SCHOOL 39

494 16 4
                                    

JASMINE

"How's your day?" tanong ni Dylan habang sinusuklayan ang aking buhok.

"Okay naman." sagot ko at napahikab.

"You're sleepy?"

"Medyo." sagot ko at hinarap siya na ikinatigil niya sa ginagawa.

"Why?" nakangiting tanong niya ng tinitigan ko lang siya.

"Wala. Namimiss lang kita kahit nandito ka lang naman." tipid ko siyang nginitian. "Feeling ko mawawala ka sa akin." ang kaninang ngiti sa kaniyang mukha ay unti unting nawala. "I'm not saying na literal kang mawawala ha. I just have this weird feeling na darating yung araw na hindi na kita makakasama. Na iiwan mo ako."

"Baby, what are you talking about?" kunot noo niyang tanong. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ng mabuti. "I'm not going anywhere, okay? I'll stay here.. with you."

"I know. I just.. nevermind. Hayaan mo na lang." nginitian ko siya at niyakap.

Today is December 1st. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong magsimula ang klase. Isang buwan na lang ay bagong taon na naman.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Sabrina ng makitang nagmamadali siyang lumabas ng classroom.

"Lalabas lang ako saglit."

"Sama ako. Three hours vacant pa naman. Wala akong kasama."

"Ha? Eh ano kasi eh." naningkit ang aking mga mata dahil sa pag iwas niya ng tingin sa akin.

"Oh. Magkikita kayo ni Elijah? Okay. Hindi na ako sasama."

"Sorry Jas!"

"Okay lang." nakangiting sabi ko. "Enjoy your date."

Nang lumabas na siya ay bigla akong nalungkot. Wala kasi akong kasama ngayon. Si Simon ay kasama ang kaniyang step brother tapos si Sabrina naman wala din. Ngayon ko lang narealize na silang dalawa lang pala ang kaibigan ko. May mga kumakausap naman sa akin pero sa kanila ako nakadepende kaya ngayong wala sila ay wala din akong makasama.

Naisipan kong lumabas ng school at pumunta sa malapit na coffee shop para doon na lang muna tumambay.

Naglalakad na ako papunta doon ng biglang may humintong sasakyan sa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata ng biglang lumabas ang isang lalaki doon at sapilitan akong isakay sa kotse. Sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan ng panyo ang aking bibig at nawalan na ako ng malay.

Paggising ko ay saglit akong nahilo. Nang medyo umayos ang pakiramdam ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kinabahan ako ng makitang nasa kwarto ako. Agad akong napabangon at nanlaki ang mga mata ng makitang nakatube top na lamang ako. Hinila ko pataas ang kumot na nakatakip sa akin. Napahawak ako sa aking ulo at pilit na inalala ang nangyari.

Natigilan ako ng maalalang may lalaking biglang kumuha sa akin. Bumangon ako at agad na nagbihis. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at nakitang alas nuebe na ng gabi. Nakita ko din ang maraming text at missed call ni Dylan. Hindi ko na iyon chineck pa at nagmadali ng lumabas sa kwartong iyon.

Nang makalabas sa building na iyon ay agad akong sumakay sa taxi para makauwi. Gulong gulo ako. Kaninong condo unit yun? Bakit ako nandoon? Bakit? Bakit naka tube top na lang ako kanina? Laking pasalamat ko na lang dahil nakapalda pa din ako kanina at hindi naman masakit ang aking katawan. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

Nang makarating sa bahay nila Dylan ay agad ko siyang nakita sa labas. Lumapit ako sa kaniya ng makababa sa taxi.

"Baby, I'm sorry. May nangyari na.." natigilan ako sa pagsasalita ng mag angat siya ng tingin sa akin. Ang kaniyang namamagang mga mata na halatang galing sa pag iyak ang nagpahina sa akin. "B-bakit? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.

"I should be the one asking you that." kinabahan ako ng makita ang galit sa kaniyang mukha. "What the hell did you do?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

"D-dylan. Ano bang sinasabi mo?"

Bigla siyang may ibinato sa akin na mga picture. Nang tignan ko iyon ay nagulat ako ng makitang ako iyon at may katabing lalaki. Nanlaki ang aking mga mata at pinulot isa isa ang mga picture na iyon. Ito.. ito yung nangyari kanina. Sinong gumawa nito? Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod siya at halatang sinadya na wag ipakita ang kaniyang mukha. Wala siyang damit pang itaas habang ako ay nakabalot ng kumot at bahagyang nakayakap sa kaniya. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata. Nag angat ako ng tingin at nakitang umiiyak din si Dylan.

"Baby, hindi ko alam kung paano.. bigla na lang may kumuhang lalaki sa akin kanina." umiiyak kong paliwanag. Umiling iling ako at hindi na makapagsalita.

"I trusted you. Akala ko iba ka." bigla akong nanghina ng marinig iyon.

"Dylan, please." sinubukan kong hawakan ang kaniyang kamay pero nasaktan lang ako ng bigla siyang lumayo sa akin. "W-wala namang nangyari eh. H-hindi ko alam kung sinong gumawa nito sa'kin. Please, maniwala ka naman."

"You disappoint me."

Napatakip ako sa aking bibig ng iwan niya ako doon at tuluyan na siyang pumasok sa loob.

--------

Hi guys! Sorry sa matagal na update! Nagstart na nga pala kaming magvlog ng mga kapatid ko. Kung may time kayo at gusto niyo pa akong makilala ng mas mabuti sana panoorin niyo kami hahahaha. Don't forget to LIKE, COMMENT and SUBSCRIBE!
Comment done with your name para mashout out namin kayo sa next video namin.

For example: Done! Julie from Wattpad 😊

Our YOUTUBE CHANNEL:
La Familia Revilla

or just click the link below!

https://youtu.be/8mP6n9ZiCfU

MARAMING SALAMAT GUYS!! 😊😊

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now