SCHOOL 31

485 23 1
                                    

JASMINE

Pareho kaming nag exam ni Dylan sa Priston University pero siya lang ang nakapasa. Kasama niya doon si Elijah. Nalungkot ako ng hindi ako nakapasa pero inasahan ko na din naman. Mahirap kasi ang entrance exam nila.

Nag exam ako ulit sa ibang university. Natanggap ako sa St. Augustine University kung saan nakapasa din si Sabrina. Malayo iyon sa Priston at magkaiba pa ng daan.

"Are you sure you're going to be okay? Gusto mo mag exam din ako dito?" tanong ni Dylan ng sunduin niya ako pagkatapos kong magpaenrol.

Napansin ko ang pagtingin sa kaniya ng mga babaeng nakakasalubong namin kaya naman hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"Hindi na. Okay lang ako dito. Tsaka mas maganda sa Priston."

Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at inalalayan akong sumakay bago siya umikot papunta sa driver seat.

"Just tell me kapag may nangyayaring hindi maganda. Kapag may pumorma sayo dito, sabihan mo ako agad." natawa ako sa kaniyang sinabi.

"Para namang sobrang ganda ko para may manligaw." natatawa kong sabi.

Seryoso niya akong nilingon.

"Hindi mo ba alam na sobrang ganda mo?" kunot noo niyang tanong kaya lalo akong natawa.

"Sinasabi mo yan dahil girlfriend mo ako."

"Kahit hindi kita girlfriend maganda ka sa paningin ko no."

"Oo na. Sige na."

Nagpunta muna kami sa mall para bumili ng mga gamit.

"Ikaw ang wag magpapaligaw doon ha. Mamaya may babaeng manligaw din sayo katulad ng ginawa ko." sabi ko habang pumipili ng mga ballpen naming dalawa.

"Ikaw lang ang papayagan kong manligaw sa akin ng paulit ulit." nilingon ko siya at nginitian.

"Buti naman. Mas okay na yung sigurado." natawa siya at nailing.

Couple backpack ang binili namin. Bumili din kami ng couple rubber shoes.

Nangalumbaba ako habang tinititigan ang mukha ni Dylan na binabasa ang schedule ko. Nandito kami sa Jollibee para magmiryenda. Kumunot ang kaniyang noo kaya nagtaka ako.

"Bakit nakakunot ang noo mo?" tanong ko at kumain ng fries.

"Sa gabi lang tayo magkikita at tuwing sunday. Kapag wala kang pasok, may pasok naman ako. Kapag ako ang walang pasok, ikaw ang may pasok."

"Baby, nasa college na tayo kaya dapat inasahan mo na yan." sinubuan ko siya ng fries.

Umiling siya at tinupi na ang aking registration form.

"Ngayon pa lang namimiss na kita. Pakiramdam ko magiging sobrang busy na tayong dalawa."

"Para kang sira! Nakatira tayo sa iisang bahay no." natatawang sabi ko.

Bumuntong hininga siya at tinitigan ako ng maigi. Nginitian ko siya at hinayaan lang sa ginagawa.

Nang makarating sa bahay ay agad kong pinakita kay Tita Adeleine ang mga pinili namin.

"Wow! Buti napapayag mo si Dylan sa mga couple items." natatawang sabi ni Tita habang tinitignan ang aming bag.

"Medyo nahirapan po ako. Ang corny daw kasi." nakangiting sagot ko.

"Sayang lang at hindi kayo magkasama sa school."

"Okay lang po yun, Tita. Palagi naman kaming magkasama dito."

Nang sumapit ang gabi ay sabay sabay kaming kumain ng hapunan.

"Jasmine, gusto mo bang ikuha kita ng personal driver mo? Baka kasi kailanganin ko si Mang Timyo minsan." agad akong umiling sa sinabi ni Tito Armand.

"Hindi na po Tito. Pwede naman akong magcommute."

"Hindi ka ba mahihirapan?" nag aalalang tanong ni Tita.

"Okay lang po ako, Tita. Hindi ko na kailangan ng driver."

"Maihahatid at masusundo ko naman siya minsan." sabi ni Dylan.

"Oh sige. Kayo na ang bahala. Basta kapag nahirapan ka sa pagcommute sabihin mo lang sa amin." sabi ni Tito at nginitian ako.

"Sige po." nakangiting sagot ko.

Nang matapos kumain ay nagpunta kami sa kwarto ni Dylan para manood ng movie sa netflix. Tinignan ko siya na minamasahe ang aking mga paa pero sa TV naman nakatutok ang mga mata.

"Baby."

"Hmm." nilingon niya ako pero agad ding binalik sa TV ang atensyon.

"Parang gusto ko ng maghanap ng part time."

Agad siyang humarap sa akin.

"And why?" kunot noo niyang tanong.

"Kasi nasa tamang edad na ako? Isa pa, nasa college na ako. Mas malaki na ang gastos. Ayaw ko namang iasa lahat kina Tita."

"Baby, nasa college na tayo. Mas busy at mas mahirap na. Isa pa, okay lang naman kina Mommy at Daddy."

"Pero ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila. Tsaka hindi purkit mayaman kayo eh iaasa ko na sa inyo lahat."

"Baby, just focus in your studies. Pwede mo naman silang matulungan sa ibang paraan. Kapag nag aral ka ng mabuti ngayon, magiging masaya na sila. Kapag nagpakasal na tayo, alagaan mo lang ako ng mabuti, okay na okay na sa kanila."

Natawa ako sa kaniyang sinabi at mahina siyang pinalo.

"Ewan ko sayo."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon.

"Mag focus muna tayo sa pag aaral ngayon. Kapag nakatapos tayo at makapagtrabaho sabay nating ibalik sa kanila ang sakripisyong ginawa nila para sa atin."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now