SCHOOL 1

2.3K 52 4
                                    

JASMINE

Ngiting ngiti ako habang nakatingin sa kahon na hawak ko. Dito lang naman nakalagay ang cupcake na binake ko para sa aking sweetheart na si Dylan.

Well, hindi pa naman kami. Magiging pa lang haha. Grade 7 pa lang ay gustong gusto ko na siya at ngayong Grade 9 na kami ay gusto ko ng aminin sa kaniya itong nararamdaman ko.

Nandito ako ngayon sa may pintuan ng kanilang locker room. Dito ko siya hihintayin dahil siguradong dito muna siya pupunta bago sa kanilang classroom.

"Beshy!" nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni Sabrina.

"Wag ka nga manggulat!" sabi ko pero nginitian din siya at pinakita sa kaniya ang hawak kong kahon. "I'm going to confess to Dylan."

"Kay Dylan? Eh mas cold pa sa yelo yun. Akin na lang yan. Hindi niya yan tatanggapin." agad kong inilayo sa kaniya ang cupcakes ng akmang kukunin niya ito.

"Wag ka ngang negative dyan! Malay mo magbago siya." ngumuso ako at pabirong inirapan siya.

Umiling iling lang siya sa akin.

"Bahala ka dyan. Mauuna na ako sa classroom."

"Sige. Bye!"

Napatayo ako ng maayos ng makitang naglalakad na palapit si Dylan dito. Kasama niya ang best friend niya na si Elijah.

"Hi Dylan." napahinto silang dalawa sa paglalakad at napatingin sa akin. "Hmm. Para sayo." nakangiti kong inabot sa kaniya ang kahon na hawak ko. Tinignan niya iyon saglit bago ibinalik sa akin ang tingin. "Ako mismo ang nagbake nito."

"Anong section ka?" seryosong tanong niya.

"Sa section 5 ako." medyo nahihiya kong sagot.

"Lowest section. Imbes na gawin mo yan, bakit hindi mo unahin ang pag aaral mo?" napakagat labi ako at napayuko.

Naglakad na siya papasok sa locker room at tuluyan na akong nilampasan.

"You're so rude dude!" natatawang sabi ni Elijah sa kaniya. "Thanks to this. Sakto gutom ako." nagulat ako ng kunin ni Elijah ang hawak kong kahon kaya napatingin ako sa kaniya. "Alis na. Mag aral ka muna." sabi niya na ikinasimangot ko.

"Salbahe." bulong ko at nagdabog na paalis.

Nakakainis! Kung alam ko lang na si Elijah pala ang kakain nun sana nilagyan ko ng lason. Ang lalaki na yun! Grr!

Hanggang sa makarating ako sa aming classroom ay nakasimangot ako. Nang makita ako ni Sabrina ay agad siyang tumawa.

"Sabi ko sayo eh." natatawang sabi niya kaya hinampas ko siya. "Oh nasaan na? Kainin na natin."

"Kinuha ni Elijah." nakasimangot kong sagot.

"Elijah?"

"Paulit ulit?" inis kong tanong. "Sayang di ko nalagyan ng lason. Tss."

"Oh ano na ang gagawin mo ngayon?"

"Gagawa ako ulit bukas. Hindi ako titigil no. Simula pa lang ito." determinado kong sabi.

"Ang kulit. Sige lang. Ipagpatuloy mo yan hangga't hindi ka nasasaktan."

Habang naglelecture ang teacher namin sa harapan ay lumilipad naman ang aking utak sa ibang bagay. Anong flavor naman kaya ang gagawin ko mamaya? Chocolate ulit? Or iba naman? Hay! Ang hirap mag isip kung ano ang magugustuhan niya.

Kinabukasan ay wala akong dalang cupcake. Susubukan ko naman ang love letter ngayon. Hinalikan ko pa ang hawak kong papel bago iyon isinuksok sa locker ni Dylan. Ngumiti ako at aalis na sana pero nagulat ako dahil nasa likod ko na pala sila Dylan at Elijah.

"Oh! K-kanina pa ba kayo dyan?" naiilang kong tanong.

Ngumisi si Elijah at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago tinignan si Dylan.

"Mukhang type na type ka dude." napanguso ako at tinignan ang ekspresyon ni Dylan.

Nagulat ako ng bigla siyang tumalikod at naglakad na paalis. Agad akong sumunod sa kaniya palabas.

"Teka! Hindi mo ba babasahin yung sulat ko?" sigaw ko sa kaniya dahilan para huminto siya sa paglalakad at nilingon na din kami ng ibang estudyante. "Gusto kita, Dylan. Gustong gusto kita." pag amin ko. Hindi na inintindi pa ang mga taong nanonood sa amin. "First year high school pa lang, gustong gusto na kita."

Nilingon niya ako at wala man lang karea-reaksyon ang kaniyang mukha.

"I have my standards." sabi niya na nakapagpatigil sa akin. "Ano sa tingin mo ang magiging dahilan para magustuhan kita pabalik?" nakagat ko ang aking labi. "Mag aral ka na lang ng mabuti."

Tumalikod muli siya at handa na namang umalis. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Hindi ako titigil! Kung kinakailangang ligawan kita, gagawin ko!" buong tapang kong sigaw.

"Owww!" reaksyon ng mga estudyanteng nanonood sa amin.

Pinanood ko siyang naglakad na palayo sa akin.

Humanda ka sa akin, Dylan. Sisiguraduhin kong makukuha kita. Sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng dahilan para magustuhan ako.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now