Chapter 35

1.2K 32 2
                                    

KENZIE'S POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Bwisit talaga ito pag umaga. Ang sarap sarap ng tulog ko tapos sisirain niya lang. Kinuha ko ito at tinapon ko sa sahig para tumigil. Narinig ko pa ang pagbasag nito sa sahig. I’m sure it was broken but I don’t care as long as I have my beauty sleep.

After a short time of sleep, mayroon na naming tumunog... teka, bakit parang iba yung tunog ng alarm clock ko? Bakit imbes na tunog ng bell eh tunog ng maingay na drums ang naririnig ko?

Sinimulan kong imulat ang aking mata. Hindi klaro sa paningin ko ang nakikita ko. Basta naaaninag ko ang isang bulto ng tao.

"Uhhrrmm..." Pag-ungol ko dahil inis sa paggambala ng aking pagtulog.

I heard a chuckle near my ear. "Wake up, princess. It's time for you to go to school." Agad akong napamulat ng mata dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.

Bumulaga sa harap ko ang pagmumukha ni Pierce. His face is so close to me. Hawak niya ang kaniyang cellphone na siyang pinanggagalingan ng tunog ng drums.

Bumangon ako at napalayo agad sa kanya. Tinakpan ko din ng kumot ang katawan ko. Naka-nighties lang ako. And take note, wala akong bra at kulay puti pa ang nighties ko. Kaya bakat ang nipples ko. Mahirap na, manyak pa naman ito.

"Hindi ka nagising sa basag tengang drums ni Ashton pero nagising ka sa boses ko. You flatter me, kisses." Sabi niya tapos umupo siya sa dulo ng kama ko.

"Why are you here?! Papaano ka nakapasok?" Hinihila ko ang buong kumot palapit sa akin para mas matakpan ang katawan ko.

"Your door was open. Sinadya mo iyon para makapasok ako no?" He gave me a very annoying smirk.

I rolled my eyes on him. "IN YOUR DREAMS DUMBASS! M-may nakakita ba sa iyo na pumasok ka dito?"

Napaisip siya sandali at binalingan niya ulit ko. "Aside from those 2 maids, wala na." Napabuntong hininga ako dahil dun. Buti hindi siya nakita ni Kelsie.

"Huwag kang magpapakita kay Kelsie ha!" Banta ko sa kanya.

"Kelsie? Your sister?" Tinaasan niya ako ng kilay. Tumango naman ako bilang sagot. "Why? Scared that she might steal me from you?" He plastered a playful smirk on his lips and he crossed his arms. Saan niya naman nakuha ang ideyang iyon?!

"Ofcourse not. I'm scared that the moment she knows that my tutor is the famous Pierce Andrew Gallegos, baka ipagkalat niya at baka guluhin pa ng mga fans mo ang pamamahay ko." Tumayo ako habang nakapalibot sa katawan ko ang kumot.

"Ako ang bahala sa kapatid mo. Konting charm ko lang yan mapapasunod ko na." Kumindat pa siya at pinatunog niya ang kanyang dila.

"Charm? Tss, pati kapatid ko papatulan mo. Leche ka! Umalis ka na nga dito sa kwarto ko!"

"Bakit mo ba tinatakpan ang katawan mo? Nakita ko naman yan. I even--- owww!" Nahulog siya sa kama dahil sa pagtapon ko ng unan sa kanyang mukha.

Don't he dare bring back that moment! Arrrgghh!! Dahil sa hiya napatakbo ako papasok sa banyo. Narinig ko pa siyang humalakhak sa labas. Bwisit, ang manyak niya talaga.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng banyo ng naka roba. Buti naman at wala na siya sa kwarto ko. Nagpalit ako ng school uniform ko at tinali ko ang itim kong buhok. Minsan lang ako nagtatali ng buhok dahil mas gusto ko na naka bagsak ang buhok ko. But I prefer to tie it today. I dyed my hair back to black after I went back here. Iyon ang una kong ginawa pagbalik ko dito.

Kinuha ko ang shoulder bag at mga libro ko. And I didn't forget to check my phone. May text ako galing kay James.

From: James Murillo
   Good morning, my beloved sunshine! Nandito na ako sa labas. Bilisan mo diyan. Excited na akong makita ka.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Where stories live. Discover now