Chapter 6

1.6K 59 0
                                    

KENZIE'S POV

Gabi na, kaya napag-isipan kong bumalik sa hotel. Pero pagdating ko doon ay naroon pa din ang mga bodyguards.

Hindi ba sila nagsasawang maghintay? Arrgghh!! Gutom na talaga ako. Kanina pa ako paligoy-ligoy dito sa daan. Para na akong pulubi dito. Wala akong pera kaya buong araw akong walang kinain. Lumayo na lang ako sa hotel dahil baka makita nila ako.

Habang naglalakad ako sa kalsada ay nakayakap lamang ako sa aking sarili. Nilalamig na ako. Partida naka shorts lang ako at manipis na shirt.

Lintek na Tanya yan! Dahil sa kaniya nagiging malas ang buhay ko dito sa California. Dapat nagpapakasaya ako dito. Hindi yung para akong kriminal na hinahabol ng mga pulis.

Umupo ako sa bench na nasa tabi ng isang coffee shop. Sarado na to dahil gabi na din. I think I'm about to die in hunger!

"Woah! Look! There's a chick!" Nakita ko sa di kalayuan ang limang lalaki na nakatingin sa akin.

Ano pa ang malas na dadating sa akin? Tumayo ako at lumakad palayo sa kanila. Pero kinabahan ako nung sinundan nila ako. Bakit ba ang daming humahabol sa akin dito sa masasamang elemento?! California ano na?!

Napatigil ako sa paglalakad nang hinarangan nila ako. This filthy dicks are starting to get on my nerves.

"Wait, Miss. We won't hurt you. We just wanna play with you." Sabi ng isang kano na ubod ng tangkad.

"Yeah. We just want to eat with you." Sabi naman ng isang black american at nagtawanan sila. Leche sinusumpa ko lahat ng mga manyak!

Tumingin ako sa paligid para makahingi ng tulong pero walang tao sa street na to. Nagsara na din ang mga shops dito.

I think I can handle this guys. May alam din naman ako sa self-defense. Hindi din naman sila mukhang mga goons. Mas nagmumukha silang mga bobong fuckboys na tanging kamanyakan lang ang alam. Siguro mga ka-edad ko lang sila. Mukha kasi silang high school boys na nakikita ko sa movies.

"Back off." I coldly said to them.

"Oh! What a cold girl we have here. Come on, baby, come with us and we will give you heat." Sabi nung lalaking nasa tapat ko mismo.

"I said Back off!" Sabi ko ulit pero ngayon ay malakas na at nage-echo ito sa tahimik na syudad. Hindi pa din sila natinag at pinalibutan nila ako. Lumapit sila sa akin. Shit! Naiinis na ako.

"You won't back off?" Matalim kong sabi sa kanila. I balled my fist at hinando ko na ang sarili ko na manuntok.

"Come on, Missy. We won--FCK!"

Hindi ko na pinatapos ang lalaking nasa harap ko dahil malakas kong sinuntok ang ilong niya. Ayun dumugo ang mataas niyang ilong. I'm pretty sure I broke it since I heard something cracked.

Napaatras naman ang iba sa kanila. Seems like they are surprised that I can fight.

"Damn this girl! Get her! She'll pay for this." Sabi ng lalaking sinuntok ko habang hawak niya pa rin ang nagdudugong ilong niya.

Lumapit sa akin ang iba at sinugod nila ako. Iniwasan ko ang suntok ng isa sa kanila at sinipa ko ang tiyan nito kaya napadapa siya. Pero agad naman itong tumayo.

"You Americans are so fucking strong." Sabi ko sa kanila. Totoo eh. Ang lakas ng kanilang resistensya. Ang tatangkad pa nila.

Sinugod nila ulit ako. Susuntukin ko sana ang isa sa kanila pero nahawakan nito ang kamay ko. Hihilahin ko sana palayo ang kamay ko pero ang lakas niya. Di ko na expect to ah. Hinawakan naman ng isa ang kaliwang kamay ko. Now, they got me.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant