SCHOOL 43

469 20 10
                                    

JASMINE

Pagkaalis ko sa hospital kanina ay dumiretso ako sa playground na malapit doon. Tulala lang ako habang nakaupo sa duyan. Hindi alam ang gagawin lalo na't wala na sila Mama at Papa na mag aalaga sa akin.

Napapikit ako at napabuntong hininga. Dahan dahan kong idinuyan ang sarili.

Anong gagawin ko ngayon? Paano ko sasabihin kina Dylan ang kalagayan ko? Kailangan kong maoperahan sa lalong madaling panahon. Sobrang laki na ng naitulong nila Tito at Tita sa akin. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanila kapag humingi na naman ako ng tulong.

Nang dumilim na ay napagpasyahan kong umuwi na. Nang matanaw ang malaking gate ng bahay ay muli akong napahinto sa paglalakad. Kailangan ko ng tulong nila kaya kakapalan ko na ang mukha ko. Mangangako na lang ako na babayaran ko sila oras na magkatrabaho na ako. Bumuga ako ng hangin at tuluyan ng pumasok.

Nasa pintuan pa lang ako ay naririnig ko na ang pagsigaw ni Dylan kaya bigla akong kinabahan. Agad kong binuksan ang pintuan at natigilan ako ng makita ang galit sa mukha ni Tita Adeleine.

"Ikaw! Ang kapal ng mukha mo!" akma niya akong susugurin pero pinigilan siya ni Tito.

"T-tita." naguguluhan kong sambit.

"Pinatira ka namin dito! Tinanggap ka namin pero ito pa ang igaganti mo? Sa anak namin?" galit na sigaw niya habang isa isa na ding tumutulo ang mga luha.

"Ma! I told you to stop it!" mahinahong sabi ni Dylan pero halatang nagtitimpi lang din. "Sinabi ko ng may ibang gumawa nito para sirain si Jasmine. Hindi niya iyon magagawa."

"Hon, makinig ka na sa anak mo. They already talked about it." mahinahong sabi ni Tito Armand at tinignan ako. "Just forget whatever your Tita said, she's just mad and a little bit.. disappointed."

Parang nanghina ako ng marinig ang sinabing iyon ni Tito. Napunta ang aking atensyon sa mga litrato na nasa lamesa.

"I'm sorry po. Sorry po talaga." sabi ko at tuluyan ng naiyak. "H-hindi ko din po alam kung paano ako napunta sa ganyang sitwasyon pero maniwala po kayo walang ibang nangyari dyan."

Nilapitan ako ni Dylan at agad pinatahan.

"Shh. You don't have to explain it. Mom was just shocked and mad for no reason." bulong niya sa akin at niyakap ako.

Noong gabing iyon ay muling sumakit ang aking dibdib. Nahirapan din akong huminga dahil sa kakaiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Dylan ang lahat ng nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong humingi ng tulong sa kanilang pamilya.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ng maalala ang sinabi sa akin kanina ni Dra. Tuazon.

"Kung wala kang ibang malalapitan, just call me. You can come with me. Next week ay pupunta na ako sa London dahil nakatanggap ako ng offer sa isang malaking ospital doon. Isasama kita at doon ka na magpapagamot."

Nanginginig ang aking mga kamay ng kunin ko ang calling card na binigay niya kanina. Pumikit ako at huminga ng malalim. Sunod kong kinuha ang aking cellphone at idinial ang numerong nakasulat doon.

"Dra. Ako po ito. Si Jasmine." sabi ko ng sagutin niya ang tawag. "Nakapagdesisyon na po ako."

Pumapatak ang aking mga luha habang inilalagay ko sa aking maliit na bag ang mga gamit na dala ko noong unang dating ko dito. Iniwan ko ang lahat ng mga gamit na ibinigay nila sa akin. Ang tanging dinala ko lang na regalo sa akin ay ang kwintas na may pendant na singsing na iniregalo ni Dylan sa akin noong debut ko at ang bracelet na ibinigay niya noong anniversary namin.

Nang sumapit ang alas dos ng umaga ay saka ako lumabas sa aking kwarto dala dala ang aking mga gamit. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang pintuan ng silid ni Dylan. Napatakip ako sa aking bibig at dahan dahan ng bumaba para makalabas.

Paglabas ko sa gate ay agad kong nakita si Dra. Tuazon na nakaabang na sa akin.

"Hija!" agad niya akong nilapitan at nag aalalang mukha niya ang sumalubong sa akin. "Are you sure about this?"

"Opo. Mas mabuti pong hindi na lang sila madamay sa kamalasan ko. Masyado na po silang maraming naitulong sa akin."

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko pa ang kabuuan ng tahanang kumupkop sa akin sa nakalipas na mga taon. Ang tahanang hindi ko alam kung muli ko pang masisilayan.

Bago pa muling pumatak ang aking mga luha ay sumakay na ako sa sasakyan ni Dra. Tuazon.

High School Love (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora