SCHOOL 60

815 28 21
                                    

JASMINE

Nang makalabas ako sa CR ay nakabalik na si Dylan. Nandoon na siya sa kama at nakaupo habang pinagmamasdan si Ryzen na mahimbing ng natutulog.

"After ba ng kasal nila Ate Lauren babalik ka na din sa London?" tanong niya pero hindi naman ako nilingon.

Naupo ako sa kabilang gilid ng kama at tinignan din si Ryzen.

"Yup. May trabaho ako doon kaya kailangan ko ding bumalik." sagot ko.

"Then how about Ryzen?" sunod niyang tanong.

Nang tignan ko siya ay sa akin na pala siya nakatingin.

"Isasama ko siya. I know he'll understand our situation."

"Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" natigilan ako sa sunod niyang tanong. "I want Ryzen to recognize me as his Dad. Kung maghihiwalay tayo, gusto kong ako pa din ang kilalanin niyang ama."

"Dylan, napag usapan na natin ito di ba? Hindi ko naman siya ipagdadamot sayo. You can video call with him. Kung gusto mo, magbakasyon din siya dito kasama ka. After a month, maghihiwalay tayo tulad ng plano. Titira kaming dalawa sa London at ikaw, bumuo ka din ng sariling pamilya mo dito." napangisi siya na para bang nainsulto ko siya sa aking sinabi.

"Paano mo nasasabi yan na parang ganoon lang iyon kadali? Ikaw ba, talagang nakalimutan mo na ako? Paano mo nasasabing bumuo ako ng sarili kong pamilya kung ikaw yung kasama ko na bumuo ng pangarap na iyon noon?" yumuko ako at hindi na siya kaya pang tignan. "Jasmine, I just needed an explanation. Kahit ano pa ang dahilan mo sa ginawa mong pag iwan sa akin noon ay kaya kong tanggapin. Kaya kitang tanggapin ulit. Kahit nga hindi ka na magpaliwanag eh. Kahit sabihin mo na lang na sana ikaw pa rin kasi ako pa rin naman yung magkukumahog na tanggapin ka. Hindi mo na kailangan pang magmakaawa kasi ako ang gagawa noon para lang bumalik ka sa akin."

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi.

"Limang taon na ang lumipas Dylan at kung tatanggapin mo ako para kay Ryzen ay wag na lang. I want you to be happy. Hindi yung mabuhay ka sa takot na baka umalis ako ulit bigla o kaya makulong ka sa aming dalawa ni Ryzen dahil sa kagustuhan kong ampunin siya. You deserve to be happy."

"But what if you're my happiness?" kasabay ng pagtingin ko sa kaniya ay ang pagtulo ng aking mga luha. "Tama na yung limang taon na naging miserable ako. Bumalik ka na, Jasmine. Bumalik ka na sa akin."

Sinundan ko siya ng tingin ng bigla siyang tumayo at lumipat sa aking tabi. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan.

"Dylan."

"Please, come back to me Jasmine." nakagat ko ang pang ibabang labi ng makita ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. "Kung ako yung may pagkukulang sa atin noon kaya ko namang baguhin yung sarili ko eh. Sabihin mo lang. Wag mo lang akong iwan ulit." pinunasan niya ang mga luhang walang awat sa pagtulo. "I still love you, Jasmine." bulong niya habang titig na titig sa aking mga mata. "I love you."

Napapikit ako ng bigla niya akong halikan sa aking labi. Para akong mawawalan ng hininga at pakiramdam ko ay babagsak na ako maya maya.

Dahan dahan akong inihiga ni Dylan sa kaniyang kama at tinitigan ako ng mabuti.

"Hinding hindi na kita ulit pakakawalan pa. Kung kinakailangang buntisin na kita ngayon para hindi ka na ulit umalis ay gagawin ko."

Napalunok ako at akmang hahalikan niya na akong muli ay bigla naman naming narinig ang boses ni Ryzen na ikinatigil namin pareho.

"Mommy? Daddy?"

Napapikit si Dylan at bumuntong hininga.

"Remind me to give Ryzen his own room tomorrow." sabi niya at pinatakan lang ako ng mabilis na halik bago umalis sa aking ibabaw.

Naiwan akong tulala sa kisame hanggang sa napangiti na lang din. Nilingon ko sila Dylan at Ryzen na ngayon ay magkayakap na.

"Sleep now kid. Naistorbo mo kami ni Mommy mo." bulong ni Dylan kay Ryzen dahilan para hampasin ko siya ng mahina.

"Kung ano ano ang sinasabi mo kay Ryzen."

Ngumisi siya at hinawakan ang aking kamay.

"I missed you." nakangiting sabi niya at hinalikan ang aking kamay.

Ngumiti din ako at umayos na ng higa. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang mahimbing na natutulog si Ryzen sa aming gitna.

"I missed you too, Dylan." bulong ko na ikinalaki ng kaniyang ngiti.

"Five years of waiting and it's all worth it. Magpakasal tayo ulit. Yung totoong kasal na natin."

Ngumiti ako at tumango bilang sagot.

High School Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora