SCHOOL 52

441 24 1
                                    

JASMINE

"Doktor ako. Sasama na lang ako sa inyo." pagpipilit ni Dwayne.

"Inaya ka ba?" pamimilosopo ko.

"Talagang sasama ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman. Call of duty." sagot ko.

Umiling siya at tinignan ako habang nagsusuklay ng aking buhok.

"Sobrang rupok mo." natawa na lang ako sa kaniyang sinabi at hindi na iyon pinagtuunan pa ng pansin. "Jasmine." seryosong tawag niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at hinarap siya ng maayos.

"Just let me, okay? Hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko. Isa pa, gusto kong gamitin ang opportunity na ito para magpaliwanag sa kaniya. Para lang may closure kaming dalawa."

"At kapag nakipagbalikan siya?"

"Which is impossible. Nakita mo namang may kasama na siyang ibang babae di ba?"

"Bahala ka. Just don't cry in front of me when you get hurt."

Dala dala ang aking maliit na backpack ay nagpunta ako sa villa ni Dylan. Nandoon siya sa tapat at may kausap na naman sa kaniyang cellphone habang nakapameywang.

Sobra namang gumwapo ang lalaking ito. Ano kayang ginawa niya sa loob ng limang taon at parang hindi naman nastress noong umalis ako? Ganyan ba ang nadepressed?

Napunta ang aking atensyon kay Bianca na lumabas mula sa loob ng kaniyang villa para yata magpaalam. Sobrang tamis ng ngiti ni Bianca habang titig na titig sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at tuluyan ng lumapit sa kanila.

Unti unting nabura ang matamis na ngiti ni Bianca ng makita ako. Nilingon naman ako ni Dylan at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.

"Isa lang ba ang kailangan mo? Doktor si Dwayne pwede siyang makatulong sa.."

"Ikaw ang sinama ko kaya ikaw lang ang kailangan ko." pagputol niya sa iba ko pang sasabihin na ikinatahimik ko.

Yumuko ako at kinagat ang pang ibabang labi para maitago ang ngiti.

"Aalis na kami." paalam niya kay Bianca.

"Ingat." nakangiting sagot ni Bianca.

"Sumakay ka na." utos ni Dylan sa akin.

Tumango ako at nauna ng sumakay sa kaniyang yatch. Sumunod din naman siya agad. Sinenyasan lang niya yung isang lalaki at hindi din nagtagal ay naramdaman ko na ang aming pag alis. Napatingin ako sa lugar kung saan namin iniwan si Bianca. Sobrang lungkot ng kaniyang mukha at gusto din yatang sumama pero hindi siya pinayagan ni Dylan. Gusto ko tuloy magbunyi pero kinimkim ko na lang iyon.

"You can put your things in that room first." sinundan ko ng tingin ang pintuan na tinuro niya.

"Ah sige. Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko para maibsan ang awkwardness na nararamdaman.

"Sa kabilang isla." tipid niyang sagot.

"Hmm. Pupunta na muna ako doon sa kwarto."

Tumango lang siya at abala na naman sa kaniyang cellphone. Umalis na ako doon at nagpunta na sa kwarto.

"Wow."

Yun agad ang aking nasabi ng makita ang kwartong pinasukan ko. Hindi naman siya ganoon kalawak pero sobrang ganda. May maliit din na bintana sa magkabilang gilid ng kama at kitang kita ang dagat sa labas. Ibinaba ko ang aking bag sa kama at naglakad palapit sa bintana. Napangiti ako at pinagmasdan ang malawak na dagat. Asul na asul ang kulay at sobrang linis pang tignan.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok doon. Maya maya ay nakita kong sumilip si Dylan.

"Miryenda." maikling sabi niya.

Tumango ako at nginitian siya. Agad siyang nag iwas ng tingin at lumabas na.

Napanguso ako at muling tumingin sa bintana bago tuluyang lumabas. Doon ako nagpunta sa deck. Muli ay napahanga na naman ako sa ganda ng  lugar. Kahit halos puro tubig lang ang nakikita ko ay namamangha pa din ako. Sunod akong napatingin sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Nandoon si Dylan at abala sa pag aayos. Agad akong natakam at naupo na para makakain na.

"Kumain ka na. Maya maya ay nandoon na din tayo."

"Okay." nakangiting sabi ko at hindi na maialis ang tingin sa mga pagkain.

Tahimik kaming kumain pero kahit ganoon ay kumportable ang aking naging pakiramdam.

"Ikaw ang nagluto nito o pinabaon ni Tita?"

"Ako." napasimangot ako dahil sa sobrang ikli ng kaniyang sagot.

"Talaga? Ang galing mo ng magluto ah. Parang dati lang magpapaluto ka pa kay Tita o kaya kay Nanay.." napatigil ako sa pagsasalita ng marealize kung ano ang aking mga pinagsasabi. Napahinto din siya sa pagkain at ibinaba ang hawak na kutsara't tinidor. "Sorry." nakayukong sabi ko. "Hindi ko sinasadya." kinuha ko ang aking plato at tumayo na. "Doon na lang ako sa kwarto kakain."

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at tumakbo na agad papunta sa kwartong pinasukan ko kanina.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now