SCHOOL 64

535 17 0
                                    

JASMINE

Isang linggo na din ang nakalipas simula noong maikasal sila Kuya Daniel at Ate Lauren. Ngayon ay nandito na kami sa Maynila, kinukumbinsi si Dylan na kailangan ko munang bumalik sa London para pormal na magresign at kunin ang aking mga gamit.

"Sasamahan na nga kita." kanina niya pa iyon paulit ulit na sinasabi.

"You have your work too. Kakatapos lang ng leave mo tapos aalis ka ulit?"

Nandito kami ngayon sa kaniyang condo unit. Mas malapit ito sa kanilang headquarters kumpara sa bahay nila kaya lumipat siya.

Ryzen is with his Lolo and Lola. Masyado na yatang nag enjoy ang tatlo sa pamamasyal sa Hong Kong.

"Kailan ka babalik?" nakapamaywang niyang tanong sa akin.

"Maybe after a week? Marami pa akong kailangang asikasuhin doon."

"Fine pero kapag wala ka pa dito after one week ay susundan na kita doon."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Okay."

"You look so happy na pinayagan kitang umalis." tuluyan na akong natawa dahil sa kaniyang sinabi.

"Silly. Hindi no. Natatawa lang ako kasi ang cute mo." tumayo ako at niyakap siya. "Let's video call for one week, okay?"

Bumuntong hininga siya at niyakap na din ako pabalik.

"I'm going to miss you." bulong niya.

"Ako din."

Kinagabihan ay nakipagvideo call lang ako kay Ryzen at nagpaalam.

"Saan ka po pupunta Mommy?" tanong niya habang kumakain ng chocolate.

"Pupunta lang ako saglit sa work ko pero babalik din naman ako agad."

"Sama ako?" tanong niya na ikinalungkot ko.

"Nope baby. Medyo malayo kasi ang work ni Mommy."

Nakita ko ang paglingon niya kay Tita Adeleine bago ibinalik sa akin ang tingin.

"Okay."

"Be a good boy okay? Wag ka makulit para hindi mastress sila Lolo and Lola."

"I'm not makulit. Lola is teaching me how to speak in English." napangiti ako sa kaniyang sinabi.

"Really? That's nice. Listen to Lola, okay?"

"Yes Mommy. Saan po si Daddy?"

"Kausap yung katrabaho niya."

Saglit pa kaming nag usap ni Ryzen kasama si Dylan. Nagkwento din si Tita tungkol sa mga ginawa nila sa buong araw. Noong napansin kong inaantok na si Ryzen ay saka lang ako nagpaalam para makapagpahinga na din sila.

Kinabukasan ay hinatid ako ni Dylan sa airport. I'm with Tita Marie and Dwayne. Sila Kuya Daniel at Ate Lauren naman ay nasa kanilang honeymoon na.

"Ingat ka ha. Let's call each other everyday." sabi ko habang mahigpit na hawak ang kamay ni Dylan.

"Mag ingat ka din and avoid guys too."

"Oo." natatawang sagot ko at niyakap siya bago tuluyang umalis.

"Are you sure you're going to quit your job?" tanong ni Dwayne habang nakasakay kami sa eroplano.

"May pamilya na ako sa Pilipinas and I can still work there." sagot ko.

Hindi na siya muling nagsalita pa at natahimik na lang. Bumuntong hininga ako at napatingin na lang sa bintana. Ngayon pa lang ay namimiss ko na si Dylan.

Agad kong inayos ang mga kailangan para tuluyang makapagresign. Nalungkot ang aking mga katrabaho pero masaya naman daw sila para sa akin.

"I'm going to miss you, Jas." sabi ni Leila at niyakap ako.

"I'm going to miss you too." nakangiting sabi ko.

Unti unti ko na ding inaayos ang aking mga gamit. Nag vivideo call din kami ni Dylan kasama si Ryzen. Palaging nagtatanong si Ryzen kung kailan daw ako uuwi. Sinasabi ko na lang na malapit na.

Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto ng bumukas iyon at sumilip si Tita Marie.

"Tita."

Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang pag aayos ko sa aking maleta. Tuluyan siyang pumasok at naupo din sa aking kama.

"Kailan ang alis mo?"

"Sa saturday Tita. Nakapagpabooked na ako." masayang sabi ko.

"You're already leaving." bigla akong nalungkot ng marinig ang kaniyang sinabi.

"Tita."

"I'm so happy for you hija. You already found your happiness." ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok. "Wag mong kakalimutan na nandito lang kami ha and we'll miss you. Bumisita kayo dito nila Dylan at Ryzen ha."

"Thank you so much for everything, Tita. Dahil po sa inyo nagkaroon ako ng pangalawang buhay at pamilya."

Hinawakan niya ang aking kamay at niyakap ako.

"You deserve to be happy and live longer." bulong niya.

Napangiti ako at humigpit ang yakap sa kaniya. Tita Marie gave me a chance to live again. Kinupkop nila ako, inalagaan at minahal na parang parte talaga ako ng kanilang pamilya and I'm so thankful for that. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga ginawa nila para sa akin. Even though I have my own family now.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now