Chapter 49

1.1K 32 1
                                    

KENZIE’S POV

Sa mga sumunod na araw, abala si Pierce sa panliligaw sa akin. Araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak. Napupuno na nga yung vase ko ng mga roses na binibigay niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko naman yung mga binibigay niya. Araw-araw ko kayang inaalagaan ang mga bulaklak na binibigay niya. Kahit yung iba namamatay na, tinatago ko pa rin yung petals nito.

Ngayon na ang unang araw namin para sa aming foundation week. Sinuot ko yung uniform namin na open button na Hawaiian tie crop top na polo. Medyo kita yung stomach ko pero okay lang naman sa akin dahil maipagyayabang ko yung pinaghirapan kong abs. Kulay puti yung pants naming tapos beach sandals sa baba.

Pinalugay ko yung buhok ko para halata yung blonde highlights ko. Nagpakulay kami kagabi ni Kelsie ng buhok habang nagsho-shopping kami. She changed her black hair into brown habang ako naman ay nagpalagay ng highlights. Hindi pa ito alam ni Pierce. Excited nga ako makita yung reaksiyon niya.

Hindi ako sinundo ngayon ni Pierce dahil may gagawin pa daw siya kasama yung manager niya kaya dala ko yung sasakyan ko papuntang school. Konti pa lang ang mga tao sa oras na to dahil hindi pa bukas para mga outsiders ang campus. Mamaya pang mga noon time.

Pagkarating ko sa booth namin, inaayos na nila yung mga juice sa stall. Agad naman akong nilapitan ng president namin.

“Kenzie, pag marami nang outsiders at mga tao, magsimula ka nang mag-flaring para makuha natin yung atensiyon nila. Okay lang ba?” Sabi nito sa akin.

“Sure. No problem.” Sabi ko dito. Lumapit ako sa stall at nilapag ko sa upuan yung bag ko.

“Wow! Bagong hairstyle ah.” Puri sa akin ni Dinah. Hinawakan pa nito ang buhok ko. I gave her a smile.

“Bagay ba sa akin?” Tanong ko sa kaniya.

“Yes girl! Bagay na bagay sa American features mo.” Sabi niya akin.

Maraming pumuri sa buhok ko kaya hindi ko napigilang ma excite pag nakita ito ni Pierce. Sabi niya pupuntahan niya daw ako dito mamaya. I don’t know what kind of ninja moves he’ll do para hindi siya mapansin ng mga tao.

Habang abala kami sa pag-ayos sa booth namin, biglang dumaan si that Olivia. Abala ito sa pagbebenta ng mga furnitures (if you know what I mean) sa mga kasama niya. But what caught my attention is her hair. She fucking colored her hair blonde!

“Anong meron ngayon at bakit parang ang daming nagpapakulay ng buhok?” Nagkakamot na tanong ni Arnold. Napansin din nito yung bagong buhok ni that Olivia.

Tss. Sino naman ang hindi makakapansin nun? Ang liwanag kaya! Parang may dumaang ilaw.

“Mukha siyang K-pop star. Cute.” Puri ni Arnold at ngumisi pa ito. Nakatanggap naman siya ng malaks na batok kay Dinah at isang matalim na tingin mula sa akin.

She’s not cute! Napakaarte kaya niyang tingnan. Arrgghh! Bakit ba kumukulo yung dugo ko sa babaeng yun? Eh wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

“Binalik niya siguro yung blonde hair niya dahil sabi ni Pierce Gallegos sa interview mas gusto niya ang blonde na buhok ng mystery girl niya.” Sabi ng isa naming kaklase.

Padabog kong inayos ang mga gamit namin. Tss. Gawin kong ilaw ng bahay yung buhok niya eh.

Kinuha ko yung phone ko nung nag-vibrate ito. I checked it and saw that Pierce texted me.

Pierce Gallegos:
Going there after an hour. Tatapusin lang naming to. Miss youuu

Kenzie Jacobs:
Bilisan mo. Misshuuuuu

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now