SCHOOL 9

547 34 9
                                    

JASMINE

"What's with the face?" tanong ni Simon ng puntahan niya ako ulit dito sa trabaho ko.

Naupo ako sa kaniyang harapan since breaktime ko naman.

"Nakita ko si Dylan na may kasamang iba." malungkot kong sagot.

"Eh ano ngayon? Hindi naman kayo." agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.

"Alam ko! Alam ko! Bwisit ka talaga." inis kong sabi na ikinatawa niya.

"You're jealous?"

"Hindi ba halata?" sarkastikong sagot ko.

"Then make him jealous too. Tignan lang natin kung hindi siya mabahala na may kasama ka ng iba." tinignan ko siya ng maigi. "That's the step 2 para mapasagot mo siya."

Nangalumbaba ako at bahagyang inilapit ang aking mukha sa kaniya.

"So, kaya mo ako sinabihan na maging extra sweet sa kaniya ay para gawin ito? Para mabigla siya na may kasama na akong iba pagkatapos noon?"

"Yup." sagot niya at titig na titig sa akin.

"Magseselos naman kaya siya?"

"Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan."

Bumuntong hininga ako at umayos na ng upo.

"Eh sino naman ang gagamitin ko para pagselosin siya? Bukod sa kaniya ay si Elijah lang naman ang medyo close ko. Hindi naman pwedeng si Elijah ang kuntsabahin ko dahil si Dylan pa din ang kakampihan nun."

"Ako."

"Ha?"

"Use me."

Natigilan ako dahil sa pagpepresinta niya.

"Seryoso ka ba dyan?" gulat na tanong ko.

"Oo naman. Wala naman akong pinagkakaabalahan kaya imbes na maboring tutulungan na lang kita."

After naming mag usap ni Simon ay nagpaalam na din akong babalik na sa trabaho.

"Uy! Sino ba yung gwapong lalaki na yun? Palagi kang dinadalaw dito ah. Manliligaw mo?" tanong ni Cleo.

"Hindi no. Kaibigan ko lang."

"Weh? Kaibigan mo lang yun? Bakit hindi mo pa dyowain? Sobrang gwapo kaya!" kinikilig niyang sabi.

"May iba na akong gusto."

Pagkatapos ng duty ko ay agad na din akong lumabas sa restaurant. Hinanap ko si Simon dahil ang sabi niya ay hihintayin daw niya ako at ihahatid.

"Nasaan na yun? Umuwi na kaya?" itetext ko na sana niya ng biglang may manggulat sa akin mula sa likod. "Ay kalabaw na unggoy!"

Agad kong hinampas si Simon na tumatawa dahil sa aking ekspresyon.

"Kalabaw na, unggoy pa?" tumatawa pa ding sabi niya.

"Wag ka nga manggulat. Kita mong gabi na eh." inilagay ko ang aking cellphone sa bag.

"So, paano ba ang plano?" tanong ko sa kaniya habang nagmamaneho siya.

"Anong oras ang klase mo bukas? I mean, mamaya since it's already 1am."

"7 am ang first class ko."

"Good. Susunduin kita kaya hintayin mo lang ako."

"Wala ka bang pasok?" kunot noong tanong ko.

"8am ang start ng klase namin." tumango tango ako at nakuntento sa kaniyang sagot.

"Salamat ha." sabi ko ng makarating na kami sa aming kanto.

"Hintayin mo ako ah. Susunduin kita."

"Sige. Bye!"

Pagkauwi sa bahay ay tinignan ko ang cellphone ko kung nagreply ba si Dylan sa text ko kanina. Bumagsak ang aking balikat dahil hindi man lang siya nagreply. Ano? Enjoy na enjoy sa babaeng kasama niya? Tss.

Itinulog ko na lang ang inis na nararamdaman.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag ayos. Nang magtext si Simon na malapit na siya ay saka lang ako nagpunta sa kanto para doon na siya hintayin.

"Good morning." bati ko sa kaniya.

"You look so tired. Huminto ka na kaya sa pagtatrabaho?"

"Hindi pwede." sagot ko habang ikinakabit ang seatbelt. "Tsaka on call lang naman ako. Kapag kailangan lang nila ng extra worker saka lang ako papasok."

"Wala kang pasok sa work mamaya?" tanong niya at nagsimula ng magmaneho.

"Wala."

"Good. Ayain mo yung nililigawan mo mamaya na pumunta kayo sa mall."

"Ha? Paano ko siya pagseselosin kung makikipagdate pa ako sa kaniya?"

"Hindi date yun." sabi niya at tinusok ang pisngi ko.

"Aray ha!"

"Pupunta din ako doon mamaya and I'll do the rest. Ang importante lang ay magpunta kayong dalawa." nakangising sabi niya.

Habang naglalakad papunta sa aming classroom ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan sa pinaplano ni Simon. Magwork kaya ito? Napailing iling ako at huminga ng malalim. Ang sabi niya hindi ko malalaman ang sagot sa mga katanungan ko kung hindi ko susubukan.

Kaya mo yan, Jas!"

"Mall?" kunot noong tanong ni Dylan.

"Oo nga. Gala tayo sa mall mamaya. Isama natin sila Elijah at Sabrina." nakangiting sabi ko. "Pumayag ka na. Please."

Bumuntong hininga siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Fine."

"Yes!"

Agad kong tinext si Simon ng pumayag si Dylan.

To: Poging Simon
Pumayag siya! 🤭

High School Love (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu