SCHOOL 63

553 25 0
                                    

JASMINE

Kanina paggising ko ay si Dylan ang bumungad sa akin. Mahimbing siyang natutulog sa gilid ng aking kama habang hawak hawak ng mahigpit ang aking kamay.

Napangiti ako. Noon kapag nagigising ako sa ospital ay mga nurse at doktor ang palagi kong nakikita pero ngayon ay siya na ang nandito. Kasama ko na siya.

Noon ay ayaw kong makita niya ako sa ganitong kalagayan pero ngayon gusto ko na siyang makasama. Gusto kong nandito siya palagi sa aking tabi. Gusto kong kasama siya habang nilalabanan ang aking sakit.

Hinaplos ko ang buhok ni Dylan dahilan para magising siya. Nang magtagpo ang aming mga paningin ay agad ko siyang nginitian. Bigla siyang tumayo at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Baby, you're awake." nakangiting sambit niya. "Are you okay? Sandali, tatawag ako ng doktor para tignan ka."

Akmang aalis siya pero hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"I'm okay." paninigurado ko sa kaniya.

"Are you sure?" ngumiti ako at tumango. "You made me so damn worried. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." mahinahon niyang sabi.

"I'm sorry."

Bumuntong hininga siya at naupo. Hinaplos niya ang aking buhok at saglit akong tinitigan.

"Why didn't you tell me?" tanong niya. Hindi na ako nagulat pa na alam na niya ang nangyari sa akin. "Bakit nilihim mo ang tungkol sa sakit mo? Dapat kasama mo ako eh. Dapat magkasama tayong nilabanan ang sakit mo. Dapat nandoon ako para suportahan at palakasin ang loob mo. I want to be with you. Gusto kong alagaan ka kapag may sakit ka. Gusto kong kasama mo ako sa lahat ng bagay."

Nakagat ko ang pang ibabang labi at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay.

"I got scared." panimula ko. "Noong nalaman kong bumalik ang sakit ko, wala talaga akong plano na umalis noon. I wanted to stay with you habang nilalabanan ang sakit ko but then naisip ko paano kung hindi ko kayanin? Paano kung gusto ko pang lumaban pero hanggang doon na lang pala talaga ako? Maisip ko pa lang ang mararamdaman mo ay hindi ko na kaya. So, I decided to leave. At least, kapag umalis ako, alam mong buhay pa ako. Na hindi ako namatay habang nasa puder ninyo. Ayaw kong dalhin mo habang buhay yung katotohanang nakita mong mamatay ako sa mismong harapan mo."

"Jasmine."

"Pero lumaban ako. Lumaban ako kasi umasa ako na hihintayin mo ang pagbabalik ko. Lumakas ang loob ko dahil alam kong nandyan ka. Naghihintay lang. I'm sorry kung natagalan ako, Dylan. I'm sorry kung pinaghintay kita ng matagal."

Hinalikan niya ako sa noo at pinakatitigan ng mabuti. Maya maya ay nakita ko na ang ngiti sa kaniyang labi.

"You're worth the wait, Jasmine at kahit umabot pa ng ilang dekada ang paghihintay ko sayo hinding hindi ako mapapagod dahil ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay."

Napangiti ako at niyakap siya.

"I love you, Dylan. Mahal na mahal kita."

Dumaan pa ako sa ilang mga tests bago tuluyang makalabas sa ospital. Noong makauwi ay agad akong niyakap ni Ryzen. Iyak siya ng iyak at ayaw ng humiwalay sa akin.

Parang hinaplos ang aking puso noong mga oras na iyon dahil nadagdagan yung mga taong naghihintay sa akin. Yung mga taong ayaw akong mawala.

Two days after kong makalabas sa ospital ay ikinasal na sila Kuya Daniel at Ate Lauren. Kitang kita ko ang kislap sa kanilang mga mata.

"Congratulations Kuya at Ate." nakangiting sabi ko at niyakap sila pareho.

"Thanks Jas." nakangiting sabi ni Kuya Daniel.

"Thank you for coming Jasmine." nakangiting sabi ni Ate Lauren. "And thank you for coming back in Dylan's life."

Maingay ang buong resort ni Dylan. Lahat ay nagsasaya. Kagabi ay dumating din ang ilang mga kaibigan ni Ate Lauren at kanina ay dumating din sila Sabrina at Elijah. Gulat na gulat sila noong malaman ang tungkol kay Ryzen at sa biglaang kasal namin ni Dylan but they supported us. Masaya sila para sa amin.

"Kailan ang kasal niyo ni Dylan? Para naman makapunta kami." bulong sa akin ni Sabrina na ikinatawa ko.

"Kasal na kami no."

"I mean the real wedding." nakasimangot niyang sabi.

"I don't know. Maybe next year? Next next year?" hindi siguradong sagot ko.

"Buti ka pa kasal na." lalo siyang lumapit sa akin ay may ibinulong. "Itong si Elijah parang wala pang balak na itali ako." mahina akong natawa ng marinig iyon.

"You're still young. Baka hindi pa siya ready to settle down."

"Siguro nga." nakasimangot niyang sabi.

"Sab, just enjoy your relationship. Hindi naman kailangang madaliin ang lahat ng bagay. Ang mahalaga sigurado na kayo sa isa't isa. Just wait for the right time." sabi ko na ikinangiti niya.

"Thanks Jas and I'm glad that you're back." napangiti ako at niyakap siya.

"By the way, may balita ka ba kay Simon? Kamusta na siya?" tanong ko.

"You're asking who?" kunot noo na tanong ni Dylan.

"Grabe ka naman, Dylan! Ang talas ng pandinig ha!" sabi ni Sabrina.

"Kinakamusta ko lang." sagot ko kay Dylan. Hindi niya inalis ang tingin sa akin kaya natawa ako. "He's a friend."

Umiling iling siya at bumalik na sa pakikipag usap kay Elijah.

"Ang huli kong balita sa kaniya ay nasa Amerika na daw. Nag migrate na doon kasama ang parents at step brother niya." sagot ni Sabrina.

Tumango tango ako at kahit papaano ay napanatag ang kalooban na nasa maayos siyang kalagayan.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now