Chapter 4

1.9K 50 0
                                    

KENZIE'S POV

Nagpalit ako ng damit sa loob ng dressing room. I honestly look like a human hanger. Ang laki!!! Hanggang gitna ng hita ko ang haba ng t-shirt. Natatakpan nito ang maganda kong pwet sa likod. I groaned in frustration. Hindi to pwede.

I tucked in the shirt in my pants para hindi baduy tingnan. At least nagmumukha akong aesthetic.

Nakita kong naghihintay si Gallegos sa akin pagkalabas ko ng fitting room. He's already wearing his t-shirt. And he's holding 2 hats, one black and one white. Ngumiti siya pagkakita niya sa akin.

"Much better." Sabi niya at lumapit siya sa akin.

"Much better? Ang laki kaya nito! Siguro kahit dalawa ako kakasya ako sa damit na to. Good thing I'm good in fashion." Pagtataray ko sa kanya.

"Jacobs, para din naman ito sa kaligtasan mo. Now wear this." Pinasuot niya sa akin ang kulay itim na cap at sa kaniya naman ay kulay white.

Inakbayan niya ako at humarap kami sa mirror. "There! Hindi na nila tayo mapapansin dahil nagmumukha na tayong couple." Pang-asar niya at hinampas niya ang dulo ng cap ko kaya natakpan ang mga mata ko.

"Aray! Nang aabuso ka na, Gallegos!" Bastos niya talaga!

"Jacobs, huwag ka ngang mag inarte. Every girl dreams to have me. Dapat magpasalamat ka na lang dahil nagmumukha tayong couple ngayon. Baka nga may..." Lumapit pa siya sa akin para makabulong siya sa tenga ko. "... pagnanasa ka sa akin." Sabi niya at tumawa siya.

Namula naman ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa inis! Ang yabang talaga nito! Wala akong pagnanasa sa hinayupak na ito. Pero... minsan meron. Pero minsan lang naman. As in minsan minsan minsan lang ako may pagnanasa sa kanya.

Damn! Kasalan nito ng makinis niyang mukha, perpektong katawan at height niyang ubod ng tangkad. Tss. Matangkad naman ako eh. Sadyang kapre lang talaga ang isang to.

"Eww! Shut the fuck up, Gallegos! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Sigaw ko sa kanya at binatukan ko siya.

"Opps..." He put his index finger on my lips. "I told you to stop speaking bad words." Tinanggal niya na ang daliri niya sa aking labi at tumalikod na siya para magbayad.

H-he touched my lips! Sa sandaling iyon ay biglang tumigil ang oras dahil sa paghawak niya sa labi ko. Kahit daliri niya lang iyon, nakuryente pa din ako.

Pagkatapos niyang magbayad, hinila niya na ako palabas ng shop habang hawak niya ang kamay ko. Let me inform you that his hands are big, as in nagmumukhang bata ang kamay ko paghawak niya ito. He also has a calloused hands. Dahil siguro ito sa paggigitara niya. But it doesn't irritates me, actually I like it. Geez, what am I thinking?

"Let's go. Kakain pa tayo." Sabi niya.

Dinala niya ako sa diner na sinasabi niya. Just like what he said, he ordered two turkey clubs. One for me and one for him. Take out ito.

Tama nga si Pierce, masarap ang turkey club dito! Malaki pa. This can fill up my stomach.

"Masarap?" Tanong nito sa akin habang kumakagat siya sa turkey club niya.

"Yup! Sobra!" Nag thumbs up ako sa kanya.

He smiled at pinagpatuloy niya na ang pagkain habang naglalakad kami sa kalasada. "Bakit walang cheese ang sayo? Mas masarap kaya pag may cheese." Sabi ko sa kanya.

"I don't like cheese." Sabi niya.

"Why? Masarap kaya." Tanong ko ulit. I just can't think of a reason why he doesn't like it.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now