SCHOOL 46

398 20 4
                                    

JASMINE

"Are you sure your things are already complete? Makakalimutin ka pa naman." sabi ni Dwayne habang nakahiga sa aking kama at pinapanood ang pag aayos ko sa aking mga gamit na dadalhin ko sa Pinas.

Nameywang ako at pinasadahan ng tingin ang laman ng aking maliit na maleta.

"Hindi ba pwedeng mauna na lang kayo?" tanong ko sa kaniya.

Dapat kasi ay next month pa kami bibiyahe papuntang Pilipinas pero tumawag si Kuya Daniel kahapon at sinabing kailangan na naming magpunta doon para bago sila ikasal ay kahit papaano maging pormal ang pamamanhikan at kailangan na daw naming masukatan para sa susuotin namin.

"Oh come on! It's no fun if you stay here alone. Tsaka isa pa, kailangan mo ng masukatan since abay ka and we need to enjoy the beach!"

Napabuntong hininga ako. Yup. Beach wedding ang theme ng kasal nila Kuya Daniel. Private beach resort daw iyon ng pamilya ni Ate Lauren kaya pwede naming sulitin ang bakasyon doon.

Next week ay pormal na mamamanhikan si Kuya Daniel kaya gusto niyang kumpleto kami doon para suportahan siya.

Habang nakasakay sa eroplano ay hindi ko mapigilan ang hindi kabahan. Hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na maaaring magkita kami ni Dylan doon.

"Are you okay? You look so pale." napatingin ako kay Dwayne ng magsalita siya.

"Oo. Medyo kinakabahan lang."

"I told you to stop thinking about anything. We're going there because of Kuya's wedding."

Tumango ako at bahagyang nginitian siya. Nang makababa kami sa eroplano at muling makatapak sa Pilipinas ay gumaan ang aking pakiramdam. Ang kaninang kaba ay napalitan ng galak at pagkasabik.

Agad kong kinawayan si Kuya Daniel ng makita siyang matiyagang naghihintay sa amin. Nasa kaniyang tabi si Ate Lauren.

"Kuya!" niyakap ko si Kuya Daniel na ngiting ngiti ng makita kami.

"Parang gumanda ka lalo?" pambobola niya na ikinatawa ko.

Niyakap niya din si Tita Marie at si Dwayne.

"Nice to finally meet you hija." nakangiting sabi ni Tita at niyakap si Ate Lauren.

"Nice to meet you din po. Welcome back po."

Tumingin sa akin si Ate Lauren at nginitian ako kaya naman napangiti din ako.

"Tara na babe." naalis ang kaniyang tingin sa akin ng magsalita si Kuya Daniel.

"So, may private beach resort kayo sa Batangas?" tanong ni Tita habang nasa biyahe kami.

"Actually, pagmamay ari po iyon ng pinsan ko. Buti nga po at pumayag na doon ganapin ang kasal namin ni Daniel." masayang pagkukwento ni Ate Lauren.

"Doon na ba tayo didiretso?" bulong ko kay Dwayne.

"Nope. Bukas pa tayo pupunta doon."

Tinignan ko ang oras sa suot na relo at nakitang alas sais na ng gabi. Balak ko pa naman sanang bumisita sa puntod nila Papa at Mama bago pumunta sa Batangas.

Pumunta kami sa restaurant na pagmamay ari ng Auntie ni Ate Lauren para kumain ng dinner.

"Kailan ba ang pamamanhikan mo anak?" tanong ni Tita habang kumakain.

Nagkatinginan sila Kuya Daniel at Ate Lauren at parehong napangiti.

"Bukas ng gabi Ma." nakangiting sagot ni Kuya Daniel.

Nakangiti lang ako habang pinapanood ang pagiging sweet nila sa isa't isa. Sobrang ganda ni Ate Lauren. Bagay na bagay sila ni Kuya and they look so inlove with each other. Unti unting napawi ang aking ngiti ng biglang sumagi sa aking isipan si Dylan.

Yumuko ako at itinuon ang atensyon sa kinakain.

"Doon din ba ikinasal ang pinsan mo? I'm sure kaya siya bumili ng resort ay para sa asawa niya." dinig kong tanong ni Tita.

"Naku, single pa po ang pinsan ko. Noong una nga po ay ayaw pumayag dahil gusto din niyang doon ikasal kapag bumalik na yung babaeng hinihintay niya. Pinilit ko lang po at napapayag ko naman." sagot ni Ate Lauren at tumawa. "Bibili na lang daw po siya ng bagong beach resort kapag dumating na yung hinihintay niya."

"Really? Ilang taon na ba ang pinsan mo at parang napaka aga naman niyang makabili ng ganoong property?" manghang tanong ni Tita.

"I think he'll be 24 years old this year. He's a police lieutenant po."

"Wow. At a young age he's rich and a respectful person pa."

"Yes po. He's doing great being a policeman. Sobrang proud po kami sa kaniya." nasa boses ni Ate Lauren ang pagmamalaki sa kaniyang pinsan.

Nang makarating sa bahay nila Tita Marie dito sa Makati ay agad akong dumiretso sa dating kwarto ni Kuya Daniel. Doon kasi sila umuwi sa condo unit ni Ate Lauren at bukas daw ay sabay sabay kaming bibiyahe papuntang Batangas.

"Matutulog ka na?" tanong ni Dwayne na nakasilip sa pintuan ng kwarto.

"Yup. Maaga pa tayong aalis bukas di ba?" tanong ko habang kumukuha ng damit pamalit.

Pumasok siya at nauna ng nahiga sa kama. Tinignan ko siya at natawa ng makitang titig na titig siya sa akin.

"Anong problema mo?" natatawang tanong ko.

"Why do I feel like you're going to leave us?" unti unting nabura ang aking ngiti. "Why do I feel like once you see him again, you'll still choose him over us."

"Dwayne."

"Bakit parang gusto kong magsisi na pinilit pa kitang sumama dito?"

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now