SCHOOL 5

571 37 1
                                    

JASMINE

Hindi ko pinansin ang pagsusungit ni Dylan. Sinundan ko pa din siya at desidido sa paghatid sa kaniya.

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Dalawa."

"Oh ikaw ang panganay?" tumango siya bilang sagot. "Buti ka pa. Ano ba ang feeling na may kapatid?"

"Okay lang. Masaya kahit papaano."

Tumahimik na ako at inenjoy na lang ang moment. Yung magkasama kaming naglalakad. Yung hinahatid ko siya. Hay. Kailan kaya niya ako sasagutin? Sana bukas siya naman ang maghahatid sa akin pauwi. Napahagikgik ako dahil sa naisip. Agad niya akong nilingon at kinunutan ng noo.

"Nababaliw ka na ba dyan?"

"Hindi no. May naisip lang ako."

Nang makarating sa kanilang bahay ay agad akong namangha.

"Wow. Ang laki pala ng bahay niyo."

"Umuwi ka na." masungit na sabi niya habang binubuksan ang gate.

"Okay. Hmm. Bukas na lang ulit." nakagat ko ang aking pang ibabang labi at nanghihinayang dahil bukas ko na ulit siya makikita. Dahil matatapos na naman ang araw na ito. "Bye." dinig na dinig ang lungkot sa aking boses ng banggitin ko iyon.

Napahinto siya sa pagbubukas ng gate at nilingon ako.

"Gusto mo bang magmiryenda muna sa loob?"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig.

"T-talaga? Pwede?" tuwang tuwa kong tanong.

"Kung ayaw mo edi wag."

"Syempre gusto ko no!"

Nauna na akong pumasok dahil baka magbago pa ang isip niya.

"Ang ganda ng bahay niyo." sabi ko ng makapasok na kami sa loob.

"Maupo ka lang dyan. Wag kang malikot."

"Oo na. Baka pauwiin mo pa ako eh."

Naupo na ako sa malambot nilang sofa. Siya naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng miryenda. Paglabas niya ay may dala na siyang dalawang baso ng juice at dalawang slice ng chocolate cake.

"Oh. Bilisan mo at umuwi ka na din."

"Ang sungit mo naman. Nasaan ang parents mo?" tanong ko at kinuha na ang platitong may laman na cake.

"Nasa work."

"Tayo lang ang nandito?" tanong ko ulit dahilan para taasan niya ako ng kilay.

"Tingin mo ba yayayain kita dito kung tayo lang? Tss."

"Oh nandito ka na pala Dylan." agad akong napatingin sa medyo may edad ng babae na bumababa mula sa kanilang hagdan. May bitbit din siyang laundry basket. "May kasama ka pala." nginitian niya ako kaya naman ngumiti din ako pabalik.

"Hello po. Ako po si Jasmine. Nanliligaw po ako kay Dylan." nakangiting pagpapakilala ko.

Agad nabilaukan si Dylan ng marinig ang aking sinabi. Dali dali kong inabot sa kaniya ang juice na agad din niyang ininom.

"Okay ka lang? Hinay hinay lang kasi."

"You don't have to say that!" pagsusungit na naman niya.

"Ang cute niyo naman at ngayon lang pumayag si Dylan na may manligaw sa kaniya ha." humagikgik ang matanda. "Ikaw lang din ang babaeng dinala niya dito."

"Talaga po?" tinignan ko si Dylan at nginisihan bago ibinalik ang tingin sa matanda. "Mukhang malapit na nga po niya akong sagutin."

Agad natawa ang matanda kaya natawa na din ako. Nilingon ko si Dylan na naiiling na lang.

Tapos na akong kumain pero hindi pa din ako umalis. Nakipagkwentuhan muna ako kay Nanay Delia habang si Dylan ay umakyat sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit.

"Ano po ba ang paboritong ulam ni Dylan?"

"Sinigang at adobo. Mas gusto niya kapag may pineapple ang adobo. Bakit ipagluluto mo siya?" nakangiting tanong sa akin ni Nanay Delia.

"Opo." sagot ko at napahagikgik. "Pero hindi ko po lalagyan ng gayuma yun ha."

"Ikaw talagang bata ka!" natatawang sabi ni Nanay. "Hindi mo na kailangan yun dahil maganda ka naman at mabait pa. Ituloy mo lang ang panliligaw sa alaga ko at bibigay din yun."

"Talaga Nay? Tingin niyo magugustuhan niya din ako?"

"Oo naman no."

"Naku Nay ha! Umaasa na ako masyado."

Tumawa ulit si Nanay Delia. Sabay naming nilingon si Dylan ng magsalita ito.

"Umuwi ka na."

"Ihatid mo na siya hijo." utos ni Nanay Delia.

"What? Hinatid niya nga ako dito tapos ihahatid ko din siya?" masungit na sabi niya.

"Oo nga Nay." segunda ko naman. "Tsaka ako po ang nanliligaw sa amin kaya gawain ko iyon. Kaya ko naman pong umuwi mag isa." nakangiting sabi ko.

"Pero babae ka. Dapat lang na ihatid ka pa din ni Dylan." pagpipilit ni Nanay.

Sige lang Nay! Pilitin mo pa siya! Hihihi.

"Ah hindi na po talaga. Kaya ko po."

"Dylan." may pagbabanta na sa boses ni Nanay Delia dahilan para bumuntong hininga si Dylan.

"Sa susunod hindi na talaga ako papayag na magpahatid sayo." nagulat ako ng magdabog pa siya at naglakad na paalis.

Agad kong nilingon si Nanay Delia na nakangiti na sa akin.

"Oh sige na! Ihahatid ka na niya. Mag ingat kayo ha." ngiting ngiti niyang sabi.

Naku si Nanay talaga!

Nekekeheye keye! 🤭🤭

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now