Chapter 37

1.1K 30 3
                                    

KENZIE'S POV

"Good morning, Dad." Humalik ako sa pisngi ni Dad.

Uupo na sana ako sa upuan ko nang natigilan ako nung makita ko ang mukha ni Pierce sa tabi ng uupuan ko. Anong ginagawa niya dito? At bakit nakaupo siya sa hapagkainan namin?

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"I'm here to have breakfast, princess." Nainis ako sa tono ng pananalita niya dahil parang naglalambing ito and damn, it gives me chills. Especially when he called me princess. Iyan ang tawag niya sa akin nung nasa California pa kami.

"Wala bang pagkain sa tinitirahan mo? Ang yaman-yaman mo tapos sa ibang bahay ka pa kakain ng breakfast." Sabi ko sa kanya.

"Actually Kenzie, siya ang nagluto ng breakfast natin. Nagulat nga ako nung makita ko siya dito at busy siya sa pagluluto." Paliwanag ni Dad.

Tumingin ako kay Pierce. Nakangiti siya na parang nagpapa-impress siya. Bakit naman siya magluluto ng breakfast para sa amin?

"Come on, princess, sit down." He tapped the seat beside him. Inirapan ko lamang siya. Tss, kahit gutom ako at nababangohan ako sa luto niya, ayokong kumain kasama siya!

"No thanks, Dad, alis na po ako." Paalam ko kay Dad. Actually dapat mamaya pa ako aalis dahil hindi pa dumadating si James. But I'll just text him na mauuna na ako. Kahit na magtampo siya sa akin, okay lang, kaya ko naman siyang suyuin. I don't want to be with this guy even for just a second.

"Sit down young lady. Show some respect to Pierce." Matigas na sabi ni Dad kaya napatigil ako sa pag-alis. Arrgghh!! Ayokong magalit si Dad dahil kakabati palang namin so I have no choice again.

Padabog akong bumalik sa hapagkainan at umupo ako sa tabi ni Pierce. Humarap ako sa kanya at inis ko siyang tiningnan.

"What do you want, stubborn princess?" Tanong nito sa akin.

"I want you out. Can you do that?" Inis kong sabi. He laughed like what I said is just a joke kaya tiningnan ko ulit siya ng masama. Sa tingin niya ba nagbibiro ako?

"Huwag ka na ngang pabebe Ate." Suway sa akin ni Kelsie. Nakatingin siya sa akin ng masama.

Oh? She's jealous because her idol is entertaining me. Gusto ko sana siyang asarin like I always do pag may nage-entertain sa akin na lalaki. I used to flirt more on that guy para mas lalo siyang mainis. Kelsie hates it when she feels inferior with me. But this is Pierce Gallegos, if I flirt with him, lalaki lang ang ulo nito at isa pa naiinis ako sa kanya.

"Hindi siya pabebe. She's just being stubborn like she always do." Nakangising sabi ni Pierce at nilagyan niya ng pancake ang plato ko. Oh! How I miss his pancakes.

"Wait, 'like she always do'? You sounded like you've known her for a long time. Have you met before?" Takang tanong ni Kelsie. Napatingin naman sa amin si Dad at mukhang curious siya na malaman ang sagot.

"NO!" I defensively shouted it.

It was just an outburst baka kasi maunahan ako ni Pierce sa isasagot ko. Baka lumabas sa bibig niya na magkasama kami sa buong bakasyon ko sa California. I'm sure Dad will be mad at me if he knows that I stayed in a man's house.

"Fine, chill. You sound defensive." Ngiwing sabi ni Kellie.

"No, I am not." I said again while trying my best to make it sound normal.

"Kumain ka na, defensive princess." Kinuha ni Pierce ang strawberry syrup na katabi lamang ng chocolate syrup.

"I was wondering Pierce, paano mo nalaman na mahilig si Kenzie sa strawberry? Did you brought it for her?" Tanong ni Dad kay Pierce. Wala kasi kaming strawberry syrup dito dahil gusto nina Dad at Kelsie ang chocolate.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara