SCHOOL 41

460 21 1
                                    

BIANCA

"Sige na. Yakapin mo na siya." utos ko kay Isaiah ng matanggal ko ang blouse ni Jasmine at tanging tube top na lamang ang natira na pang itaas niya.

Inayos ko ang kumot ni Jasmine para magmukhang wala siyang suot na damit. Pumwesto ako sa likod ni Isaiah para hindi makita ang kaniyang mukha. Nagsimula akong kumuha ng litrato habang yakap yakap ni Isaiah ang walang malay na si Jasmine.

"Medyo iangat mo ang mukha niya para makita."

"Bilisan mo na. Baka magising na 'to." supladong sabi ni Isaiah.

"Oo na. Napakamainipin mo naman. Ayusin mo ang pagyakap sa kaniya dahil pagkatapos nito makukuha na natin ang gusto natin." sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkuha ng litrato.

Sinigurado kong kita ang mukha ni Jasmine para mapaniwala si Dylan namay kayakap itong ibang lalaki.

"Iiwan na natin yan dito?" tanong ni Isaiah habang isinusuot ang kaniyang damit.

"Oo naman. Hindi naman na umuuwi si Kuya dito kaya walang makakakita sa kaniya. Isa pa, magigising na din yan maya maya." sagot ko habang ipiniprint ang kanilang mga picture sa printer ni Kuya.

"Sigurado ka bang maghihiwalay sila dahil dyan?"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin gagawin." nilingon ko siya at nginisihan. "Makakaganti ka na kay Jasmine tulad ng plano mo at makukuha ko na si Dylan."

"Kapag nasaktan siya at naghiwalay sila saka ko lang masasabi na nakaganti na ako at wag ka din makampante masyado. Hindi mo masisigurado na magiging iyo si Dylan kapag naghiwalay sila." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.

"Manahimik ka na nga lang. Baka mabulilyaso pa ang plano natin dahil sayo. Teka, bakit ba galit ka kay Jasmine? Ano bang ginawa niya? Binasted ka ba?" kunot noo kong tanong.

"It's none of your business." masungit niyang sagot.

Hindi ko na lang pinansin pa ang kaniyang pagsusungit at inayos na ang ipapadala kong mga litrato kay Dylan.

Kinabukasan ay agad kong napansin ang galit sa mukha ni Dylan. For sure, nag away na silang dalawa at susunod na ang paghihiwalay nila. Kaya naman noong mag uwian na ay agad ko siyang nilapitan.

"Dylan!" nilingon niya lang ako saglit at ibinalik din ang atensyon sa pag aayos sa kaniyang mga gamit. "Pwede bang makisabay? Nasira daw kasi yung sasakyan namin eh. Hindi ako masusundo."

"Okay." walang gana niyang sagot.

Napangiti ako ng makasakay sa kaniyang sasakyan pero agad din iyong nabura ng makita ko si Jasmine sa labas ng aming campus. Nang mapansin kong titingin din sa gawing iyon si Dylan ay agad ko na siyang tinawag.

"Dylan, nagawa mo na ba yung project kay Sir Ted?"

"Hindi pa." tumango tango ako at nakahinga ng maluwag dahil hindi niya nakita si Jasmine.

Akala ko ay maghihiwalay na sila pero mali ako.

"Pumalpak ang plano natin." inis kong sabi kay Isaiah.

"I already did my part. They must be in love with each other so much." sabi niya bago sindihan ang hawak na sigarilyo na hindi ko alam kung paano niya naipasok dito sa loob ng campus.

Nandito kami sa likod ng aming building. Kanina ay sinabihan ko siyang kailangan naming mag usap.

"Pero hindi pa natin nakukuha ang gusto natin! Hindi ko pa nakukuha si Dylan at hindi mo pa nasasaktan ng todo si Jasmine tulad ng plano mo." halos isigaw ko sa kaniya iyon pero kinontrol ko pa din ang aking sarili.

Tamad akong nilingon ni Isaiah. Hindi ko alam kung sapat na ba para sa kaniya yung ginawa niya o talagang wala na siyang pakialam.

"I'll hurt her in my own way. Gaganti pa din ako sa kaniya tulad ng plano ko. Pinagbigyan lang naman kita kaya pumayag ako sa gusto mo. Bahala ka na sa gusto mong gawin." sabi niya at umalis na.

Inis kong tinignan si Isaiah. Napaka talaga nitong lalaking ito. Wala man lang akong napala! Hindi man lang nagbreak yung dalawa! Nasayang lang ang mga plano ko! Bakit ba kasi hindi pa hiniwalayan ni Dylan ang babaeng iyon? Ano bang mayroon sa kaniya at hindi siya magawang iwan ni Dylan? Agh!

Pagbalik ko sa aming classroom ay nakita ko si Dylan na nakangiti habang may kausap sa kaniyang cellphone.

Sige lang. Mag enjoy muna kayong dalawa. Hindi man ako nagtagumpay sa unang plano ko ay marami pa naman ang kasunod at sisiguraduhin kong maghihiwalay kayo. Sisiguraduhin kong makukuha ko si Dylan.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now