering wheel." He said. I followed what he said. Hinawakan ko ang malamig na steel ng steering wheel.

Pero bigla akong nanigas nung pinatong ni Pierce ang mga kamay niya sa akin habang nasa likod ko siya. His fresh breath is touching my ear and his cheek is pressing on my hair.

"When you steer, it's like driving a car. But if you're boat is fast you can turn slowly and if your boat is slow you need to turn harder. Do you get me?" Sabi niya. Napatango na lamang ako.

"You can turn slowly because the boat runs fast. Try turning to the right. Here I'll guide you." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at sinabayan niya ako sa paggalaw ng steering wheel.

Ang init ng kamay niya habang yung akin naman ay nilalamig na. It's not because of the steering wheel but because I'm so stiff right now dahil nasa likod ko siya.

"There! Nakuha mo na!" Nagising naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko napansin nakaliko na pala kami. Damn! I was distracted! Saan napunta ang gusto kong matuto?

"It's easy right?" Tanong niya sa akin. I just nod even if he's the only one who controlled the steering wheel and all I ever did was to feel his warmth. Ang landi mo Kenz. Ex mo na nga kinikilig ka pa.

"Then, look." He said. Tumingin ako sa kaniya kung saan siya nakatingin. And I followed his eyes.

And there I saw the sunset. "Wow, this is my first time seeing a sunset in the middle of the sea. Mas maganda palang tingnan pag nasa boat ka."

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now