SCHOOL 12

573 34 8
                                    

JASMINE

Lumabas kami ni Mama para hindi marinig ni Papa ang pagdadrama ko. Paniguradong mag aalala kasi iyon kapag nalaman niya ang nangyari sa akin at hindi iyon magiging maganda para sa kalusugan niya ngayon.

"Hindi naman talaga puro saya ang pagmamahal, anak." tinignan ko si Mama na nakatingin lang sa langit. "Noong nakilala ko ang Papa mo, hindi ko talaga siya gusto noon." tinignan niya ako at nginitian. "May iba akong gusto. Kaibigan niya pa nga." tumawa siya ng mahina.

"Talaga Ma?" gulat kong tanong.

Ngayon lang kasi namin mapag uusapan ang love story nila ni Papa.

"Oo pero dahil palagi akong nasasaktan noong taong gusto ko, nabaling ang atensyon ko sa Papa mo kasi siya yung palaging nagpapasaya sa akin. Siya yung palaging nandyan para patahanin ako sa tuwing umiiyak ako dahil sa kaibigan niya."

Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla kong naalala sila Dylan at Simon. Parang ganoon din ang nangyayari sa amin maliban nga lang sa part na magkaibigan sila.

"Ano pong nangyari doon sa taong gusto niyo?"

"Ayun. Noong nalaman niyang nililigawan na ako ng Papa mo bigla niyang sinabi na gusto niya din pala ako. Hindi lang niya narealize noon kasi confident siya na siya lang yung gusto ko at noong nawala na ako ay saka niya ako hinanap hanap." napalunok ako at parang ayaw ng ituloy pa ang pakikinig. "Pero natutunan ko na kasing mahalin ang Papa mo noon." hinawakan ni Mama ang aking mga kamay. "Mas minahal ko pa ang Papa mo kaysa sa kaniya."

Paikot ikot lang ako sa aking kama at hindi makatulog. Kanina pa tapos ang pag uusap namin ni Mama pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan ang aking mga narinig.

Ganoon din kaya ang mangyayari sa akin? May iba pa ba akong magugustuhan higit sa pagkagusto ko kay Dylan? Napapikit ako at napabuntong hininga.

Isang linggo na ang lumipas simula noong binasted ako ni Dylan. Sa tuwing makakasalubong ko siya ay ako na ang nauunang umiwas. Inabala ko ang aking sarili sa pag aaral at pagtatrabaho.

Si Simon din ang palagi kong nakakasama nitong mga nakaraang araw. Palagi siyang nasa restaurant kapag may duty ako at ihahatid ako palagi kahit sobrang late na. Madalas din siyang tumatawag para kamustahin ako. Baka daw kasi mabaliw ako kakaisip kay Dylan.

Sa kabila ng lahat ng iyon ay wala naman akong nararamdaman na kakaiba para kay Simon. Hindi bumibilis ang tibok ng aking puso kapag tititigan niya ako. Hindi tulad kay Dylan na kahit daanan lang ako ng tingin ay pakiramdam ko nakalutang na ako sa ulap.

"Nakakapanibago ka ha." sabi ni Sabrina habang nasa library kami. "Talagang hindi na kayo magpapansinan ulit ni Dylan?"

"Magfofocus muna ako sa pag aaral." sagot ko habang nagsusulat.

"Wow. Iba pala talaga ang nagagawa kapag nabroken hearted."

Hindi ko na pinansin pa ang kaniyang sinabi at tinapos na lang ang ginagawa.

"Jas!" nilingon ko si Elijah ng tawagin niya ako.

Nakasuot siya ng P.E uniform at mukhang papunta na sa gymnasium.

"Oh. Musta?" tanong ko.

"Okay lang. Isang linggo ka ng hindi nagpaparamdam kay Dylan ah. Akala ko busy ka lang kaya missing in action ka."

"Hindi niya ba nasabi sayo?" kunot noong tanong ko.

"Ang alin?" takang tanong niya naman.

"Binasted niya na ako."

"Ha? Binasted?" gulat na gulat niyang tanong. "Binasted ka niya? Pero bakit." bigla siyang natigilan at parang may naisip.

"Bakit ano?"

"Eh palagi ngang nakatingin sayo yun kapag napapadaan ka sa classroom namin. Ganoon din kapag nasa cafeteria. Kanina nga nakatitig sayo sa library eh. Ngumingiti din yun mag isa kapag nakita kang nakangiti."

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa narinig.

"H-ha?" nauutal kong tanong.

"Oo nga. Kapag tinatanong ko kung bakit hindi kayo magkasama ang palagi niyang sinasabi abala ka sa pag aaral."

"N-nasaan siya ngayon?"

"Ha? Nandoon na sa gym."

Hindi ko na hinintay pa ang iba niyang sasabihin. Tumakbo na ako agad papunta sa gym. Sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso ay pakiramdam ko bigla na lang itong kakawala at mauuna ng pumunta kay Dylan. Anong ibig sabihin noon? Bakit nagsinungaling siya kay Elijah? Bakit hindi niya sinabi ang totoong nangyari noong araw na yun?

Bakit ba patuloy niya pa din akong pinapaasa?

Lalo kong binilisan ang pagtakbo. Wala ng pakialam sa mga taong nakakabangga ko.

Hinihingal kong inilibot ang aking paningin sa buong gym ng makarating ako doon. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi ng makita si Dylan na nakaupo sa bleachers. Diretso ang tingin sa akin na para bang inaabangan niya talaga ang aking pagdating.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now