Chapter 31

1.3K 40 2
                                    

KENZIE'S POV

Nakakaumay naman dito. Pasukan na kasi nina Pierce kaya mag-isa na naman ako dito sa bahay niya. Nakaka-miss din siya dahil walang naglalambing sa akin. Walang nanghahalik. Walang nang-aasar. At mas lalong walang nangungulit sa akin na makipagtalik. Mula nung nalaman niya tungkol sa birthday sex na ibibigay ko sa kaniya naging mas agresibo na siya. Magugulat na lang ako bigla niya na lang hinahalikan ang leeg ko.

Minsan naman magigising na lang ako at nasa tabi ko na siya habang yakap yakap niya ang bewang ko. Yung mapangahas niyang kamay ay nasa loob na ng damit ko. Pero kahit ganyan siya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. He's my pervert prince anyway.

Mabilis akong napatayo mula sa pagkaupo ko sa sofa nung may nakita akong ilaw galing sa labas. It just means, Pierce is back! Pero bakit gabi na siya umuwi? He is supposed to be here at 4pm. Nakakainis naman siya eh! Wala na akong strawberry na makakain dito. Mabilis pa naman akong mainis ngayon dahil kararating lang ng period ko kaninang umaga.

Binuksan ko ang pinto para salubungin si Pierce. Pero kumunot lang ang noo ko dahil sa nakita ko. Bakit kasama niya si Andrea? And why did he come out from Andrea's car? Asan ang sasakyan niya?

Dahil sa inis ay pumasok na lamang ako sa loob at dumeretso ako sa aking kwarto. Malakas kong sinara ang pinto at sumampa ako sa kama. Sumasakit na naman ang puson ko. Nakakainis naman maging babae oh! Pero mas nakakainis yung nakita ko kanina!

Hinintay kong pumasok si Pierce sa kwarto ko. Pero ang gago hindi man lang pumasok sa aking kwarto para salubungin ako. Nakasama niya lang ang higad na iyon hindi niya na ako papansinin. Tss, magsama silang dalawa!

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi pa din siya nagpapakita sa akin. Kaya lumabas ako ng kwarto ko. Wala siya sa kusina o sa sala. Kaya pumunta ako sa kwarto niya. Rinig ko mula sa labas ng pinto ang tawa niya. Sigurado akong may kausap siya dahil may naririnig akong ibang boses sa loob. Inis kong binuksan ang pinto niya.

"Gallegos! You're such a playboy!" Sigaw ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto niya. Gulat siyang nakatingin sa akin at agad niyang sinara ang laptop niya. "Kisses!"

"Sino yang kausap mo?!" Nakapameywang kong tanong sa kanya. "My bandmates." Sagot niya sa tanong ko.

Bandmates? Hindi ba ang ex niya na mahal na mahal niya ay si Xia? Ang partner niya sa pagkanta. Ibig sabihin nakausap niya ito. Arrghh! Ilang babae ba ang hawak ng lalaking to? Kaya pala masayang masaya siya at hindi niya man lang ako sinalubong. Tss, nakakainis.

Inirapan ko siya at nagmartsa ako palabas ng kaniyang kwarto. Malakas ko din sinara ang pintuan niya. Humiga ako sa sofa habang hawak ko ang aking puson na masakit. Narinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng pinto which means sinundan niya ako.

"Kisses..." Masuyong tawag nito sa akin. I am not in a good mood right now so he better stay back.

"Shut up! Bumalik ka na sa Xia mo! Total siya naman ang greatest love mo diba? Kung ayaw mo sa kaniya may Andrea ka naman! Pwede ka pa niya mahatid sundo! Huwag mo kong kausapin, playboy ka! Nanggigigil ako sayo!!" Sigaw ko sa kanya habang nakahiga pa din sa couch.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, Laura?" Naramdaman ko ang paggalaw ng couch at ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. Siniksik niya ang sarili niya sa akin para magkasya kami sa couch. Nakatalikod ako sa kanya kaya ramdam ko ang hininga niya sa may leeg ko.

"I saw you with Andrea. Bakit nasa sasakyan ka niya?" Tanong ko sa kanya habang hindi ko siya hinaharap.

"Nasiraan ako sa daan at nagkataon naman na nakita ako ni Andrea kaya hinatid niya na lang ako." Pagpaliwanag niya. Ramdam ko ang bawat haplos ng hininga niya sa may bandang tenga ko.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon